Stars of ABS-CBN’s Little Champ weigh in on political endorsements

Iisa lang ang stand nina (L-R) Precious Lara Quigaman, Jake Roxas, Coleen Garcia, Jhong Hilario, at Mickey Ferriols tungkol sa pag-i-indorso ng kandidato. Kailangan karapat-dapat daw iboto.


Kamakailan ay naging isyu ang malaking halaga na umano’y hinihingi ng mga artista para mag-endorse ng mga pulitikong tumatakbo ngayon eleksyon.

Isa sa mga celebrities na nasangkot dito ay ang Kapamilya star na si Coco Martin, na sinasabing humingi ng 35 million pesos para i-endorso si senatorial candidate Jack Enrile.

(CLICK TO READ related story)

Dahil dito, kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang opinyon ng cast ng Little Champ, na nagkaroon ng press conference noong nakaraang linggo sa 14th floor ng ELJ Building sa Quezon City.

Heto ang kanilang mga opinyon:

PRECIOUS LARA QUIGAMAN: "I don’t see anything wrong with it, as long
as naniniwala sila sa taong ine-endorso nila. Pero kung yun ine-endorso nila because dun sa bayad, then there’s something wrong with that.

"Pero kung halimbawa, sinabi sa ’yo, can you endorse this person, and you got to know that person na tatakbo, and you saw naman na karapat-dapat naman na iboto yun, then definitely you go ahead and endorse."

Dapat bang ang priority ng artista sa pag-eendorso e kung naniniwala siya sa pulitiko o hindi?

"Parang when you endorse products, di ba? Pag nag-endorse ka ng product, at hindi ka naman naniniwala, parang, what’s the point of doing that?"

JAKE ROXAS: "Ako, kasi may mga friend ako na tumatakbo. Hindi ko
ine-endorso, pero tinutulungan ko. Dahil personally, alam ko yung pagkatao nila.

"Pero yung mag-eendorse ako na hindi ko kilala, wala ngayon. Kasi ang itinutulak ko ngayon is, ayokong sabihin nila na matalino yung botante. E, ang mga botante, yung mahihirap na ang iniisip nila yung ngayon. Bukas, bahala na.

"Kasi siyempre kapag gutom ka, iisipin mo ang ngayon, e. Kaya ayokong sabihin nila, ang botante, matatalino.

"Ang gusto kong sabihin ng mga pulitiko, ang mga botante, meron nang bahay, nag-aaral na yung mga anak, may mga pagkain na sila sa araw-araw, at may trabaho na sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MICKEY FERRIOLS: "Personally, if you ask me, kasi I’ve also been asked. Ako, kanya-kanyang reasons, e. Kanya-kanyang priorities.

"May iba na gagawin ’yan for added income. Others will do it because they really believe in the platform of the candidate they are campaigning for. Others do it because they want to make a difference."

Anong masasabi niya sa bayad na natatanggap ng mga endorser mula sa pulitiko?

"Ang sa akin, kanya-kanyang reason. Hindi natin puwedeng sabihing mali, hindi natin puwedeng sabihing tama ’yan. It depends.

"Ako, as long as I believe in the person, as long as naniniwala ako na walang
hidden agenda or walang motibo other than service to the Filipino people."

COLEEN GARCIA: "I don’t see anything wrong naman, but I believe kasi
na if you have the power to persuade people, or to make people listen
to you, make people believe in what you believe in, make them believe
in good, don’t endorse something that you don’t believe in. That’s
what I keep telling myself.

"And up to this day, I believe that you shouldn’t endorse a product that you do not believe in."

Anong masasabi niya sa bayad na natatanggap ng mga endorser mula sa pulitiko?

"Hindi na maiiwasan yun, pero I can only speak for myself. I can’t say that it’s wrong. Kasi we’re all different, e. Some people really need the money, some people they don’t mind.

"Pero ako, I speak for myself when I say I would never endorse somebody I don’t believe in because it’s like luring the people into doing something wrong, and I
don’t believe in that."

JHONG HILARIO: "Well, kung iaano naman nila ako na endorser, siguro
dun sa makakabuti. Kasi oo nga, magkaka-pera ka dahil binabayaran ka ng
pulitiko, pero masama yung gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo na may gagawing masama. Pagkatao mo rin yun, e. Nagdadala ka ng taong mangungurakot lang, gumagawa ng masama? Siguro, ako pipiliin ko yung karapat-dapat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN