Paulo Avelino on avoiding questions about his personal life: “I just want to treasure my private life.”

Itinanggi ni Paulo Avelino na siya ay “snob,” dahil na rin sa pag-iwas niya sa ilang katanungan tungkol sa kanyang pribadong buhay. Paliwanag ng Kapamilya actor, “That’s the only thing that I treasure now—my private life.”


Ang pagiging mas sensitibo raw sa kanyang mga sinasabi ang natutunan ni Paulo Avelino sa naging isyu niya sa mga miyembro ng Entertainment Press Society (EnPress).

“Lesson learned is to be more sensitive with the things that I say and mga kilos ko…

“And siguro to stop cracking jokes,” biro pa niya.

Noon kasing Marso 1, nakapagbitaw ng “bad joke” si Paulo habang nagpe-present ng award sa Golden Screen TV Awards.

Dito’y sinabi niyang “Mahirap magtrabaho kung napilitan ka lang,” na dahilan upang sumama ang loob ng mga miyembro ng EnPress sa kanya.

(CLICK HERE for related article.)

Pero masayang ibinalita ni Paulo na nagkaayos na sila ng presidente ng EnPress na si Jun Nardo.

(CLICK HERE for related article)

Nakausap ng PEP si Paulo kanina, Marso 11, sa set ng pelikulang The Bride and The Lover sa Fernwood Gardens, sa Project 6, Quezon City.



PRIVATE LIFE. Samantala, isa pang isyu sa Kapamilya actor ay ang pag-iwas niya sa tuwing pinag-uusapan na ang kanyang personal na buhay. Dahil dito, marami na raw ang nagtatampo sa Kahit Konting Pagtingin star.

Hindi naman lingid sa marami na mayroon nang anak si Paulo sa Kapuso actress na si LJ Reyes, ngunit palaging iniiwasan ng aktor na matanong tungkol dito.

Paliwanag ng aktor, “Yung akin lang po kasi, that’s the only thing that I treasure now—my private life.

“Kumbaga, alam naman na po ng buong Pilipinas ang mga nangyayari sa akin, alam naman po nila, e.

“Kumbaga, I think it’s time na I kept quiet also and treasure things that I… na hindi ko mahanap ang tamang salita.

"Pero I just want to treasure my private life.”

Dagdag pa ni Paulo, hindi naman niya minamasama ang mga katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay.

Iyon nga lang, “Pero minsan po kasi may mga tinatanong na masyado na rin pong pribado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yon na lang din po sana yung gusto kong i-keep sa sarili ko.”



SNOB? Tingin tuloy ng ilan ay “snob” si Paulo, ngunit itinanggi ito ng aktor.

Ani Paulo, “Ako po kasi, I try to be as humble as possible.

“Hindi naman… ayoko talagang dumikit sa akin yung mayabang na image dahil sa tingin ko po sa sarili ko, hindi naman po mayabang.”

Kaya naman ang hiling ng aktor sa press: “Kaya siguro kayo po ang makakapagsabi dahil kayo naman po ang nakakakita, and sana kayo rin ang mag-remind sa akin kapag sumusobra na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN