Krista Miller denies affair with Cesar Montano: "Walang katotohanan ang lahat."

Ito ang pahayag ng starlet na si Krista Miller sa pagkakadawit ng pangalan niya sa problemang kinahaharap ngayon ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz: “Itong isyu na ito, hindi ko alam kung saan galing ito, saan ang pinaghugutan nito. Pero, isa lang po ang masasabi ko, itong challenge na ito sa akin, naging matatag ako rito.”


Eksklusibong nakapanayam ng The Buzz si Krista Miller, ang starlet na itinuturong “third party” sa problemang kinakaharap ngayon sa pagsasama ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Bilang baguhang artista, nagsimula raw ang 22-year-old Media Production student sa pagiging isang fan.

Mula sa pagiging extra sa ilang ABS-CBN shows, sumali rin siya sa ilang beauty at reality contests para makilala at sumikat.

Pero diin ni Krista, passion at hindi pera ang dahilan kung bakit siya nag-aartista.

Si Krista ay kasama sa pelikulang Alfredo Lim: The Untold Story, kunsaan direktor at co-star niya ang nali-link sa kanya ngayong si Cesar.

NOT IN HIDING. Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balita sa pagkakaugnay niya kay Cesar, na nalaman ng publiko dahil na rin sa pagpu-post ng asawa ng aktor na si Sunshine sa Instagram ng mga mensahe at larawang patungkol kay Krista.

(CLICK HERE to read related story.)

Ilang beses na ring sinubukang kunin ng mga miyembro ng media ang panig ni Krista ngunit ngayon lamang siya lumantad at nagsalita.

Paglilinaw niya, “Hindi naman po ako nagtago. Hindi naman po ako totally nanahimik.

“Nag-focus lang po ako dun sa work ko. At pinatapos lang din po namin ang shooting.”

Ang tinutukoy ni Krista ay ang shooting ng Alfred S. Lim: The Untold Story.

Wala ba sa isipan niya na hindi niya haharapin ang isyu?

“Hindi po,” sagot ng aspiring actress.

PROVOCATIVE PICTURES. Isa sa mga unang nilinaw ng host na si Boy Abunda kay Krista ay ang posting na ito ni Sunshine sa Instagram: “A girl who sends provocative/sexy pictures and msgs to a married man, is that normal?”

Siya ba ang tinutukoy ni Sunshine sa posting nito?

Sagot ni Krista, “Tito Boy, hindi ko po ugaling mag-send ng picture lalo na kung walang dahilan.

“Ngayon po, kung may nakita po sila na sinasabing picture ko, wala po akong kinalaman dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po ako nagpapadala ng kahit anong picture at any provocative messages kay Direk Cesar.”

Yung diumano’y mga “‘I Love You” messages na nanggaling daw sa kanya, hindi rin sa kanya galing yun?

“Hindi po,” pagtanggi nito.

Tungkol naman sa chocolate, T-shirt, at iPhone5 sa Instagram. Diumano’y ang ilan dito ay pag-aari ni Sunshine at yung isa ay galing mismo sa kapatid ni Cesar.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Krista, “Tito Boy, I have more than five suitors na puwedeng magbigay sa akin ng mga ganoong regalo. Pero may pera ako, kaya kong bumili.

“At saka, hindi ko hahayaan ang sarili ko na pababain ang sarili ko dahil lang sa iPhone 5, yun lang po.”

IS CESAR COURTING HER? Five suitors, sa diretsahang tanong, niligawan, nililigawan ba siya ni Cesar? Nagpakita ba siya ng motibo kay Cesar?

“Hindi po,” sabi ni Krista.

“He’s my director, I respect him. He loves his family. Hindi po para bigyan niya ako ng motibo.

“Alam kong pamilyado rin siyang tao para magbigay ako ng motibo sa kanya. Ginagalang ko po siya.”

Nang mag-post si Sunshine na “the decency to return what is not yours and what you don’t deserve @iamkristamiller,” tinamaan ba siya rito?

“Hindi po,” tugon niya.

Bakit?

“Kasi po, alam kong wala pong katotohanan lahat yun, e.”

Nang lumabas ang lahat ng isyu na ito na siya ang natuturo, ano ang naging reaksiyon niya?

“Kaya po ako nagugulat, actually, hindi po ako ang unang nakaalam.

“Yung family ko, friends ko, tinawagan nila ako about sa Instagram na sinasabi nila.

“Totally, blangko po akong talaga. Wala akong kaalam-alam sa ibinabato nila sa akin sa Instagram.”

Gusto ba niyang sabihin na lahat ng ito, walang pinanggagalingan?

“Wala po.”

Wala siyang kinalaman sa lahat ng ito?

“Wala po.”

Hindi siya nagalit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natural po, nagalit ako. Sumama ang loob ko.”

Kanino siya nagalit?

“Sumama ang loob ko, oo, inisip kong mabuti, inintindi kong mabuti. Inunawa ko siya. Dapat ba akong magalit?"

Kay Sunshine?

“I mean, ako. Kay Sunshine, kay Cesar. Sa mga tao. Dapat ba akong magalit?

“Tinanong ko ang sarili ko kung dapat ba akong magalit?

“Hindi, e. Kasi, walang katotohanan ang lahat.

“Sumama lang po ang loob ko dahil sa ibinabato nila sa akin at sinasabi sa akin na hindi ko alam kung saan nila napupulot ang impormasyon.

“Ultimo pamilya ko, nadadamay na.”

THE OTHER WOMAN? Kung hindi siya nagagalit, nauunawaan naman ba niya na pinagmukha siyang “third party,” “kabit”?

“Hindi ko po maintindihan. Hindi ko po alam,” sagot niya.

“Basta sumama lang ang loob ko, kasi siyempre po, ang daming sinasabi sa ‘yo, e, di ba?

“Ultimo yung ginawa mo sa katawan mo, yung past mo, inuungkat.

“Yun ang masakit, e.”

Nag-text ba siya kahit isang beses kay Cesar?

“Hindi po, wala po akong number niya, unang-una.

“Ang nagko-contact po sa akin sa mga call time ko, location, yung si Kuya Danny po.”

May naramdaman ba siya na may gusto sa kanya si Cesar?

“Hindi, wala rin po, kasi kung ano po yung trato niya sa isa, trato niya sa lahat.

“Trato niya sa artista niya, yung pagiging maasikaso niya sa lahat, ibinibigay niya lahat ng pagkain, sa lahat po yun—everybody in the Turning Cradle knows that.”

Siya, kahit paano ba ay may gusto siya kay Cesar—malaki o maliit man na pagkakagusto o crush?

Natawa ito sabay sabing, “Attractive siya, oo. Guwapo siya, pero hindi siya yung klase ng guy na gusto ko.”

Ilang araw na namalagi si Cesar sa isang hotel at diumano’y siya ang kasama. Totoo ba?

“Hindi ko nga alam na doon pala natutulog si Direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsu-shoot kami dun kasi malapit lang doon ang location namin at nagkaroon din ng pagkakataon na doon na rin sa Manila Hotel ang eksena.

“Kasama ko po si Nonie Buencamino sa eksenang yun.

“At hindi ko rin po alam na doon natutulog si Direk.

“Noong nabalita nga po yun at sinabi… napanood ko po yun, e. Kasama raw ako sa hotel, natawa na lang ako.”

May nagsasabi na itong ingay raw na ito ay bilang promosyon sa pelikula nila. Ano ang masasabi niya rito?

“Siguro po, hindi naman makitid ang utak ni Direk na idamay ang family niya para sa publicity. Hindi naman po siguro siya ganoon.

“Itong isyu na ito, hindi ko alam kung saan galing ito, saan ang pinaghugutan nito.

“Pero, isa lang po ang masasabi ko, itong challenge na ito sa akin, naging matatag ako rito.”

Ngayong binabansangan siyang “kabit, homewrecker, kerida,” ano ang masasabi niya sa kanyang sarili?

“Para sa sarili ko, ginusto ko ‘to, pangarap ko ‘to.

“Alam kong itong inaakusa nila sa akin, hindi pa ito matatapos.

“At alam kong hindi magtatapos dito kasi showbiz, magulo ‘yan. Tanggap ko ‘yan.

“Pinasok ko ‘to, kaya tanggapin ko ang lahat ng pagsubok. Pangarap ko ‘to.

“Basta ako, kung ano ang pangarap ko, doon na lang ako.”

Umiyak naman si Krista nang tanungin kung ano ang gusto nitong sabihin sa kanyang pamilya.

Aniya, “Una po, gusto kong magpasalamat sa kanila na never nila akong iniwan.

“Ipinakita nila sa akin, ipinaramdam nila sa akin kung paano maging matatag.

“At yun po ang naging inspirasyon ko para lumaban.”

Bakit dapat maniwala sa kanya ang publiko?

Sabi ni Krista, “Hindi ko po kayo pinipilit na paniwalaan ako o yung mga taong nanonood ngayon.

“Basta po ako, sinasabi ko lang kung ano ang side ko at kung ano ang totoo.”

Ano ang dasal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dasal ko, gabi-gabi, sana itong pagsubok na ‘to, malampasan ko.

“Walang-wala pa ‘to sa dati. Sana bigyan ninyo lang ako ng lakas, tapang.

“Kapag nandiyan kayo, magiging maayos ang takbo ng ng buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN