Ai-Ai delas Alas and Jed Salang confirm wedding in Las Vegas

Kinumpirma na nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang ang kanilang pagpapakasal noong April 3 sa Las Vegas, Nevada, sa panayam sa kanila ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, April 14.


Makalipas ang mahigit isang linggo pagkatapos ibalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagpapakasal ng comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa businessman na si Jed Salang, umamin na rin sa wakas ang dalawa sa panayam sa kanila ni Boy Abunda sa The Buzz.

Noong April lumabas dito sa PEP ang tungkol sa pagpapakasal nina Ai-Ai at Jed sa Las Vegas, Nevada noong April 3 (U.S. time).

(CLICK HERE to read related story.)

Bukod sa pag-amin nina Ai-Ai at Jed, ipinasilip din ng dalawa ang ilang mga kaganapan sa kanilang kasal sa episode ng The Buzz kahapon, April 14.



THE FIRST MEETING. Nagbalik-tanaw muna ang dalawa sa kaganapan noong February 3, 2012.

Kuwento ni Ai-Ai, “Doon kami nagkakilala—sa Opus [Resorts World Manila]. Nakita ko siya.

“Sabi ko, tutal matagal na rin akong walang relationship, sabi ko, ‘Halika, labas tayo, baka makahanap na ako ng relationship ko.’

“Kasi, pupunta na ako ng Jerusalem [Israel], magiging malinis na naman ako.

“Pero, gusto ko munang maging madumi bago ako maging malinis!” tawa ng Comedy Concert Queen.

Dagdag ni Jed, “Pumunta ako ng Opus, kasama ko ang friend ko.

“Pagpasok na pagpasok namin sa Opus, sabi sa akin ng friend ko, ‘Bro, si Ai-Ai.’

“’Saan?’ sabi kong ganun.

“’Ayan, nasa kaliwa mo.’

“So, noong lumingon ako sa kanya, ngumiti ako sa kanya. Iniirapan niya ko.

“Twice… twice niya akong inirapan.”

Bakit naman inirapan ni Ai-Ai si Jed, samantalang ang intensiyon niya noon ay makahanap ng boyfriend bago pumunta ng Jerusalem?

Paliwanag ng 48-year-old actress, “E, kasi Ama [tawag ni Ai-Ai kay Boy], may hitsura siya, e.

“Tapos, feeling ko, alam mo naman ako—feeling.

“Feeling ko, crush niya ako, pero hindi ko siya pinapansin. Pero, cute naman siya.

“Style ko lang. Style ko lang bulok, pero effective naman.”

Kuwento naman ni Jed, lumipat daw siya ng ibang bar, pero bumalik din daw sila ng Opus. At doon na raw sila nagkakilala ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ai-Ai raw talaga ang nagtanong kung may gagawin si Jed kinabukasan.

Pag-amin ng komedyana, “Oo, ako. Malandi.

“Wala, sabi naman niya, ‘Sige, nood tayo ng sine, ha?’

“E, siya, parang wala naman siyang pakialam.”



IT’S OFFICIAL. Ano naman ang nangyari noong February 17, 2012?

Ayon kay Ai-Ai, “Ginawan ko siya ng birthday [party], sa Zirkoh.

“Lahat ng friends niya, doon ko nakilala… cousins niya.

“At doon kami first na nag-chever!”

Doon din ba sila unang nagsabihan ng “I love you”?

Sabi ni Ai-Ai, “Ay, hindi, sinabihan niya ako noon ng ‘I love you’ sa bahay namin, pero casual lang.

“’Love you!’ sabi niyang gano’n.

“’Ay, ano ba ‘yan, teh? Wag ka ngang nag-a-I love you, baka maniwala ako.’

“Pero doon na sa February 17 ang official.”

Kaya kung meron man daw official date na naging sila, February 17 daw iyon. Pero binibilang din daw nila ang February 3.



BAD FIGHT. Pero may pagkakataon din daw na muntik na silang magkahiwalay dahil sa isang “bad fight.”

Kuwento ni Ai-Ai, “Sabi ko sa kanya, ‘Jed, hindi na ako bata. Ikaw, bata ka pa. Marami ka pang mapupuntahan.

“’Etong lahat na ito, na anumang problema natin, titiisin ko ‘to for what, so better wala na lang tayo.’

“Di ba, tiisin natin ang isa’t isa? At noon, hindi pa siya ready.

“Na-hurt ako. Na-hurt ako siyempre kasi babae ako.

“’Puwede rin namang go on with my life dahil mahal na mahal kita,’ sabi ko sa kanya.

“Kaya babu, kaya lumipad ako para ma-realize niya rin, ‘Ano ba talaga si Ai sa buhay ko? Kaya ko ba?’

“And ako rin naman, ‘Kaya ko ba ‘to o hindi? Kaya ko ba siyang hiwalayan? Hahabulin ba niya ako?’ Yung gano’n.

“Para sa akin, kapag ito hinabol niya ako at inalok niya ako ng kasal, go.

“Pero kapag ito hinabol niya ako at ganito pa rin, huwag na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang ginawa ni Jed nang nawala si Ai-Ai ng pitong araw?

Sabi ni Jed, “Sobrang depressed… hindi ako makakain.

“Talagang nagdarasal kami sa lahat ng santo sa Baclaran, kasi sobrang nasaktan ako.”

Sa parte naman daw ni Ai-Ai, na noon ay nasa Amerika, “Ayoko na, hindi ko na kaya, hirap na hirap ako. Nahihirapan ako.

“Iyak ako nang iyak. Hindi ako makakain.

“Pagbalik ko, ipina-ban ko siya sa Ayala. Hindi siya puwedeng pumasok.

“Kasi, yun ang palaging dahilan kapag nakikita ko si Jed—nawawala lahat ng galit ko.

“So, kapag nakita ko ‘to, siguradong magkakabalikan kami.

“Tapos sabi niya, sa isip niya raw, ‘Pupuntahan ko na lang sa bahay at gagawin ko lahat, kahit na ano’ng mangyari.’

“E, pagdating ko sa bahay, pitong guwardiya ang humaharang sa kanya.

“Ang ending, itinakas niya ako at doon kami sa labas nag-usap.”



THE PROPOSAL. Kailan naman naganap ang proposal?

“Noong gabing yun, nagsabi na siya,” sagot ni Ai-Ai, na ang tinutukoy ay noong mismong gabi ng kanyang pagdating.

Tanong daw ni Ai-Ai kay Jed: “Ano ba ang peace offering mo? Bakit ako kailangang bumalik sa ‘yo?”

Sinagot naman ito ni Jed ng: “Alam ko naman kasi kung ano ang ikakatahimik namin parehas. Kung ano ang ikaliligaya naming parehas.

“So, sinabi ko na, ‘Gusto mong magpakasal?’

“So, nag-usap kami. Plinano namin.”

Ang formal proposal naman daw ay nangyari sa Makati.

Sabi ni Jed: “Kahit na alam mong ikakasal tayo, will you still marry me?”

Kuwento ni Ai-Ai, “Crayola akey [Umiyak ako]! Crumayola na lang ako. Tapos kiniss ko siya ng marami.”



THE WEDDING. Noong April 4, Huwebes, bandang alas-tres ng hapon (U.S. time) naganap ang kasalang Ai-Ai delas at Jed Salang sa The Venetian Resort Hotel Casino sa Las Vegas, Nevada.

Bakit April 3?

Sagot ni Ai-Ai, “Monthsary namin.”

Dagdag ni Jed, “Monthsary namin, three. At saka, gusto niya, now na. Ayaw na niya ng engaged.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong naman ni Ai-Ai, “Gusto ko, ngayon na. At saka, agad-agad.

“Mamaya niyan, mamatay ako, hindi pa ako nakakasal!”

Tinawagan nga raw ni Ai-Ai si Boy na lilipad sila ng April 3 at ibibili na ito ng ticket. Nagkataon naman na may trabaho si Boy kung kaya’t naghanap na lang ng proxy nito

Sa parte naman ni Jed, lahat ng pamilya niya ay sa Amerika naka-base.

Ayon kay Ai-Ai, sa Amerika ipinanganak si Jed at isa itong American citizen.

Sa wedding march, ang pangalawang anak ni Ai-Ai na si Nicollo, kasama ang ina ni Ai-Ai na si Justa delas Alas, ang unang lumakad sa altar.

Sinundan ito ng best man na si Joab Ilos at sinundan na ito ni Jed, na suot ang suit na gawa ni JC Buendia.

Kasama ni Jed na lumakad ang mga magulang niya na sina sina Pepito at Milette Ilos.

Ang panganay na anak ni Ai-Ai na si Sancho ang naghatid sa kanya sa altar. Suot ni Ai-Ai ang kanyang Maxi Cinco dress.

Nakita sa video clip ng wedding na nagyakap sina Jed at Sancho, at tila naging emosyunal si Jed.

Ayon kay Jed, “Before that pa, emosyunal na emosyunal ako.

“Heto na, may tinatawag silang cold feet. Hindi mo alam kung, ‘Eto na ba? Talagang eto na ba?’

“Parang pelikulang napapanood mo sa TV.

“Tapos, unti-unti ko nang nakikitang dumarami ang tao.

“Tapos ako, pinagpapawisan kahit malamig. Tuliro na ako.

“Hanggang sa nakita ko na siya [Ai-Ai], naglakad siya.

“Tapos kumanta si Lani [Misalucha]. Talagang umpisa pa lang ng kanta niya, pinipigilan ko na ang luha ko.

“Pero noong pumasok siya, yun na.”

Ano naman ang naramdaman ni Ai-Ai noong kasama niyang naglalakad si Sancho?

“Parang pelikula na, ‘Oh, God, heto na yun, ikakasal na ako!’

“Sabi ko, wala, tama ang sinasabi niya na parang lumulutang ako na hindi ko maintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya-saya ko na ikakasal na ako, pero noong narinig ko ang ‘Ikaw’ at noong nakita ko ang chapel na walang tao, kinilabutan ako.

“Ganito pala ang feeling, ‘Oh, God, ikakasal na ako, magiging misis na ako.”

Maging ang dating asawa ni Ai-Ai na si Miguel Vera ay nandoon din sa kasal nina Ai-Ai at Jed.



THE WEDDING VOW. Ipinalabas din ang pagpapalitan ng wedding vows nina Ai-Ai at Jed.

Binasa ni Jed sa kanyang cellphone ang kanyang wedding vow habang lumuluha:

“Babes, dati napapanood lang kita. Pinapangarap na makilala ka.

“Ibinigay ka sa akin ng Panginoon at pinagtagpo tayo ng landas.

“Ngayon, kaharap na kita at ang pinapangarap nating dalawa na magkasama habambuhay.

“Mamahalin at aalagaan kita habang nabubuhay ako.

"At si Lord lang ang nakakaalam kung gaano kita kamahal.

“I will always be your friend, your best friend, and your clown, and especially your loving husband.

“Never akong magsasayang ng araw na makakasama kita.”

Ito naman ang wedding vow ni Ai-Ai:

“Palagi mong tatandaan na dati ko pang sinasabi sa ‘yo, ikaw ang magiging huling lalaki sa buhay ko.

“And thank you, thank you na lahat ng pangarap ko, tinupad mo.

“Forever kitang mamahalin.

“Alam ko, mas bata ka, baka ikaw ang unang magkasakit, aalagaan kita, aalalayan kita.

“Saka kunwari madapa ka, dumating ang panahon na magkamali ka, saan mo ko iniwan, doon mo pa rin ako dadatnan.

“Kung maghiwalay tayo, yun ang panahon na kukunin Niya tayong dalawa.

“At ipinapangako ko, kailanman, palagi mong ikinakagalit sa akin na iiwanan kita, Babes, simula ngayon, hindi kita iiwan—kahit na ano’ng mangyari.

“Habang buhay kitang mamahalin hanggang mamatay ako.

“Ikaw ang huling lalaking mamahalin ko sa buong buhay ko and I love you so much.

“Alam mo naman kung gaano kita kamahal. I love you so much, Babes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WHY KEEP IT A SECRET. Bakit nila inilihim noong una ang kanilang pagpapakasal?

Sabi ni Ai-Ai, “Ako, Ama, humihingi ako ng paumanhin sa lahat.

“Unang-una, gusto ko sana ito ilihim para sa amin lang—family, friends.

“Parang feeling ko kasi, maiksi lang itong kasal na ito para iano ko sa buong mundo.

“Sorry po kung naano ninyo ang mga friends ko, mga anak ko na nagdi-deny, kasi po, utos ko yun.

“And now na okay na, pasensiya na po kayo kung nagsinungaling ang mga bata.

“Lalo na si Sancho na sinabi ko sa kanya, ‘O, anak, huwag mong sabihing kasal na.’”

Meron naman daw isang malaking pagdiriwang na pinaplano sina Ai-Ai at Jed para sa maraming kaibigan at pamilya na hindi nila nakasama.

Sabi ni Ai-Ai, “Baka gumawa kami ng isang church wedding. Yun ang pinaplano ko para excited sila kapag nag-wedding na ako.”

Sa December 8 daw ang gustong date ni Ai-Ai dahil anibersaryo ng Immaculate Conception.

Bukod sa pagpapakasal, nabalita rin na buntis at na-delay ang buwanang dalaw ni Ai-Ai.

Pero paglilinaw ng aktres, “Na-delay naman talaga ako, siguro mga fifteen days.

“Siguro iba na ang ano ng katawan ko, ang menstruation ko, half-day lang.

“Siguro, hindi naman na ano yun na negative or positive. So, kailangan ko pang pumunta sa doctor.

“So, yun nga, negative siya kasi ang lining ko, manipis na, kasi nga naoperahan ako dati.”

Pero hindi naman daw sila nawawalan ng pag-asa ni Jed na magkaroon ng sariling anak.

“May egg pa naman ako, pararamihin lang,” sabi ng 48-year-old actress.



THE FUTURE. Ano naman ang naglalaro kanilang isipan tungkol sa hinaharap?

Sabi ni Ai-Ai, “Ako, Ama, may career pa rin ako, mas lalo kong sisipagan kasi may pamilya na ako ngayon.

“Simple lang ang buhay namin ni Jed. Gusto namin nagpupunta sa abroad tapos chill-chill lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang ang kaligayahan namin.”

Sabi naman ni Jed, “Ang future kasi sa akin, Ama, okay, you plan it, pero sometimes hindi mo naman nagagawa.

“So, sa akin, one at a time, enjoy. Kung ano meron tayo, enjoy.

“Kung ano ang kailangang ikasaya ng bawat isa sa amin, sa family namin, sa aming dalawa, gawin namin.

“Sabi ko sa kanya, ‘If gusto mong every weekend umalis tayo, gawin natin. Kasi, ang dream natin, sumaya tayo, at ang future, darating ‘yan.’”

Patuloy pa rin daw magtatrabaho si Jed sa negosyo ng pamilya nila.

“Yun naman talaga ang dream ko, magkaroon ng sariling business at gusto ko, maging ano ako, titingalain na tao.”

Ano naman ang dasal nila sa Diyos ngayon?

Ayon kay Jed, “Humaba ang pasensiya namin sa isa’t isa at, number one, center si God.

“Yung trust, kailangan… number one ang trust talaga before anything.”

Ang dasal naman daw ni Ai-Ai: “Sana good health kami pareho.

“Tagalan pa niya ang buhay ko para matagal ko pang makasama si Jed at ang future child namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN