Kris Aquino wants son Josh to undergo stem-cell therapy

“Gusto kong i-try. Kasi, ayokong maisip pagdating ng araw na may means naman ako to avail the treatment pero hindi ko ginawa," says Kris Aquino about taking son Josh to undergo stem-cell therapy.


Nais ni Kris Aquino na ipagamot ang panganay na anak na si Josh.

Ito ang isa sa mga dahilan na ibinahagi ng TV host-actress sa entertainment editor ng Balita na si Dindo Balares.

Ayon sa kolumn na “Prangkahan” na lumabas noong Biyernes, April 19, sinabi ni Kris, “Ipapagamot ko kasi through stem-cell therapy sa Singapore this June si Josh.”

Kuwento ni Kris, nahikayat siyang ipagamot ang kanyang 16-year-old na anak dahil sa positibong resulta sa pagpapagamot ng anak ng kanyang isang kaibigan.

Tulad ni Josh, may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (AD-HD) din ang anak ng kaibigan ni Kris.

Lahad ni Kris, “Hindi nakakapagsalita ang anak ng friend ko.

“In fact, wala rin kahit eye contact.

“Pero after ng treatment, ang laki-laki ng improvement, at nakakabuo na ng full sentence.”

Dagdag pa niya, “Gusto kong i-try. Kasi, ayokong maisip pagdating ng araw na may means naman ako to avail the treatment pero hindi ko ginawa.”

Kung sakaling matuloy, kakailanganin daw ng buong atensyon ni Kris habang nagpapagamot si Josh.

“Sa mother kasi kukunin ang gagamiting biological cell. E, di ba, ang dami-dami kong allergy kapag nagpapa-hospital ako?" sabi ni Kris.

Si Josh ay anak ni Kris sa dating karelasyon na si Phillip Savador.

Matatandaan na noong March 21, sinabi ni Kris na magre-resign na siya sa trabaho para magampanan niya nang mas mabuti ang kanyang papel bilang ina ng dalawa niyang anak na lalaki—sina Josh at Bimby.

Nabanggit ni Kris ito sa kasagsagan ng panibagong kontrobersiya sa pagitan niya at ng dating asawa na si James Yap.

(CLICK HERE to read related article.)

Ngunit matapos ang halos isang buwan, naglabas naman ng official statement ang mother network ni Kris na ABS-CBN, kung saan nabanggit na hindi na matutuloy ang resignation ng Kris TV host. Sa halip, panandaliang liliban muna siya sa trabaho sa Hunyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay para “magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang ito’y nakabakasyon sa eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.”

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN