Tanya Garcia on mom-in-law Marissa Lapid’s three-year probation: “There is no jail time because there was no evidence that any of the money was improperly obtained."

Masaya raw si Tanya Garcia at hindi nakulong ang kanyang biyenang si Marissa Lapid sa kasong cash smuggling dahil: “Proven naman that the money was legal. The only violation was failing to not properly report it. So, everything’s okay. Ipinagdasal naming lahat ang kaso ni Mama. Mabuti naman na gano’n lang ang hatol sa kanya."


Nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Tanya Garcia pagkatapos mahatulan ang kanyang mother-in-law na si Marissa Lapid ng three-year probation ng U.S. District Court of Nevada dahil sa kaso nitong cash smuggling sa Las Vegas noong January 2012.

Lumabas ang hatol noong February 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa pamamagitan ng social networking site na Facebook ay nakapanayam ng PEP si Tanya kagabi, February 7.

Kasalukuyang wala sa bansa ang mister ni Tanya na si Mark Lapid dahil nasa Las Vegas ito para samahan at suportahan ang kanyang ina.

Sabi ng aktres, “Yeah, may lumabas na ngang news regarding sa case ni Mama.

“She’s okay naman there in Las Vegas. Kakabalik lang niya doon last January. And a few days ago, nag-hearing nga sila.

“Mark was there to give support.”

Pinatawan ng three-year probation si Mrs. Lapid, at nagpapasalamat ang pamilya Lapid dahil hindi ito makukulong sa Las Vegas.

Sabi ni Tanya, “All is well naman. Mama was given three years probation only. But she is allowed naman to travel.

“There is no jail time because there was no evidence that any of the money was improperly obtained.

“Proven naman that the money was legal. The only violation was failing to not properly report it.

“So, everything’s okay.

"Pinagdasal naming lahat ang kaso ni Mama. Mabuti naman na gano’n lang ang hatol sa kanya.

“Makakauwi pa naman si Mama dito sa Pilipinas. We might visit her din sa Las Vegas kung hindi pa siya uuwi muna.”



BARBIE AND DERRICK. Pagdating naman sa showbiz career ni Tanya, busy pa rin siya sa taping ng GMA-7 telefantasya na Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa.

Hindi pa sigurado si Tanya kung kailan matatapos ang kanilang show.

Ang maganda raw ay masaya silang lahat sa mataas na ratings at sa magandang feedback na natatanggap ng programa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every day kasi, marami ang nagaganap sa mga episodes namin kaya inaabangan talaga ang mga mangyayari.

“Lalo na sa team-up nina Barbie [Forteza] at Derrick [Monasterio]. Marami na silang mga fans at maraming kinikilig sa kanila.

“Abangan nila ang mga mangyayari pa sa kuwento nila at siyempre, sa kuwento rin naming mag-ina,” proud na pahayag ni Tanya.

Inusisa rin namin kay Tanya kung napapansin ba niyang extra close sina Barbie at Derrick. Balita kasing nagkakamabutihan na ang dalawa.

Sabi ni Tanya, “Sa nakikita ko naman sa dalawa, para lang silang mga bata na nagkukulitan sa set.

“Observation ko, good friends lang sila.

“Kasi pareho pa silang mga bata talaga at parang wala pa sa kanila yung magkaroon sila ng serious na relationship.

“Sa set nga, kapag break time namin, kanta lang sila nang kanta tapos kain nang kain.

“Wala akong nakikitang nagiging sweet sila sa isa’t isa.

"Pareho kasi silang makulit. Kaya feeling ko, friends lang talaga silang dalawa. Barka-barkada lang.

“Tama lang naman iyon kasi pareho pa silang mga bata.

"Si Derrick nga, ang tangkad-tangkad, pero makikita mo na kilos-bata pa rin siya.

“Si Barbie naman, tawa lang nang tawa sa mga biruan nila ni Derrick.

“Nakakatuwa naman silang tingnan kasi pareho silang masisipag sa trabaho.

“Kapag taping na, serious sila. Kapag break time, lumalabas ang pagiging bata nila.”



SOPHIE ALBERT. Samantala, masaya naman si Tanya para sa pinsan niyang si Sophie Albert, ang Best Actress winner ng Artista Academy ng TV5.

Magsisimula na ang drama series ni Sophie na Never Say Goodbye sa February 11.

Sabi ni Tanya tungkol sa kanyangb pinsan, “I am very happy and proud of Sophie.

“Kahit hindi pa nga kami nakakapag-usap after she won sa Artista Academy, she knows na todo ang suporta ko at ng family ko sa kanya.

“Usually kasi, every Christmas kami nagkikita ni Sophie. Pero last Christmas, I wasn’t able to go sa reunion sa house nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandito kasi si Mama Marissa noong Pasko, kaya sa Lapid side kami nag-spend ng Christmas.”

Nakakabasa raw si Tanya ng mga magagandang write-ups tungkol kay Sophie, kaya wish niya magtuluy-tuloy ang matagal na nitong pinapangarap na successful career.

“I wish her all the best. Basta i-continue lang niya ang ginagawa niyang tama.

“Dream talaga ng batang ‘yan ang maging artista. Naaalala ko na mahilig talaga siyang kumanta, sumayaw at umarte.

“Now, her dreams are coming true.

“Alagaan lang niya at mahalin niya ang trabahong ito. At huwag siyang makalimot na magpasalamat parati sa mga taong naniwala at nagbigay ng tiwala sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN