Nora Aunor returns from Hong Kong; reveals wearing rubber shoes inside her gown at Asian Film Awards

Dumating na kaninang hapon ang Superstar na si Nora Aunor mula sa kanyang pagwawagi sa 7th Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong. Sinalubong si Nora ng kanyang mga tagahanga at media sa airport.


Dumating na sa bansa kaninang ika-3:30 ng hapon, March 19, sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight mula sa Hong Kong ang Superstar na si Nora Aunor.

Galing si Nora sa kanyang matagumpay na pagwawagi ng karangalang Best Actress, para sa Thy Womb, sa ginanap na 7th Asian Film Awards kagabi, March 18, sa Hong Kong Convention Center and Exhibition.

(CLICK HERE to read related story.)

Maraming kabilang sa hukbo ng kanyang mga tagahanga—ang Noranians Worlwide (NOW) at Nora’s Friends Forever (NFF)—ang sumalubong sa aktres sa pagdating nito sa NAIA Terminal 2. Kasabay ang mga sumalubong ding opisyal ng TV5 na si Joanne Cabalda-Banaga (business unit head) at mga representative ng media.

Si Nora at ang beteranong aktor na si Eddie Garcia ang top honorees sa Asian Film Awards.

Nanalo si Eddie ng Best Actor sa main competition at People’s Choice, through online votation, para sa pagganap niya sa pelikulang Bwakaw, na idinirek ni Jun Lana at naging entry sa Cinemalaya 2012.

Kasabay ng pagbabalik ng Superstar ay ang pagbati rin sa kanya ng mga Pilipino.

"Maraming salamat po at nabigyan uli tayo ng karangalan sa ibang bansa—sa Asian Film Awards sa Hong Kong," bungad ni Nora.

Pero dugtong niya, "Nalulungkot din po ako kasi nag-shooting kami [ng Thy Womb] sa Tawi-Tawi, sa Sitangkai, kung saan may mga issue na nangyayari sa kasalukuyan."

Ang tinutukoy ng aktres ay ang problema ng ilang kapwa Pilipino na naipit sa gulong namamagitan sa mga awtoridad ng bansang Malaysia at Pinoy officials, na nagreresolba sa ilang kaso ng diumano’y pang-aabuso sa mga evacuees sa isla ng Sabah, sanhi ng malaon nang pagtatalo hinggil sa pag-aari ng nasabing isla.

Dagdag ng aktres, "Ang gusto ko lang, kung ano yung para sa kanila, dapat ibigay natin, kung ano yung nararapat para sa kanila.

"Dapat na ipakita natin na pare-pareho tayong mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ano pa ang mga pangalan na ibinigay, dapat wala nang issue.

“Kung ano yung sa kanila, ibigay natin sa kanila, kasi ang tagal na din nilang naghirap."



TRIUMPHANT. Bagamat walang naging mataas na pag-asam sa tinamong bagong karangalang pang-international, masayang-masaya si Nora sa kanyang pagbabalik.

Hindi nga raw siya nag-expect na manalo.

"Hindi talaga," pag-ulit ni Ate Guy sa naunang pahayag nang magtungong Hong Kong noong Linggo ng umaga, March 17.

Ipinakita niya sa media ang napanalunang tropeyo bilang 7th Asian Film Awards Best Actress; mabigat at ginintuan ang trophy bilang simbolo ng kahusayan sa pagganap sa pelikula.

"Siyempre po, masaya… at para sa fans ang karangalang ‘yon, sa mga nagmamahal, sa mga nakakaunawa pa rin, sa mga tumutulong pa rin sa akin," wika ni Nora.

Inusisa rin ng PEP si Nora hinggil sa naging pag-stay niya at ng mga kasama sa Hong Kong. Kasama ng aktres ang home-buddy niyang si John Rendez at ang kaibigan nitong si Rob; at ang handler ng aktres na si Albert Sunga.

Sa Grand Hyatt Hotel naka-billet ang grupo for three days and two nights.

Pero tulad sa nakagawian, si Ate Guy lamang ang dumalo sa awards ceremonies.

Masyado raw tight ang schedule kaya halos wala silang panahon makapamasyal. Naroon lamang sila para sa official function na dinaluhan.

Pero nag-enjoy si Ate Guy sa magandang pagtanggap sa kanila ng mga organizer ng Asian Film Awards.

Sa mismong gabi ng parangal, masaya ang naging pagsasama-sama ng mga Pilipinong taga-pelikula; tulad nina Eddie at 2012 Asian Film Awards People’s Choice Best Actress awardee Eugene Domingo, with her writer-director friend Chris Martinez; at isa pang award-winning writer na si Senedy Que.



MARIA CLARA-INSPIRED GOWN AND RUBBER SHOES. Pero ang pinag-usapan din nang gabing yon, bukod sa international best actress award na napanalunan ni Nora, ay ang maganda niyang kasuotan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang kulay-dilaw Maria Clara-inspired gown na likha ni Nonon Palmos.

Nora was radiant in her outfit, na kabi-kabila ang mga kuhang larawan. Pero sa ilalim niyon, ay ang suot na rubber shoes ng aktres!

Natawa si Ate Guy nang banggitin ng media ang tungkol sa kanyang get-up.

"Oo, hindi kasi ako mapagsuot ng heels!" rason ni Nora.

"Namamaga pa rin [ang paa ko] kaya hindi ako makapag-heels. Kaya nag-rubber shoes na lang ako."

Ang kanyang acceptance speech, ayon naman sa nai-post sa Twitter ni Perci Intalan ng TV5 ay nai-deliver ni Nora in Tagalog.

Pero may manaka-nakang pag-i-Ingles din, ayon kay Albert Sunga. "Sinabi niya rin, ’My feet is still swollen!’"

Ang kabuuan ng speech ni Ate Guy, mula sa video clip ng AFA awarding nang tanggapin niya ang parangal, ay nai-post sa YouTube.

"First of all, forgive me for wearing rubber shoes. My right foot is swollen and I can hardly walk," sambit ni Nora, bago siya nag-switch sa wikang Pilipino.

Inialay niya ang kanyang parangal sa mga kasamahan sa pelikulang Thy Womb, sa AFA organizers, sa kanyang mga fans, at sa direktor niyang si Brillante Mendoza.

Pero seryoso si Nora at hindi niya ikinahihiya ang pagsasalita ng Tagalog sa kanyang acceptance speech.

"A, alam mo naman, hindi kaya ng powers ko, ano?!" biro ng aktres.

"Nagpasalamat naman ako sa lahat ng mga direktor ko; at inihahandog ko yung karangalan sa mga fans talaga..." banggit pa niya.

Hindi rin daw nakalimutan ni Eddie, ayon pa kay Albert, ang naging karanasan nito sa pagdidirek kay Nora noon sa Atsay (1978), kung saang pelikula ay nagkamit si Nora ng Best Performer award (equivalent to all acting awards that year) sa isang local film festival—ito ang taunang Metro Manila Filmfest.



BEST ACTRESS AWARDS FOR THY WOMB. Last year, si Nora rin nga ang itinanghal na Best Actress, para sa Thy Womb, sa 2012 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa bagong award niya sa 7th Asian Film Awards, nanalo rin si Nora ng dalawa pang international acting awards for Thy Womb:

Sa 69th Venice International Film Festival—ang Bisato d’Oro Premio Della Critica Independiente for Best Actress.

Sa 7th Asia-Pacific Screen Awards sa Brisbane, Queensland, Australia.

May ilan ding Best Actress nominations na natamo si Nora, locally and internationally, para sa naging pagganap niya bilang Badjao midwife sa Thy Womb.

"Nagkataon lang siguro na nakagawa tayo ng isang magandang pelikula," reaksiyon ni Nora sa halos walang patid na dating ng tagumpay sa kanya.

"Na kahit na sabihing ilang araw lang naming syinut... natutuwa ako at nakagawa ako ng isang gano’n, tungkol sa mga kapwa nating Pilipino.

"At sana, maski sa mga susunod na pagkakataon, magpakita pa tayo ng mga pelikulang gano’n, na tumatalakay sa isyu ng mga kababayan natin sa ibang lugar."



NEW INDIE FEATURE. Nakatakda ring magsimula si Nora ng bagong indie movie, titled Ang Kuwento Ni Mabuti.

Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Mes de Guzman. Ilalahok ito sa unang Cine Filipino Independent Film Festival na gaganapin sa huling linggo ng Hunyo.

"Pupunta po kami sa Nueva Vizcaya para mag-shoot..." pagkumpirma ni Nora.

Bahagi ang Studio 5 (film arm ng TV5 Kapatid Network) at Unitel Pictures ng bagong indie filmfest na ito.

"Hindi ko pa po alam kung sino ang makakasama ko," wika rin ng aktres.

Ang tiyak, hindi nga humihinto sa paggawa ng makabuluhang pelikula si Nora, ayon sa naiitakda ng pagkakataon.

"Hindi nahinto... siyempre pag gumawa ka ng pelikula, hindi naman tuluy-tuloy yon.

"Pero kung may magugustuhang pelikula ang TV5 na puwede kong gawin, ay gagawin ko.

"Huwag po nating kalimutan na ang TV5 pa rin ang nagma-manage sa akin."

May ibang proyekto na hindi nga naaaprubahan ng TV5.

"Hindi sa hindi tinatanggap. May mga kuwento na isina-submit ng mga writers [para aprubahan], na talagang sinasala lang na mabuti ng TV5," sambit din ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN