Nora Aunor did not expect to win Best Actress at Asian Film Awards

Muli na namang pinarangalan sa ibang bansa ang husay sa pagganap ng Superstar na si Nora Aunor nang manalo siyang Best Actress sa 7th Asian Film Awards, para sa pelikulang Thy Womb. Ang Hong Kong actor na si Anthony Wong (kanang larawan) ang nag-present ng award kay Nora.


Muling nagkamit ng parangal sa ibang bansa ang Superstar na si Nora Aunor.

Ito ay sa pamamagitan ng pagwawagi niya ng Best Actress sa 7th Asian Film Awards na ginanap kagabi, March 18, sa Hong Kong Convention Center and Exhibition.

Kinilala ang husay ni Nora para sa pagganap niya sa Thy Womb ni Direktor Brillante Mendoza

(CLICK HERE to read related story.)

Ang katuwang niyang Pilipinong nominado, si Eddie Garcia, ang siya namang nagwaging Best Actor para sa Bwakaw na idinirek ni Jun Lana.

Si Eddie rin ang nahirang na People’s Choice Best Actor awardee sa pamamagitan ng online voting.

Pero katulad ng nakagawian, dumalo si Nora sa Asian Film Awards nang hindi umaasa ng panalo.

"Wala... natutuwa ako... masaya naman at ako’y naimbitahan doon," sabi ni Ate Guy nang sandaling makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 17, Linggo, sa Terminal 2 ng NAIA ilang minuto bago ang kanyang flight via Philippine Air Lines.

A handful of Noranians also showed up at the airport to wish the Superstar good luck.

Bukod sa imbitasyong dumalo sa Asian Film Awards ceremonies, ikinatutuwa raw ni Nora ang pagkakataong makakilala ng mga foreign producer at film distributors.

"At least, oo, para sa balak din nating pagpu-produce uli," sabi ng Superstar.

Naunang magpunta ng Hong Kong ang TV5 Creative and Entertainment Head na si Perci Intalan at ang direktor na si Jun Lana, para sa Hong Kong-Asia Film Financing Forum kung saan nai-pitch nila ang gagawing pelikula ni Lana.

Ito ay ang Kuwentong Barbero (Barber’s Tales) na pagbibidahan uli ni Eddie Garcia, with Eugene Domingo and Gardo Versoza.

Kaya nasa Asian Film Awards ceremonies din si Eugene, na noong isang taon ay nanalong People’s Choice Best Actress para sa Ang Babae Sa Septic Tank.



GARDO’S SENTIMENTS. Nabanggit din ng PEP kay Nora sa maikling panayam sa kanya ang tungkol sa naging problema sa kasalukuyang produksiyon ng Never Say Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Partikular ang naging reklamo ni Gardo Versoza sa mga direktang tauhan ng produksiyon, na naisatinig nito sa Facebook.

Ang aktor, na malapit kay Nora, ay nakaramdam ng discouragement dahil sa ilang insidente ng anila’y pagkaka-balewala sa punto ng pagkakaroon ng sapat na araw ng pagtatrabaho, mula nang pansamantalang nagbakasyon si Nora.

(CLICK HERE to read related story.)

"Ay, hindi ko alam," sabi ng aktres.

"Dapat ’wag naman. Dapat balanse ang... yung treatment [ng production].

"Oo naman. Aalamin ko yun," pag-assure pa ni Nora.

"Oo, dahil... dyusko naman, si Gardo pa... naku, kumpare ko pa..."

Ano ang masasabi ni Nora sa inireklamo rin ni Gardo na umano’y may mga "pasaway" sa set ng Never Say Goodbye?

Hindi nagkomento si Nora. Bagkus ay seryoso uling nagwikang, "Makikita natin ‘yan. Malalaman natin ‘yan."

At muling kinumpirma ni Nora ang pagbabalik-taping niya sa Never Say Goodbye: "Hayan n’yo po, malapit na akong mag-taping uli... April 1.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN