Gerald Anderson on Maja Salvador: "She’s very special to me, yes."

Inamin ni Gerald Anderson na gusto niya si Maja Salvador ngunit nilinaw niya na hindi pa sila. Sabi ng young actor, “Matagal na akong single. Matagal na rin po akong single. And you know, I found someone na gusto kong… gusto kong makasama, gusto kong mas makilala pa. Masaya ako pag kasama siya. So, bakit ko ipagkakait ang sarili ko sa ganun, di ba?"


Si Gerald Anderson ang itinanghal na Outstanding Actor in a Drama Series sa kakatapos lang na 2013 Golden Screen TV Awards na ginanap ang kagabi, March 1, Biyernes, sa Teatrino Greenhills.

Nanalo si Gerald para sa huli niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Budoy.

Bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ng acting award si Gerald, ito ang kauna-unahang award niya mula sa Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS).

Nanginginig pa si Gerald at halos hindi mapawi ang kanyang mga ngiti nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media pagkatapos ng awards night.

Ano ang pakiramdam sa pagkapanalo niya ng Best Actor?

“Siyempre masaya, hanggang ngayon kinakabahan ako,” sagot ni Gerald.

Ang award na natanggap ni Gerald ang pangalawa sa huling award na ipinamahagi kagabi.

Bago i-announce ang nanalo, kitang-kita namin ang mahigpit na paghawak ni Gerald sa kamay ng isang staff ng ABS-CBN. Napatingin pa siya sa itaas at saka bumuntung-hininga.

Hindi kinontra ng young actor ang nakita naming reaksiyon niya bago i-present ang Best Actor category.

Sabi niya, “Talagang kinakabahan ako, siyempre naman hindi kasi ako sanay.

“I’m very thankful. Thank you sa ENPRESS. Thank you sa press.

“Alam kong madalas ako sa mga tabloids at sa mga write-ups, good or bad, pero thank you so much!”

Kung hindi nominado at nanalo si Gerald, malamang hindi pa siya makakaharap ng press. Parang ngayon lang yata siya lumabas?

“Oo, wala, e. Eto lang yung event ko lately. Pero wala, ganun talaga,” sagot ng Kapamilya heartthrob.

Hindi ba siya umiiwas sa press?

“Wala. Wala naman akong dapat iwasan.

"Pero marami tayong ups and down sa buhay natin.

“Pag down ka, stay up, stay strong. Pag up ka, like tonight, stay humble. So…”



INSPIRED. Gaano siya ka-inspired ngayon?

“Sobra! Kung kanina ninety-nine percent, ngayon 150 percent na. Babalik pa ako sa taping ngayon. So…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Gerald ay ang taping ng kanyang bagong primetime series sa ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Nakatulong ba na nakapag-date siya noong Valentine’s Day?

Matatandaang naging malaking balita ang date nila ni Maja Salvador sa Tagaytay, kunsaan sumakay pa sila ng chopper para makarating sa isang restaurant doon.

(CLICK HERE to read related story.)

“Pagtulong na nanalo ako award?” nangingiting bulalas ni Gerald.

Dagdag niya, “Wala naman ‘yan kinalaman sa award. Pero thankful pa rin ako.”

Bakit hindi nabanggit ni Gerald sa kanyang acceptance speech ang isa sa mga inspirasyon niya? Ini-expect kasi ng lahat na babanggitin niya si Maja.

Napangiti si Gerald bago nagsalita.

Aniya, “There’s always ano, e… kumbaga ano, e, hindi tayo nagmamadali.

“There’s always the right time for everything.

“Sa ngayon, kumbaga, I just wanna talk about and celebrate yung ibinigay sa akin ng press. So, eto.”



CONTROVERSIAL. Ano ang pakiramdam na pagpasok pa lang ng taon ay isa na siya sa pinag-uusapan talaga?

Dalawa agad ang isyung kinasangkutan ni Gerald sa pagsisimula ng 2013.

Una, ang alitan sa pagitan ng dating matalik na magkaibigan na sina Kim Chiu at Maja Salvador dahil sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Pangalawa, ang insidenteng nangyari sa kanila ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa first taping day ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Dahil sa nangyari, nawala sa cast si Maricel at pinalitan siya ni Dawn Zulueta.

(CLICK HERE to read related story.)

Tugon ni Gerald, “Tulad ng sinabi ko, nagpapasalamat pa rin ako sa press dahil siyempre, marami rin akong write-ups at nasa tabloid ako lately—good and bad.

“Pero, thankful pa rin.”



AT PEACE. Ano naman ang masasabi ni Gerald na “okay” na sina Kim Chiu at si Sarah Geronimo? Nakunan ng larawan ang mahigpit na yakapan ng dalawa sa isang event last week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Sagot niya, “Ahmm, wala na po ako dun. Silang dalawa na lang ang tanungin ninyo.

“Pero we should be happy for each other, sa lahat! Bakit naman natin…”

At peace na rin ba siya?

“Dapat naman tayong maging peaceful.

“Kumbaga, ang dami ngang gulo sa buong mundo, e. Tayu-tayo pa,” mabilis niyang sagot.

Do you also wish na magkaayos na rin sina Kim at Maja?

“A, wala na po ako sa… ayoko ko na pong…” paiwas niyang sabi.



NOTHING TO PROVE. Hindi madalas nakakausap ng press si Gerald nitong mga nakalipas na linggo kaya inalam namin kung gaano siya naapektuhan sa mga magkakasunod na issues sa kanya.

“Gaano ako naapektuhan?” ulit na paglilinaw ni Gerald sa tanong namin.

“Siyempre, kumbaga, kapag di ba, kung ikaw may nagsabi sa iyong masama, maaapektuhan ka talaga.

“But, kailangan ko rin tanggapin, e, trabaho ko ‘yan. Part ng trabaho ‘yan.

“Like I said, ang dami kong kailangang i-prove bilang isang artista.

“Pero bilang isang tao, wala po akong kailangang i-prove kahit kanino.”

At the end of the day, masasabi ba ni Gerald na masaya siya sa kanyang mga naging desisyon?

“Oo naman. Dapat ganun, e.

“Dapat ano, e, right or wrong, mali o tama, panindigan mo ang desisyon mo.

“Pag mali, learn from it. Kung tama, just be happy.”

Sa mga pinagdaanan niyang mga isyu, ano at sino ang mga kinakapitan niya?

“Marami! Lalo na po yung pamilya ko, yung mga malalapit sa akin—Star Magic family ko, handler ko, yung mentor ko… lahat!

“I’m very thankful I have a very strong support system.”



PUBLIC AFFAIR. Mahirap bang magmahal ngayon and be public about it, lalo na’t lagi na lang may sinasabi ang ibang mga tao?

Saad ni Gerald, “Kumbaga, artista ako, e. Ang trabaho ko, umakting. Ang trabaho ko, acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po yung itatago ko kung may mahal ako.

“Kumbaga, pag meron na, hindi ko po itatago yun kumbaga…

“Yes, nag-i-start na akong mag-date, wala namang masama doon. And that’s all I can say.”

Ibig sabihin, hindi pa sila ni Maja?

“Hindi pa. Kumbaga, puwedeng dumaan muna kami sa mga…”

Getting to know each other?

“Paano ba?... There’s always the right time. May tamang lugar… meron namang time para sa lahat.

“Like I said, wala po akong itatago sa inyo.

“She’s very special to me, yes.

“Pero, kumbaga, sa akin na yun. Sa akin na yun!”

Ngayon niya ba mapapatunayan na maaari niyang ipaglaban ang sinumang mahal niya sa kabila ng mga isyu? Ipapakita na ba niya ang romantic gestures niya kay Maja?

“Oo naman. Siyempre! Tao rin ako, e.

“Yung mga napapanood ninyo sa akin sa movie, yung mga rom-com [romantic-comedy], siyempre gusto kong gawin yun sa totoong buhay.”

Matagal niya na bang nararamdaman na gusto niya si Maja, pero ngayon niya lang ito ipinaramdam sa dalaga?

“Matagal ko nang nararamdaman… alam mo yung feeling na siyempre…

“Matagal na akong single. Matagal na rin po akong single.

“And you know, I found someone na gusto kong… gusto kong makasama, gusto kong mas makilala pa.

“Masaya ako pag kasama siya.

“So, bakit ko ipagkakait ang sarili ko sa ganun, di ba?

“Like I said, artista ako. Ang trabaho ko is umakting, pero hindi ko itatago yung relasyon ko.”

Tumanggi nang sumagot si Gerald sa mga tanong tungkol sa detalye ng Valentine’s date nila ni Maja, kung saan umarkila pa raw siya ng helicopter para magdala sa kanila sa Tagaytay.

“Tapos na ang Valentine’s, malapit na ang birthday ko, March! Thank you sa ano… advance birthday gift!” sabay tawa nito.



SUPPORT FOR MAJA. Sa gitna ng mga intriga, paano ipinapakita ni Gerald ang suporta niya kay Maja? Hindi lang kasi siya ang apektado dito, kundi maging ang young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis na tugong ng young actor, “Hindi lang po sa kanya, lahat nadadamay—pamilya ko, yung malalapit sa akin, sa kanya.

“We just have to be strong for each other, and… show sa lahat na happy ka.

“Kumbaga, just always smile.

“Kung masaya ka sa ginagawa mo, masaya ka sa mga kasama mo, wala kang ginagawang masama.”

Ano ba ang mensahe niya sa mga nagsasabing nagpapaiyak siya ng puso ng mga babae?

“Oh, siyempre, tulad nun, maraming showbiz, marami pong sa trabaho namin, maraming perception, marami pong ano.

“Hindi ko masagot dahil alam ko naman po yung totoo.

“Alam ko rin po yung ano… nakakagawa ako ng mali sa buhay ko.

“I’ve made mistakes, I’ve learned from it.

“Pero kumbaga, alam ko kung ano yung mali na yun… yun lang po ang masasabi ko.”

Darating ba ang araw na magsasalita siya at sasabihin ang panig niya?

“Eto, kasasabi ko pa lang!” sabay tawa ni Gerald.

Yung tell-all?

“Tingnan natin… hindi ko naman po kailangang gawin yun.

“But… hindi na, thank you!” nakangiting sabi niya.

Paano niya inaayos yung mga maling desisyon na nagawa niya noon?

“Alam mo, yung mga mata natin, nasa harapan ng ulo natin.

“Kasi you just have to look forward and not look backward, di ba?

“So, just learn from mistakes and go forth.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN