Dina Bonnevie on Maricel Soriano’s departure from Bukas Na Lang Kita Mamahalin: "I have an inkling that there was going to be trouble."

Dina says that, from the start, Maricel wasn’t steady: “We took a video of a promo na parang test shots to introduce the soap, medyo hindi stable si Maria noon, e. Kasi she was crying, she was depressed... And I think, at that time, she was nervous. I remember nagsu-shoot kami, ninenerbiyos siya, gumagano’n yung kamay niya [nanginginig]... Sabi ko, ‘Why, what’s wrong?’ ’Wala,’ sabi niya. ‘I’m s


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang aktres na si Dina Bonnevie sa soft-opening ng Victorino’s restaurant sa Jamboree Street corner Scout Rallos, Quezon City, noong Sabado ng gabi, March 23.

Ang naturang restaurant ay pag-aari ni Dina at ng asawa niyang si Ilocos Vice Governor DV Savellano. Kasosyo rin nila dito ang kapatid ni DV na si Reina Virginia Savellano-Paras, ang kanilang ina, at ang award-winning culinary expert na si Heny Sison.



BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN. Abala ngayon si Dina sa taping ng upcoming ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Kasama niya rito sina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Cristine Reyes, Diana Zubiri, Tonton Gutierrez, at Rayver Cruz.

Kuwento ni Dina tungkol sa teleserye, “Ngayon, medyo break kami ng two weeks until the fifth of April.

“Pero actually, hindi pa kami masyadong nagpu-full swing ng taping.

“Kasi, like sa akin, I only tape mga once a week... I mean, twice.

“Kasi nga… ewan ko… yung isa, may lakad si Dawn, yung minsan naman may sakit siya.

“Si Gerald naman the other time. The other time naman, si Cristine naman ang hindi puwede.

“So, ayun, medyo hindi pa in full swing.

“Pero etong coming campaign season, Dawn and I will only be taping twice a week—Monday and Wednesday.

“Kasi Thursday, Friday, Saturday, and Sunday, magka-campaign naman kami for our husbands.”

Ang mister ni Dawn na si Anton Lagdameo ay tumatakbo muling kongresista sa second district ng Davao del Sur; samantalang ang mister ni Dina na si DV Savellano ay re-electionist sa pagka-bise gobernador ng Ilocos Sur.



DAWN ZULUETA. Kumusta naman katrabaho si Dawn?

“Ay, masarap katrabaho si Dawn!” bulalas ni Dina.

“Makuwento siya, plus maalaga.

“I mean, it’s nice na yung co-star mo, hindi insecure.

"Like, ‘O, Dins, ‘lika.’ ’Oy, Dins, makeup-an kita. Alam mo, meron akong ipapakilala sa iyong concealer para mas maganda…’ mga ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I really welcome that.

“Si Dawn, ibig sabihin, hindi siya nai-insecure.

“Minsan, may makakatrabaho na insecure. ‘Ang oily mo…’ na hindi pa sinasabi!

“At saka she’s on time. Very professional.”



MARICEL SORIANO. Si Dawn ang pumalit kay Maricel Soriano, na siyang gaganap sana bilang ina ng male lead na si Gerald Anderson.

Pinalitan si Maricel pagkatapos ng naging kumprontasyon nila ni Gerald.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang naramdaman ni Dina nang mawala si Maricel sa project?

Sagot niya, “Actually, nalungkot ako kasi I was looking forward to the reunion, e.

“Parang ang tagal na naming hindi magkasama and, all of sudden, magti-teleserye kami together.

“So, you just imagine, wow! Siguro mga six months kaming magba-bonding.

“Tapos, ayun, all of sudden, biglang napalitan.

“Sabi ko, ‘Bakit kaya napalitan si Maria?’

“And then, yun nga, wala naman akong magagawa, e, desisyon yun ng ABS [Kapamilya network].”

Nagkaroon ba siya ng inkling na magkakaroon ng tensiyon sa pagitan nina Maricel at Gerald?

Nag-isip muna si Dina saka nagsalita.

Aniya, “No. But I have an inkling that there was going to be trouble.

“Kasi, parang… we took a video of a promo na parang test shots to introduce the soap, medyo hindi stable si Maria noon, e.

“Kasi she was crying, she was depressed.

“Sabi ko, I think she’s going through a tough time. Baka now is not the time for her to work.

“Parang kailangan munang mag-rest muna siya.

“And I think, at that time, she was nervous.

“I remember nagsu-shoot kami, ninenerbiyos siya, gumagano’n yung kamay niya [nanginginig].

“Sabi ko, ‘Why, what’s wrong?’

“’Wala,’ sabi niya. ‘I’m so sad,’ mga ganyan-ganyan.

“Parang buti na lang daw her kids don’t leave her no matter what.

“I guess, you know, the typical… I guess she was going through the state of depression, which we normally undergo at this age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo na yun kung ano yung tinutukoy ko. I think yun, e.”



LOVE ANGLE. Hindi naman makapaniwala si Dina nang mabanggit na may anggulong “unrequited affection” sa naganap na gulo sa pagitan nina Maricel at Gerald.

“Ow!? OM! Hindi ko yata alam yun. Hindi ko po alam yun. Talaga?” sabi niya.

Sa lumabas na report sa YES!, ilang beses daw inimbitahan ni Maricel si Gerald na makipag-bonding sa kanya bilang preparasyon sa role nila bilang mag-ina sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

May ilang sources ang YES! na sinasabing may kakaibang dahilan ang Diamond Star sa gusto nitong bonding kay Gerald: Higit pa raw sa propesyunal na lebel ang gusto ng nakatatandang aktres, at di kalaunan ay natakot sa kanya ang batang aktor.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagbigay naman ng pahayag si Dina sa kanyang nalalaman tungkol sa mga sinasabing imbitasyon ni Maricel kay Gerald.

Saad niya, “A, hindi… I think yung explanation doon, kaya Maricel was inviting Gerald for a bonding time kasi, di ba, mag-ina sila dapat?

“But Gerald yata was not available.

“Pero sinabi naman ni Gerald during the Christmas party…

“Kasi during the Christmas party for the group, there was a unit party ni Deo [Endrinal, ABS-CBN unit head]. During the unit party, according to Direk, nag-uusap silang dalawa [Maricel and Gerald]—as in, four hours, non-stop.

“So, I think he said… Gerald thought that was good enough.

“Yung four hours na yun was good enough. ’Ano pa bang bonding?’ parang yun yata yun.

“Siguro, in Maricel’s mind, that was just that—it’s not enough.

“I mean, iba-iba naman sigurong style ng mga artista… ayokong makialam.”

Ayon kay Dina, maayos naman ang takbo ng lahat sa set ng kanilang teleserye ngayon.



GERALD ANDERSON. Kumusta namang katrabaho si Gerald?

“Okay siya. I thought, in the beginning, medyo natatakot siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siguro, sa loob-loob niya, ‘Friend ito ni Maria [Maricel], baka sungitan ako or something.’ Pero hindi naman,

“Sabi niya. ‘Tita, tukayo pala tayo. Kasi Gerald ako…’ and Geraldine naman ako—that’s my real name.

“So, parang that broke the ice.

“Tapos, very professional naman siya.

“When he wasn’t ready to do a take and he wanted to internalize, okay lang, we were all waiting. That’s fine.

“I guess, you know, if you’re a professional actor, you have to give yourself time to really get into the shoes of your role before you call it a take or roll.

“Kung wala ka pa sa puntong yun na kailangan ng emotions, di ba?

“Kaya nga sinasabing actor’s cue, e, di ba?”



ROLE OF A POLITICIAN. Bagamat hindi pa kumpirmado, ramdam ni Dina na ilalabas na ang serye nila ngayong April.

“I think... I think lang, ha? I’m not so sure.

“We’re probably airing mga April, kasi this is like an election offering. Kasi yung soap namin is about politics, e.

“I play a congresswoman na eventually magiging senator ako.

“Kasi the soap is about mothers. How mothers would actually shelter their children.

“Kahit alam nilang guilty, itatago pa rin nila. Kahit na alam nilang mali, pipilitin pa rin nilang itago, parang ganun.

“And at the same time, how politicians are used by small people to twist things.

“And, at the same time, how politicians naman use small people to twist things.

“So, it’s a sort of an eye-opener for people so that they can have a guide, more or less, who to vote for and who not to vote for… parang ganun.”

Sa kanyang speech bago binuksan ang dinner sa opening ng restaurant nila, marami ang humanga sa husay ni Dina sa public speaking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman naitanong ng PEP sa kanya kung hindi ba niya kinu-consider na pasukin ang pulitika, lalo’t ang asawa niya ay ilang taon na ring naglilingkod sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Sagot ni Dina, “Marami ngang nagtatanong sa akin if I want to be a politician, pero it’s not in my dreams talaga.

“Unless siguro… alam mo naman, I’m a Christian. Unless siguro I get a burden na parang God is like pushing me na, ‘I made you marry a politician because I want you to be a politician.’ Then, okay.

“But for now, no! Ang gulo doon! No, no!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN