RR Enriquez to Jen da Silva-Geisler: “Magbayad ka ng utang. Stop twisting the stories!"

Muling nag-react ang sexy comedienne na si RR Enriquez sa bagong pahayag ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Jen da Silva-Geisler. Sabi ni RR, “Kung kayo ang nasa kalagayan ko, you will do the same thing kapag alam mo na hindi na siya umaayos. Malaking pera ang pinag-uusapan dito. Alam naman niya sa sarili niya na siya ang mali dito."


Napanood ng sexy comedienne na si RR Enriquez ang panayam ng ex-Pinoy Big Brother housemate na si Jen Da Silva-Geisler sa programang Ang Latest ng TV5 noong March 25, Lunes.

Lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang laman ng interview ni Jen kahapon, March 26.

(CLICK HERE to read related story.)

Punto por punto ay sinagot ni RR ang mga pahayag ni Jen.

Simula niya, “Natatawa na lang ako, honestly, sa mga interview ni Jen na halos kasinungalingan. Mga dagdag-bawas niya na kuwento.

“Ihaharap ko si Jeck Conwi para maging testigo. Ipapakita ko lahat ang mga documents."

Si Jeck Conwi ay dating kasamahan ni Jen sa 26k Girls ng Kapamilya Deal Or No Deal at, ayon kay RR, ay naging “middle man” kaya nakautang si Jen kay RR.



TRUST ISSUE. Sabi ni Jen sa panayam sa kanya ng Ang Latest: “Pinagkakatiwalaan naman ho niya [RR] ako, kasi nga, siguro sa isang linggo naming pagkakakilala, siya mismo ang nakakita kung gaano ako kaayos na tao, na hindi ako manloloko.”

Maanghang na sagot dito ni RR: “Well, I’m sorry… hindi tiwala yun kundi katangahan!

“Dahil nasa showbiz industry ang asawa niya,” pagtukoy ni RR sa mister ni Jen na si Donnie Geisler, kapatid ng aktor na si Baron Geisler.

“One more thing, mabulaklak ang dila niya. Magaling siyang magsalita.

“Sinabi niya sa akin, pahiramin ko siya ng one million, na yun ay babayaran niya ako in ten months at tutubo ako ng 200,000.

“So, siyempre, naengganyo ako. Sinong hindi maeengganyo sa two hundred thousand na tubo?

“Since nakatabi lang sa bank ang money ko, I decided na ipahiram ko na lang sa kanya. At least yun, tutubo pa.

“Tapos, after three weeks, nanghiram ulit siya ng another one million.

“Sabi niya, bibigyan niya ulit ako ng interest na two hundred thousand. So, again and again, naengganyo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit naman sinong tao, maeengganyo pag in-offer-an ng ganun."

BOUNCING CHECKS. “Anyway,” patuloy ni RR, “last year pa, puro talbog ang check niya.

“Two months lang niya ako binayaran nang maayos. After that, talbog na ang checks niya.

“Kaya huwag na lang sana niya paikutin ang story.

“Tumubo man ako o hindi, ang point dito ay umutang siya sa akin. Tumalbog ang mga tseke niya.

“Dapat nga, last year pa ako magdedemanda, pero nakiusap silang mag-asawa.

“Kung kayo ang nasa kalagayan ko, you will do the same thing kapag alam mo na hindi na siya umaayos.

“Malaking pera ang pinag-uusapan dito.

“Alam naman niya sa sarili niya na siya ang mali dito.

“Anyways, bakit sa unang interview niya sa PEP, inamin niya yung tungkol sa alahas ko na ibinibenta niya?

(CLICK HERE to read related story.)

“Bakit sa interview niya sa Ang Latest, idinenay niya yung alahas issue?

“Dun pa lang, malalaman mo kung sino ang paiba-iba ang story.”

"THAT’S A LIE!" Mensahe pa ni RR kay Jen: “You ask money from me not after one week that we meet. That’s a lie!

“Dahil on the first day na na-meet kita, pinahiram agad kita ng pera.

“I trusted you not because katiwa-tiwala ka! It’s because of your husband [Donnie Geisler].

“You said ipampapagawa mo ng gym niya. It’s not because may business tayo na ginawa. Ang kapal, ha!

“I trusted you ‘cause I know hindi ka magpapasira sa pagbayad sa akin.

“Dahil lahi ng asawa mo artista, and you are the best friend of my best friend also.

“Excuse me for the delay-delay thing na pagbabayad mo!

“You know in your heart na kaya ka nadi-delay is not because may mga taong hindi nakakapagbayad sa ‘yo.

“This year lang nangyari ‘yang sinasabi mo na may nadi-delay sa ‘yo. Last year pa puro talbog ang check mo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That money na hiniram mo sa akin is not because ipinag-business mo sa mga bags! You used it sa gym ng asawa mo.

“Bago ka lang sa pagtitinda ng mga bags and alahas...

“And yung mga ibinibenta mo na yun is not yours… nakiki-komisyon ka lang!”



DATED CHECKS. Ayon pa sa interview ni Jen sa Ang Latest: “Ngayon po, every time na nagbabayad ako, ang ibinibigay po niyang [RR] tseke, hindi po dated.

“For example, this one nagbayad ako nung January 16, ang ibibigay lang niya, xerox [photocopy], hindi pa dated.

“For example, nagdemanda siya nung March 12. Bakit po, e, nagbayad na ako ng tseke ng pang-March 15 and March 30.

“Ngayon po, inipon niya po lahat ng dated, kaya po pinaputok niya.”

Sagot ni RR dito: “Yung sinasabi niya sa check, na kahit bayad na I gave her the xerox copy only—yes, it’s true.

“Because it’s for my own protection din kaya hindi ko ibinibigay sa kanya ang original copy ng talbog niyang checks since last year. Dahil sabi ng lawyer ko, I need it for my own protection.

“Para pag nagloko ulit siya sa pagbayad, meron ako proof na ipapakita na naka-experience ako ng mga talbog na checks coming from her...

“And I guess my lawyer is right kasi it’s happening na.

“Tinu-twist n’ya na ang story... Thank God natabi ko ang ibang mga proof.

“Kagaya niyan, hahantong kami sa demandahan at nagsinungaling siya, e, may proof ako!

“Sinabi niya na sinadya ko paputukin ang mga check, that’s not true.

“Naka-issue yun! May date yun and I have the right na ipasok yun.

“Kaya nga siya nag-issue ng check, di ba? Ibig sabihin, kapag dumating yung date na yun, dapat ipasok ko sa bank.

“Yung ipinakita niya na check sa Ang Latest na naka-date ng March, I gave it to her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinalitan niya ng another check yun na dated ng March din. Yun yung bayad daw ng client niya.

“Mahilig siyang magpasa ng ganyang check,” reaksiyon pa ni RR.



MESSAGE TO JEN. Ano ang gusto niyang iparating ngayon kay Jen?

Sabi ni RR, “You know in your heart that I helped you kahit hindi kita friend, pero ano’ng ginawa mo? Ano ang ibinalik mo sa akin?

“Yes, I’m using Instagram, Facebook, and Twitter to express my feelings but that doesn’t mean sinisiraan kita!

“Im just telling the truth... and I’m using this media thing para mabayaran mo ako!

“Makonsensiya ka naman sa mga pinagsasabi mo! Grabe, sanay na sanay ka, ’Teh!

“Magbayad ka ng utang. Stop twisting the stories!

“You know in your heart kung sino sa atin dalawa nagsasabi ng totoo!"

Ang mga talbog daw na tseke ni Jen ay ipinost din ni RR sa Instagram account niya.



CHANGED HER MIND. Kaugnay nito, nagharap si RR at ang abugado ni Jen de Silva na si Atty. Ferdinand Topacio noong Sabado, March 23, sa Taberna Barcelona sa Metrowalk, Ortigas Center, Pasig City.

Sinusubukan ng abugado na maayos ang problema sa pagitan ng kanyang kliyente at ni RR.

Aniya, wala raw magbe-benefit dito. Gastos at abala lang daw ito kapag humantong pa sa demandahan.

Kumbaga, minor problem lang ito at wala namang namatay na tao para palalain pa.

Ang importante raw ay bayaran ni Jen ang pagkakautang niya.

Pero sabi ni RR sa abugado ni Jen, “I’m really sorry I can’t do that public apology sa media ‘coz I know in my heart that I’m telling the truth.

“I’m willing na maayos ito pero sana magpakatotoo na lang po siya.


“Sinabi ko naman po sa kanya before, once na mabayaran niya ako, I will clear her name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not that bad naman po. Ilang months din naman po ako nagbigay at nagpasensiya.

“Dapat last year ko pa nga siya dapat idedemanda.”

Willing naman daw sanang makipagbati si RR kay Jen at okey lang na paghaharapin sila pagkatapos ng Holy Week.

Pero nagbago ang isip ni RR matapos marinig ang mga pahayag ni Jen sa Ang Latest noong Lunes.

Habang isinusulat namin ito ay nakatanggap ng tawag ang PEP kay Atty. Topacio na magbabayad ngayong araw (March 27) o bukas (March 28) ng cash si Jen, base sa usapan na maghuhulog siya ng P238,200 ngayong katapusan ng March.

Wala raw kasing bangko para lagyan niya ng pondo ang kanyang tseke.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN