PEP EXCLUSIVE: Jen da Silva-Geisler airs her side regarding RR Enriquez’s estafa complaint

Jen de Silva-Geisler on the issue between her and RR: “It’s a misunderstanding, e... yung nangyari sa amin. So my lawyer is fixing it now and we’re okay and talking about it. And she said naman na after this [mabayaran ko yung utang ko sa kanya], she’ll help me naman dun sa paghahabol dun naman sa hinahabol naming kumuha ng alahas.”


Humingi ng paumanhin ang dating 26K Girls member at Pinoy Big Brother housemate na si Jen da Silva-Geisler sa pag-iwas niya sa TV crew at entertainment media noong March 12, Martes, sa may CIDG compound sa Camp Crame.

Nangako kasi noon si Jen na magbibigay ng statement o paliwanag ukol sa reklamong isinampa ni RR Enriquez laban sa kanya sa CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Division.

Pero bigla na lang siyang tumakbo papunta sa kanyang sasakyan at mabilis na humarurot palayo sa mga TV reporters at showbiz writers.

Ayon sa panyam kay RR, nagbigay sila ng limang araw na palugit upang i-settle ng kampo ni Jen ang utang nitong cash na P840,000 at alahas at bag na nagkakahalaga naman ng P1.350 million.

(CLICK HERE to read related story.)

Ngayong araw, March 17, ang ikalimang araw ng kanilang nakatakdang palugit kay Jen at sa asawa nitong si Donnie Geisler, kapatid ng aktor na si Baron Geisler.



HER SIDE OF THE STORY. Kagabi, March 16, aksidenteng nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jen sa may Zirkoh Tomas Morato.

Manonood siya kasama ang asawang si Donnie ng The Dream Cancer-t, isang benefit concert para sa mga batang may kanser ng Philippine General Hospital.

Tinanong namin siya kung bakit kailangan niya tumakbo noon, samantalang ang gusto lang naman ng media ay makuha ang kanyang panig.

Pagkatapos humingi ng dispensa ay idinetalye ni Jen ang mga kaganapan noong Martes.

Paliwanag niya, “Kasi I didn’t know kasi na ganun yung mangyari, ako yung nag-invite sa kanya [RR] dun, nagulat na lang ako na ganun ang eksena.

“So finally, yung lawyer ko said that I cannot speak anything, siguro yung pagkakamali...

“Pero I was so pressured, I don’t know what to do, I don’t know what happened.

“And finally after a few days, me and Donnie talked about it and we decided to speak on my side.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang katotohanan ng isyu sa pagitan nila ni RR?

Saad ni Jen, “Actually, this is what happened, it was a misunderstanding regarding RR.

“I asked her to go to CIDG to make a complaint about the person that I’m going to file a complaint also.

"Kasi yung ibinenta ko yung alahas [at bag] niya [RR] dun sa kliyente ko tapos hindi nagbayad.

“So, I asked her to go there kasi that time marami kaming nagrereklamo sa isang tao na napagbentahan ko ng alahas.”

Hindi raw niya inaasahang mag-iiba ang takbo ng kuwento at siya na pala ang inireklamo ni RR.

Lahad ni Jen, “I asked her to go there and nagulat ako na ako na pala yung iko-complain niya.

“Finally yung naliwanagan siya, hindi na ako yung inireklamo niya.

“I asked her to go there to make a complaint, to be one of us na nagko-complain laban dun sa taong hinahabol namin regarding that utang.”

Hindi na ba siya sinampahan ni RR ng reklamo sa CIDG?

Tugon niya, “Uhm, she has a demand letter pero hindi pa naman totally demanda.

“Actually this is the story, I owe her two million pesos, pero she had interest.

“Parang it’s a business, nagnegosyo kami, umutang kami sa kanya and apparently, I got delays in paying her because I got swindled twice.

“I’m into pagbebenta ng relo, benta ng alahas, benta ng branded bags, tapos I got delays [sa koleksyon].

“Ang binabayaran ko kay RR is 60 thousand a week. And unfortunately, nade-delay ako kasi nga na-swindle ako ng seven million pesos.”

“So I’m asking her, na siguro kung pupuwede... it’s a misunderstanding e, yung nangyari sa amin.

“So my lawyer is fixing it now and we’re okay and talking about it.

“And she [RR said naman na after this [mabayaran yung utang], she’ll help me naman dun sa paghahabol dun na man sa hinahabol naming kumuha ng alahas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PAYMENT DUES UNTIL MAY 2013. Paglilinaw pa ni Jen, ang natititrang utang niyang cash kay RR na umabot sa P840,000 thousand ay hanggang Mayo pa ang usapan nilang dapat matapos na mabayaran.

Aniya, “This is the first time that happened to me and this is the first time na nangutang ako ng ganun, tapos ngayon lang nangyari.

“Sa ordinaryong taong katulad namin, kami ni Donnie, na nag-start pa lang kami ng family, it’s hard to raise sixty thousand a week.

“I’m paying her sixty thousand a week and I admit I have delays.

“Pero from 2.4 four million, ang natira na lang is 840 thousand.

“Yung buong utang ko sa kanya na cash pero hanggang May yung usapan namin na hangganan ng bayaran ko.”

Dagdag pa niya, “Yung Rolex niya, yung bag niya na ibinenta ko po.

“Ngayon yung pinagbentahan ko, nagkaron rin siguro ng problema, but now she’s settling it. Pero marami pa siyang due sa akin.

“Yung regarding sa alahas, yung tsekeng hawak niya, hindi tseke ko, tseke ng kliyente ko.

“The only check that I have [issued to her] is yung sa usapan naming dalawa na tungkol sa cash na utang.”

Tungkol naman sa nangutang sa kanya nung gamit ni RR, sabi ni Jen, na, “Pina-receive na ng abogado ko yung demand letter and I think they’re gonna settle as soon as possible.

“But siyempre I cannot… hindi ko masisigurado kasi marami po kami [dapat bayaran].

“Like sa akin, seven million; yung sa isa kong friend, twelve million.

“Marami kami so I can’t assure that she [umutang nung gamit] can pay but I hope she [RR] can wait.

“Magsi-settle kami ni RR as soon as possible.”

Mensahe pa ni Jen kay RR, “Thank you for being so patient and I know matatapos ‘to... and okay kami ni RR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re talking and I understand why she did this.

“I understand because nararamdaman ko rin yung nararamdaman niya kasi may hinahabol din akong ibang tao.”



HUSBAND DONNIE IS 100% BEHIND HER. Maiksing pahayag naman ang nakuha ng PEP mula kay Donnie na nadawit din ang pangalan sa issue.

Ayon kay Donnie, gusto na lang sana nilang ayusin ito na walang media at tahimik pero wala naman daw silang magagawa kung pinili ni RR na ilahad ito sa press.

Ani Donnie, “We just want to keep this privately and kung nakiusap, there are times din na may delays.

“I know on her part baka she has obligations din to settle, na baka hindi niya rin matanggap na hindi rin on time yung mga bayad.

"Pero when it comes to good faith, we do our part, we pay our dues,.

“Sometimes din kasi na may mga nangyayari na hindi natin inaasahan sa buhay so, you know, baka ito yung choice [ni RR] na ilabas yung issue.

“It became something big that could have been settled naman if, you know, nag-usap lang maayos.”

Dagdag pa ni Donnie, aayusin nila ito at suportado niya ang asawa sa anumang kahihinatnan ng reklamong ito ni RR laban sa kanila.

Bukas ang PEP sa anumang maging reaksiyon ni RR sa pahayag ng mag-asawang Jen at Donnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN