Pops Fernandez overwhelmed by success of Foursome concert: "Nagpapasalamat kami sa lahat dahil na-beat pa yung expectations namin.”

Inamin ni Pops Fernandez na nakaramdam siya ng nerbiyos sa muli niyang pagtuntong sa stage para sa Valentine concert na Foursome. Sabi ng Concert Queen, “Actually, ninerbiyos ako kasi parang ang tagal-tagal na, e, it’s been so long for me. So, may kaunting nerbiyos talaga… and excitement of course.”


Sina Pops Fernandez at Edu Manzano ang nagsilbing hosts sa 50th birthday celebration ni Senator Jinggoy Estrada noong Sabado, February 16, sa The Tent City ng Manila Hotel.

Pagkatapos ng programa, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pops habang nagpapahinga sa may reception area ng venue.

Nagpauna muna siya ng pagbati sa birthday celebrator na si Senator Jinggoy.

“Siyempre, Happy Birthday! Ang saya-saya ng gabi, parang ang dami niyang surprises, di ba?

“Tapos ang cute-cute nung family niya, so talented yung family niya… grabe, nagulat ako.”

Ang tinutukoy ni Pops ay ang isang production number na inalay ng asawa ni Senator Jinggoy na si Precy at mga anak nilang sina Jil, Jullian, Jolo, at Janella.

Dahil dito ay hindi napigilan ng senador na maiyak sa ipinakitang talento ng pamilya.



FOURSOME. Matapos nito, inusisa na ng PEP kung ano ang reaksiyon niya na naging malaking tagumpay ang kanilang Valentine concert na Foursome—kasama ang dating asawang si Martin Nievera, at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

(CLICK HERE to read read related story.)

Saad ng Concert Queen, “Nagpapasalamat kami, ako nagpapasalamat ako sa lahat.

“It’s really overwhelmingly successful, and alam mo naman nowadays na bihira na ang mga locals shows [na umaapaw ang audience], so ang saya-saya namin.”

Katunayan, dahil sa dami pa ng gustong manood, magkakaroon na agad ng repeat ang Foursome sa March 16, sa Mall of Asia Arena pa rin.

Ano ang masasabi ni Pops na silang apat talaga nina Martin, Ogie, at Regine ang iilan sa local singers na dinadayo ang shows?

Sabi ni Pops, “Siyempre masayang-masaya kami, basta nagpapasalamat kami sa lahat dahil na-beat pa yung expectations namin.”

Ano kaya ang sikreto nilang apat at ganito na lang ang pagtangkilik sa kanila ng mga tao?

“Siguro… ako kasi, nag-e-enjoy ako mag-entertain ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s very, very important, di ba? Nakikita nila na... nararamdaman nila yung puso mo, tapos yung passion mo talaga for performing [on stage].”

Na-miss ba niya ang mag-concert sa harap ng maraming tao?

Bago ang Foursome, matagal na hindi nakapag-concert si Pops sa malaking venue. Nakatuon na rin kasi ang kanyang oras sa negosyo at pag-o-organize ng mga tournaments for charity.

Pag-amin niya, “Actually, ninerbiyos ako kasi parang ang tagal-tagal na, e, it’s been so long for me.

“So, may kaunting nerbiyos talaga… and excitement of course.”

Bago pa man ang Foursome concert nila last February 14, masuwerte ring matatawag ang kanilang show na isa sa mga napili ng CNN International website na kabilang sa kanilang “50 cities, 50 last-minute Valentine’s dates.”

(CLICK HERE to read related story.)


MARTIN-POPS FRIENDSHIP. Magkasama rin ang dating mag-asawa na sina Pops at Martin sa birthday ni Senator Jinggoy, dahil isa ang Concert King sa nag-alay ng kanta para sa senador.

Sa presscon noon ng Foursome ay nagbiro si Martin na “high-maintenance ex” daw si Pop kaya hindi na raw nito ma-afford. Ano ang masasabi ni Pops dito?

(CLICK HERE to read related story.)

Natatawang tugon nito, “Ewan ko sa kanya, siya lang nagsasabi nun!”

Paano nila na-maintain ang kanilang pagkakaibigan pagkatapos nilang maghiwalay?

Sabi ni Pops, “Ang tagal na kasi at ang dami na naming pinagdaanan ni Martin.

“Siyempre, ang pinakaimportante ay yung pagmamahal namin sa mga anak namin.”

Dalawa ang naging anak nina Pops at Martin—sina Robin at Ram.



LOVELIFE. Saan naman siya nag-celebrate ng Valentine’s pagkatapos ng kanilang concert?

“Naku, natulog ako kasi pagod na pagod ako,” sabi ng singer-actress.

So wala pa ba talaga siyang lovelife?

Natatawang sagot ni Pops, “Foursome muna tayo, yun na lang muna!”

Pero may mga manliligaw ba sa kanya?

“Meron naman. Pero hanggang dun na muna. Enjoy-enjoy muna tayo!” natatawang sagot ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN