Chiz Escudero says wealth of Heart Evangelista’s parents not license "para yurakan ang pagkatao ko"

Sinagot na ni Senador Chiz Escudero ang mga pahayag nina Rey at Cecile Ongpauco, mga magulang ng nobya niyang si Heart Evangelista, tungkol sa kanyang pagkatao. Hiniling ng senador na sa gitna ng mga isyung ito, "Sana hindi sumawsaw ang ibang tao. Sana hindi gamitin ng iba dahil halalan. Sana tama na."


Nagsalita na si Senator Francis "Chiz" Escudero kaugnay ng mga akusasyon sa kanya ng mga magulang ng nobya niyang si Heart Evangelista.

Sinabi ng senador sa presscon niya sa Naga City ngayong araw, Marso 21, na nadadamay na ang kanyang ina at mga anak sa isyung ito.

Nitong Martes, Marso 19, tahasang sinabi nina Rey at Cecile Ongpauco, mga magulang ni Heart, na hindi sila pabor kay Chiz para sa kanilang anak.

Gayunman, tumanggi nang magbigay ng pahayag ang senador, at sinabing ayaw niyang panghimasukan ang problema sa pagitan ni Heart at mga magulang nito.

(CLICK HERE for related article.)

Pero kagabi, Marso 20, isang statement ang inilabas ng mga magulang ni Heart, kung saan inisa-isa nila ang mga dahilan kung bakit "unacceptable" si Senador Chiz sa kanilang pamilya.

Dito’y nabanggit ang "religious reasons," "personality problem," ang pagiging "alcoholic" diumano ng senador, at ang mga "illusions" na ginamit nito upang makuha ang loob ni Heart.

(CLICK HERE for related article.)

"MAHAL KO SI HEART." Ayon sa mga tweet ng ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy, mula sa presscon, sinabi ni Chiz na dahil sa mga sinabi ng mga magulang ni Heart, "Lumalabas na parang hindi ako pinalaki nang maayos."

Pilit niya rin daw iniintindi ang mga magulang ni Heart.

Pero ani Chiz, "Parent din ako pero hindi ako naninira sa ngalan ng anak ko."

Giit pa ng senador, kahit pa may kaya ang mga magulang ni Heart, "hindi lisensiya [iyon] para yurakan ang pagkatao ko."

Pahayag pa ni Senador Chiz, "Mahal ko si Heart, pero matindi itong pinagdadaanan namin.

"Masakit."

Kaya ang hiling ng senador sa publiko: "Sana hindi sumawsaw ang ibang tao.

"Sana hindi gamitin ng iba dahil halalan.

"Sana tama na."

FACEBOOK POST. Kahapon, March 20, ay isang statement din ang pinost ng senador sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

Saad ni Chiz, “Hinihiwalay ko po at ’di ko pinaghahalo ang trabaho ko sa personal kong buhay at lalong ’di ko pinapayagan na manghimasok ang personal kong buhay sa aking trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sapat na siguro na sabihin ko muna ngayon na, bagaman ako’y nadadamay, hangga’t maaari, ayaw kong manghimasok sa hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng isang anak at kanyang mga magulang.

“Sana din ay ’di ito panghimasukan ng iba upang sa gayon ay manatili ang puwang na magkaunawaan sila.

“Maayos at matatag ang samahan namin ni Heart at tinuturing ko lamang ito bilang isang hamon at pagsubok sa relasyon namin kung saan, buo ang pag-asa ko na, ito ay malalampasan namin.”

HEART’S SIDE. Samantala, nag-post naman ng mensahe si Heart sa kanyang Twitter account na @iamhearte kahapon, March 20:

“Today, tomorrow and the next will bring me heartaches...why try to take away my happiness...”

Dalawang photos din sa Instagram ang ipinost niya kahapon kung saan nakahalik siya sa pisngi ni Chiz at isa sa mga ito ay may caption na, “I love you! Thank you for being the best :)”

Additional report by Kathleen Benavidez


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN