Maritoni Fernandez on daughter Lexi: “Gusto kong may sariling space ang anak ko… ayokong agawan pa siya ng eksena.”

Hinuhubog na maging “professional” sa trabaho ang anak ni Maritoni Fernandez na si Lexi. Ang dahilan niya: “Your kids are the reflection of what kind of a parent you are. Kaya as much as possible, I want my kids to do what is right.”


Isa sa mga kinaiinisang kontrabida ngayon sa telebisyon ay si Maritoni Fernandez na gumaganap bilang Belen sa early primetime series ng GMA-7 na Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa.

Nang bisitahin si Maritoni ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Paroa sa Quezon City, ikinuwento ni Maritoni na may mga fans na raw si Barbie Forteza na nagagalit sa kanya.

Kung noon ay binabati pa siya ng mga ito kapag nasa set sila, ngayon ay parang apektado sila sa kanyang pang-aapi sa mag-inang Barbie at Agot Isidro.

Aniya, “Sa totoo lang, amused ako kasi ang mga fans talaga, they get really affected pala.

“Akala ko before, wala lang iyon kasi they know na trabaho lang.

“But the more na inaapi ko si Barbie sa show, the more na nagagalit pala sila.

“Hindi na nga nila ako binabati, e!” tawa pa niya.

Pero ina-assure naman daw ni Maritoni na ang role niya bilang si Belen ay para lang sa show.

In real life, hindi naman daw siya ganun.

“Oo naman. Barbie can attest to that. Mahal ko ang batang ‘yan. Sa Paroa ko lang siya hindi mahal.

“Magkaibigan sila ng anak kong si Lexi [Fernandez] kasi nga nagkasama sila sa Tween Hearts at sa Nita Negrita.

“They already formed a bond at natutuwa ako sa ganyan.

“Kilala ako ni Barbie at alam niyang hindi ko siya tunay na sasaktan.

“When we started nga with Paroa, natawa pa si Barbie kasi after siyang apihin ni Lexi sa Nita Negrita, ako naman ang aapi sa kanya sa Paroa.

“Hindi na siya nakawala sa aming mag-ina!

“But I love that girl kasi mabait at masipag siya.

“Kaya never kong pagmamalditahan ang batang ‘yan,” pagsisiguro ni Maritoni.


TANDEM. Sa pagiging kontrabida rin nalilinya ang anak ni Maritoni na si Lexi.

“Why not? Like mother, like daughter, ‘di ba?” malakas na tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The more, the merrier! Pareho kaming may trabaho.

“But you know, mas gusto ko na hindi kami magkasama ni Lexi. I want her to be on her own.

“Kaya pakiusap ko nga sa GMA-7 na huwag na kaming pagsamahin.

“Except nga for this movie, Sosy Problems, I play mother sa kanila ni Bianca King.

“Gusto kong may sariling space ang anak ko. Ayokong agawan pa siya ng eksena.

“Okay lang sa akin that she is being groomed as a young kontrabida—parang mini-me.

“Pero hindi naman every project niya ay kontrabida siya.

“Like in Magdalena, hindi siya kontrabida roon—mabait siya roon.

“I want Lexi to be a versatile actress. I want her to do different roles habang bata pa siya.

“It’s better to start young, di ba? Lahat ng magagandang opportunities happens sa edad niya ngayon.

“I’m here naman to guide her sa ano ang puwede niyang gawin.”


PROFESSIONALISM. Isa sa mga pangaral ni Maritoni kay Lexi ay ang maging professional sa kanyang trabaho.

Huwag na huwag daw itong magpapahintay sa mga kasama niya sa trabaho.

“Yun ang parati kong sinasabi sa anak ko, ‘Never let other people wait for you.’

“’Okey lang na ikaw ang maghintay, huwag na ikaw ang hinihintay.’

“Kaya kapag may schedule ng taping ‘yan, I remind her to wake up early and kailangan prepared na ang mga gamit niya.

“Ayokong makakarating sa akin na she’s late or she wasn’t prepared on the set. Ako kasi ang masisisi diyan, ‘di ba?

“Your kids are the reflection of what kind of a parent you are.

“Kaya as much as possible, I want my kids to do what is right.

“But I’m not asking them to be perfect… gawin lang nila yung tama.


STAGE MOTHER. Naakusahan nang isang stage mother si Maritoni dahil noong nagsisimula si Lexi ay panay daw ang punta nito sa set ng Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never naman akong naging stage mother. Hindi ako nakikialam sa mga nangyayari sa set,” paliwanag ni Maritoni.

“There are times kasi na ako ang naghahatid at nagsusundo kay Lexis sa taping niya.

“Siyempre, habang hinihintay mo sila, nakikipagkuwentuhan ka sa ilang tao roon na nakatrabaho ko naman sa ibang show.

“Nakailang shows na ba ako sa GMA? I did Bakekang, Dapat Ka Bang Mahalin, Ikaw Sana, Langit Sa Piling Mo, Blusang Itim, and Legacy.

“So most of the people on the set, kakilala ko na kasi palipat-lipat lang naman sila ng shows, di ba?

“Mapapatunayan naman nila na never akong nakialam or nag-atribida sa set.

“’Tsaka ilang times lang naman ako nakarating sa taping niya.

“I recall one time, birthday ni Lexi, kaya I bought food para sa mga kasama niya at sa staff ng show.

“Hindi naman ako nagbababad doon kasi busy rin naman ako with other things.

“I let my daughter work at ayaw din niyang nakikialam ako sa kanya,” natatawang pagtatapos ni Maritoni Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN