PEP SPECIAL REPORT PART 2. Heart Evangelista torn between the love of her life and her parents’ objections

Hindi pa rin naaayos ang problema sa pagitan ng magkasintahang Heart Evangleista at Chiz Escudero (left), at mga magulang ng aktres na sina Mr. & Mrs. Rey and Cecile Ongpauco (right). Pero umaasa ang aktres na “One day,— if they’re not ready to see me even from afar— one day they’ll be proud of me.”


Una nating sinundan ang kabanata sa hindi pagkakaunawaan nina Estrella “Inday” Barretto, at kanyang mga anak partikular na sina Claudine at Gretchen Barretto.

(CLICK HERE for related article)

Gayunman, matapos lumabas ang artikulong iyon dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay mayroon pang mga sumunod na mga pahayag mula sa magkabilang kampo.

Ngayon naman, ating sundan kung paano naging bahagi si Mommy Cecilia “Cecile” Ongpauco sa buhay pag-ibig ng bunsong anak na si Heart Evangelista.

Kailan nga ba masasabing tama lamang o sobra na ang pakikialam ng isang ina sa personal na relasyon ng kanyang anak?

JERICHO ROSALES. Unang nasaksihan ng publiko na sinuway ni Heart ang kanyang mga magulang nang ipaglaban niya ang relasyon nila ni Jericho Rosales.

Noong mga panahong iyon, si Heart ay 21 taong gulang habang 27 taong gulang naman si Jericho.

Ayon sa panayam ni Heart sa YES! Magazine (May 2013), sinabi ng aktres na ito raw ang mga panahong nasa “rebellious” stage siya.

Natatandaan pa nga niya, na sinabi niya noon sa sarili, “You and me against the world? That’s what you want? I’ll do it! I’ll give up my career… It’s stupid. I was stupid. I wasn’t loving someone that was wrong for me. That was okay. But the way I handled it, because I was headstrong, because I was rebelling…”

Nilisan noon ni Heart ang kanilang tahanan na halos walang laman ang ATM card, at saka sumama sa kanyang nobyo.

Aminado naman noon si Jericho na hindi maganda ang pagtanggap ng mga magulang ni Heart sa kanya. Gayunman, hindi nawala ang respeto niya sa kanila.

Noong August 23, 2007 interview ng PEP contributor na si Candice Lim kayJericho, sinabi ng aktor na, “medyo distant ang relationship namin [Heart’s parents] ngayon.

“I cannot say na we’re not in speaking terms. I can’t say anything like that kasi hindi ko naman puwedeng idikta ang saloobin nila, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpapasalamat daw siya na nagkaayos na si Heart at ang kanyang mga magulang.

Aniya, “Basta ang alam ko lang, masaya na ‘yong vibes. Masaya na ‘yong atmosphere, di ba? Si Heart, malaya, maligaya, parang ganoon.

“Nagpapasalamat na ako na malaking improvement na nangyari.”

Dagdag pa ng aktor, nauunawaan niya ang pagiging “protective” nga mga magulang ng kanyang nobya.

“Ako gusto ko i-honor ang parents niya. Gusto ko silang i-honor through taking care of Heart. Gusto kong inaalagaan ko si Heart.

“Hindi ko maalis ‘yong magulang, siyempre protective ‘yan. Hindi puwedeng dapuan ng kahit anong langaw o lamok si Heart.

“Vina-value ko ‘yong pag-aalaga nila kay Heart kaya ganoon na lang din ‘yong pag-aalaga ko sa kanya.

“Mayroon naman akong kapayapaan sa loob ko na nakikita naman siguro nila na hindi ako nagloloko, nagtatarantado, o kahit ano, di ba?

“Ang sinasabi lang sa akin ni Heart, ‘Continue to love them and be patient.’ Kasi ganyan talaga ang mga magulang. Mapagmahal, di ba? Lalo na’t Pilipino tayong lahat, di ba? Tradisyon.”

(CLICK HERE for related article)

Pero nagulat na lamang ang marami na sa ikaapat na taon ng kanilang relasyon, nakipaghiwalay ang aktres kayJericho.

“Ang sa akin, tagilid pa yung idea na hiwalay na kami, e,” pahayag ng aktor nang magpaunlak siya ng panayam sa The Buzz noong May 11, 2008.

Sabi pa ni Jericho, ilang tao raw kasi ang nagsabi ng mga “kasinungalingan” kay Heart habang magkalayo sila.

Nasa Malaysia kasi noon si Jericho para gawin ang teleseryeng Kahit Isang Saglit, habang si Heart naman ay nasa Dubai para gawin ang series na Asero.

Third party ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nila— ang leading lady noon ni Jericho na si Carmen Soo.

Gayundin ay nadawit ang pangalan ng leading lady ni Jericho sa international film na I Luv U Virus (2011) na si Briana Evigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article)

Pero sa panayam ng showbiz talk show na Star Talk kay Heart noong May 18, pinanindigan ni Heart na mayroong third party involved sa hiwalayan nila ni Jericho.

“The third party, it’s true,” paninindigan ng aktres.

“Pumunta si Jericho doon sa bahay ng Malaysian girl. Aside from nakita ko si Jericho... nakita ko din ang pagbabago niya.

“Bago ko pa narinig ang mga taong nagsalita tungkol doon, nakita ko na malaki ang ipinagbago niya at nag-aaway na kami dahil parang hindi ko na siya mapigilan.”

Mariin din itinangi ng aktres na ang pamilya niya ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kasintahan.

Ani Heart, “Ang pamilya ko, simula noong nakita nila na tatlong taon kong ipinaglaban si Jericho ay talagang wala silang sinabi ni isang salita na, ‘Mas mabuti pa ganito, mas mabuti pa ganyan.’ Wala silang sinabi.

“Kumbaga, hinayaan na nila yun. Alam nila na wala na silang magagawa doon for sure, decision ko na yun.

“So, hindi totoo ‘yan. Malinaw na malinaw na tatlong taon ko siyang ipinaglaban, tatlong taon kong tiniis ang career ko, ang pamilya ko.”

(CLICK HERE for related article)

Pero patuloy na itinaggi si Jericho ang mga alegasyong nagkaroon siya ng ibang babae habang karelasyon si Heart.

“Here’s a man, okay, loving a girl very much and truly,” sabi ng aktor.

“How can I, in my life, at this stage, at this point, dito sa buhay ko, sa sarili ko, pagsasabayin ko ang dalawang babae?

“Briana and Carmen at the same time? And I’m gonna look like this? Miserable? I don’t think I can do that.”

Pero sa May 2013 issue ng YES! magazine, inamin ni Heart na hindi totoo na niloko siya ni Jericho.

“When they [parents] said that he was cheating on me with Carmen Soo, I really did think that he was.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really thought that he cheated on me.

“I really did. And that was because they told me that he was and I was convinced.”

Kuwento pa ng aktres, noong mga panahong iyon ay hindi sinabi ni Mommy Cecile sa kanya na nais siyang makausap ni Jericho.

“My mom didn’t tell me that he was waiting for me downstairs in my condo for five hours,” pag-alala ng aktres.

“She didn’t say anything. So I didn’t hear from him.”

Pero matapos ang insidenteng iyon ay inunawa na lamang daw ni Heart na takot lamang ang mga magulang niya na mawala siya, at ito ang paraan nila na ipakita “how much they love me.”

DANIEL MATSUNAGA. Isa pang relasyon na sinasabing tinutulan ng mga magulang ni Heart ay kay Daniel Matsunaga.

Unang nagkasama sina Daniel at Heart sa drama series na Langit sa Piling Mo (2010), at dito na nga nabuo ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

Agosto 20, 2010 nang pormal na maging magkasintahan ang dalawa, na ayon pa sa Brazilian-Japanese model-actor ay ang una niyang relasyon sa isang Filipina.

Dahil na rin sa naging relasyon nina Heart at Jericho noon, hindi naiwasang tanungin si Daniel kung pasado ba siya sa mga magulang ng kanyang nobya.

Sabi ni Daniel, naging “nice” naman ang pagtanggap ng pamilya ni Heart nang ipakilala siya nito.

Enero 2011 naman ay si Heart ang nagtungo ng Brazil upang makilala ang pamilya ni Daniel.

Pero ilang buwan matapos ang bakasyon ng dalawa sa Brazil, lumabas ang balitang tapos na ang dalawang taong relasyon nila.

Sabi ni Daniel, “It was a mutual decision.

“Actually, we both agreed and we both talked.

“There’s a lot of things, personal stuff, guys, I’m sorry…

“It’s really hard because when you love someone, you have your time, you have your hard time—and it happens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s nothing I can do, and sort of tweets that people are saying that there was thread, it was nothing like that.

“It’s just that the relationship didn’t work.”

(CLICK HERE for related article)

Matagal rin bago nagsalita si Heart tungkol sa hiwalayan nila ni Daniel.

Pero nang magpaunlak na ito ng panayam sa Startalk TX noong Mayo 10, 2012, sinabi niyang “cultural differences” ang dahilan.

Ani Heart, “You know, we’re very different and someone once told me, in the olden times daw, pag pini-pair up ang dalawang tao, tinitingnan nila yung compatibility—meaning upbringing, culture...

"And I think it’s true.

"At the end of the day, it’s still different when you both come from different worlds and the cultural differences come in and you fight about little things and it’s just accumulation of little things and we’re different.

“But it doesn’t mean that the other was horrible or masama ang ugali, no, nothing like that.”

At muli, itinanggi ng aktres na ang pamilya niya ang dahilan ng hiwalayan nila ni Daniel.

“For me, that’s not a problem.

"I think my parents will always get involved with everything that I get into, but at the end of the day, it’s my choice.

"And I never let them affect relationship or anything that I’m doing, so, hindi siya naging problema para sa akin.”

(CLICK HERE for related article)

Pero sa kasagsagan ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Heart, inamin ni Daniel sa PEP na alam niya ang pinagdadaanan ngayon ni Senator Francis “Chiz” Escudero, ang kasalukuyang nobyo ni Heart.

Ani Daniel, “They are very protective of Heart. I understand them because it’s family.

“I cannot do anything, that’s why I accepted what happened between us.

“I have since moved on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when I heard what’s happening, I cannot help but relate to it.”

(CLICK HERE for related article)

CHIZ ESCUDERO. Ngayon, isang malaking dagok na naman sa buhay pag-ibig ni Heart ang sinusundan ng publiko— ang relasyon niya kay Senador Francis “Chiz” Escudero.

Naikuwento ni Heart sa YES! na kasama niyang nagdi-dinner noon si Mommy Cecile sa isang restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig, nang makita niya si Chiz.

Kilig na kilig pa nga raw para sa kanya ang ina dahil alam nitong matagal na niyang crush ang senador.

Kaya naman sa unang date nila ni Chiz, ikinuwento ni Heart na pareho sila ng kanyang mommy na “laughing and giggling the whole time.”

Habang si Reynaldo Ongpauco, ama ni Heart, ay naging mainit din ang pagtanggap kay Chiz nang ipakilala niya ito.

“My dad was so cute because he changed,” kuwento ni Heart sa gabing ipinakilala niya ang nobyo.

“He was in his pajamas and he changed pa into a shirt and jeans to meet Chiz.”

Hulyo 31, 2012 nang pormal na maging magkasintahan sina Heart at Chiz.

Pero ang dating mainit na pagtanggap kay Chiz ng mga magulang ni Heart ay nagbago, at naging mainit na isyu sa showbiz.

Isang press conference ang ipinatawag nina Mr. and Mrs. Rey at Cecile Ongpauco noong Marso 19, 2013 sa kanilang tahanan.

Dito’y sinabi nilang “sinisigawan” at “minamanipula” ng senador ang kanilang anak.

Kaya naman pag-aalala ni Mr. Ongpauco, “Ang tao pag bastos sa magulang… lalo na yung anak ko, balang-araw, kawawa naman yun, baka ano mangyari do’n.

“Hindi ako nagagandahan sa ugali niya [Chiz].”

Dagdag pa ni Mrs. Ongpauco, noong unang magpakilala sa kanila si Senador Chiz ay “drunk” ito at “smelled of alcohol.”

Kaya naman pakiusap nila sa batang senador, “We are now appealing to Mr. Escudero to leave our daughter alone for a cooling-off period.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong araw din na iyon ay nakunan ni Lhar Santiago ng pahayag si Heart tungkol sa sinabi ng mga magulang niya laban sa kanyang nobyo.

Sinabi niyang hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakialam ang kanyang mga magulang sa personal na buhay niya.

Gayundin ay sinabi niya, “Nahihiya ako sa boyfriend ko, kay Chiz, saka yung family niya.

"Wala naman silang pinakitang masama sa akin, napakabait nila tapos nagkaroon pa ng mga kasinungalingan, mga paninirang ganyan.”

Hiningi rin ng PEP ang reaksyon ng senador tungkol sa sinabi ng mga Ongpauco tungkol sa kanya.

Sa pamamagitan ng text message sinabi ni Chiz Escudero, “Hindi po ako showbiz... Hinihiwalay ko po at di ko pinaghahalo ang trabaho ko sa personal kong buhay at lalong hindi ko po pinapayagan na manghimasok ang personal kong buhay sa aking trabaho.

"Sapat na siguro na sabihin ko muna ngayon na, bagaman ako ay medyo nadadamay, hangga’t maaari, ayaw kong manghimasok sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang anak at kanyang mga magulang.

"Sana din ay di ito panghimasukan ng iba upang sa gayon ay manatili ang puwang na magkaunawaan sila.

"Maayos at matatag ang samahan at ugnayan namin ni Heart at tinuturing ko lamang ito bilang isang hamon at pagsubok sa relasyon namin kung saan, buo ang pag-asa ko na, ito ay malalampasan namin.”

(CLICK HERE for related article)

Naging mabilis ang tugon ng mga magulang ni Heart sa naging reaksyon niya at ng senador tungkol sa kanilang mga paratang.

Isang statement ang ipinadala nina Mr. & Mrs. Ongpauco sa ilang miyembro ng press noong Marso 20, na nagsasabing “unacceptable” sa kanilang pamilya ang senador.

Anim na dahilan ang inilahad nilang dahilan kung bakit “unacceptable” sa kanilang pamilya si Chiz:

“1. Religious Reason. Chiz obviously has a personality defect. His wife, with whom he has two children, left him for reasons that have been the talk of Metro Manila. Chiz and his wife obtained a civil annulment. Thus, under the rules of the Catholic church to which my family belongs, Chiz is disqualified to remarry, unless he obtains a Church annulment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“2. Personality Problem. Chiz is surrounded by unsavory gossip which has already reached social media. The cause of his annulment and his peculiar habits are swirling over his head, and he has never bothered to explain himself. He projects himself as a wholesome candidate, but we know better. We challenge Chiz to stop dictating to our daughter. Stop hiding behind the skirts of Heart and stop using her as an armor to shield yourself from very serious questions about your character and personality.

“3. Alcoholic. The first time Chiz visited our home, we saw that he was drunk and he smelled of alcohol. The second time he went to our family home, he was again drunk, carrying a bottle of red wine. During both visits, he hardly spoke a respectful word. He sat slumped in a chair with his legs spread outward. He has never formally asked for our daughter’s hand, or explained how he will support her and his wife at the same time.

“4. Illusions. According to Heart, Chiz has promised her that he will become President by 2016, and then she will be addressed as ’First Lady.’ The staff of Chiz sometimes addresses him as Mr. President. This is pure seduction, because we believe Chiz does not stand any chance to become President or Vice-President, owing to his secret character.

“Furthermore, he once boasted to Heart that he runs a lucrative law office, and that a multinational is poised to pay his law firm over P200 million a year for lawyering for the multinational. One more boast of Chiz is that he has already the guaranteed financial contribution of a businessman who has been listed among the ten billionaires of thePhilippines, but who is under investigation by the Senate. Heart believes all these claims made by her boyfriend, without any evidence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“5. Opportunism. Chiz has virtually moved into the condo unit owned by Heart. He uses her Mercedes Benz at will, particularly during night time, indicative of her own disturbed personality. Heart encourages this behavior from Chiz, as she did with the rest of her prior boyfriends. She has been diagnosed as a needy personality, but she refuses psychiatric treatment.

“6. Case vs. Chiz. Because of Heart’s naiveté, I have been compelled to act as her talent manager. We recently signed Heart’s contract with a certain TV channel. Now, Chiz is urging her to have my name removed as talent manager. All the acts of Chiz indicate that his public persona is far different from his real character. My husband and I are in the process of gathering evidence to prove that he is a Jekyll-and-Hyde personality, as suggested by a print columnist.”

(CLICK HERE for related article)

Hindi na rin napigilan ni Senador Chiz na magbigay ng pahayag tungkol sa isyung umiikot sa relasyon nila ni Heart.

Kaya naman tanghali ng Marso 21, matapos ang kampanya niya sa Naga City, isang statement ang ibinigay ni Senador Chiz.

Una niyang nilinaw na “Hiwalay ang personal kong buhay sa trabaho ko, pero pilit pinapasok ang personal kong buhay sa trabaho ko.”

Hanggat maaari raw sana’y aayaw na niyang magsalita, ngunit “nadadamay na ang mga anak ko.

“Medyo may isip na sila, ayaw kong dumating sa puntong kakantiyawan sila ng mga kaklase nila tungkol dito.”

Dalawa ang anak si Chiz sa dating asawa, si Christine Flores.

Pagpapatuloy niya, “Nadadamay na rin ang nanay ko…

“Kamamatay pa lang ng tatay ko at parang pinapalabas na hindi ako pinalaki nang maayos at hindi rin akong tinuruan ng magandang asal.”

Kanya naman daw “iniintindi” ang posisyon ng mga magulang ni Heart, lalo na at isa rin siyang magulang. Ngunit pagdidiin niya, “Hindi na tama ang ginagawa nila sa akin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng senador, kung sakaling siya ang nasa posisyon ng mga magulang ni Heart, “Hindi ako mandadamay, mananakit at maninira ng kapwa sa ngalan ng pagmamahal ko sa anak ko.

“At kung mayroon man akong diperensiya kung saka-sakali sa mga anak ko, hindi ko isasapubliko, hindi ako magpe-presscon, hindi ako mandadamay ng ibang tao.”

Matindi raw ang naging epekto ng isyung ito sa kanyang nobya dahil “nasasaktan siya, nalulungkot.

“At hindi natin siguro masisisi pag ganun ang nararamdaman niya.

Binigyang diin din ng senador na maaaring hindi siya kasing yaman ng pamilya ni Heart, pero “Hindi naman siguro lisensiya yun para maliitin ang sinuman, o yurakan yung katauhan ko, at naapektuhan din ang pamilya ko.”

Konklusyon ni Senador Chiz sa nagaganap na isyu sa kanila ng mga Ongpauco: “Nanggaling naman sa kanila, gusto nila kaming paghiwalayin, gusto nilang maghiwalay kami.”

Sa pagkakataong ito’y naging bukas na ang batang senador sa nararamdaman para sa aktres: “Mahal ko siya pero maliwanag naman na matindi itong pinagdadaanan namin.

“Masakit, siyempre, sana huwag nang sawsawan ng ibang tao.

“Sana huwag nang gamitin ng ibang tao pa ito dahil may mga taong nasasaktan.

“Sana hindi gamitin ito dahil panahon ng halalan ngayon.”

(CLICK HERE for related article)

Pero noong araw na nagbigay ng pahayag si Senador Chiz, isang press conference ang muling ipinatawag ni Gng. Cecile Ongpauco noong Marso 21 sa kanilang tahanan sa MakatiCity.

Dito’y inanunsyo niyang magsasampa sila ng kasong “criminal case for libel” dahil “[he is] claiming that he is caught in the middle of a family feud; when the truth is, Chiz is the very source of our family feud.”

At dagdag pa rito ang “criminal complaint for incriminating an innocent person,” at “civil complaint for meddling with, or disturbing the private life of another.”

Sinabi rin ni Mrs. Ongpauco na ang ginagawang pakikipaglaban ni Heart sa relasyon nila ni Chiz ay isang “pattern.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Honestly, Heart always loses her mind when she’s with someone, when she’s in love.

“Her behavior for all her former boyfriends has been the same, including Chiz.

“She follows a pattern of total submission.

“She subordinates herself and caters to everyone. Ganun lang siya kay Chiz.”

Dagdag na paratang pa ni Mommy Cecile, “She allows him to practically live in her condo that she owns, she pays for all the households, including the groceries.

“She allows him to use her Mercedes Benz. In the case of Chiz, he has made her even paranoid that she pays for the gas!”

Pinuna rin nito ang age gap ng magkasintahan— 28 years old si Heart habang 43 years old naman si Chiz.

Aniya, “I simply wish he could find someone his own age.

“As I say, find someone else his own size, so to speak, and not to do this to my daughter.

“She’s twenty-eight, but everyone in the industry knows how innocent she is, how naïve she is, how over-protective she’s been.

“I just wish he’s not taking advantage of that.”

(CLICK HERE for related article)

Isa pang paratang ng ina ni Heart laban kay Chiz, gusto siyang palitan nito bilang manager ng aktres.

Aniya, gusto raw ng senador na mayroong pumalit sa kanya na “dummy” para “he could be Heart’s real manager, to control her financially.”

Pero hindi raw ito hahayaan ni Mrs. Ongpauco na mangyari, “Kawawa naman ‘yong anak ko, abugado ang kanyang katapat.

“Anak ko, hindi nakatapos ng college, kawawa naman siya.”

Bago magtapos ang presscon, nakiusap si Mommy Cecile sa kanyang anak na “to make amends to her father before it’s too late,” dahil sa sakit nito sa puso at hypertension.

Dagdag pa nito, “I would like to keep my sense of dignity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After this, no matter what Mr. Escudero or Heart say in response to my comments, I will keep dignified silence from now on. Thank you.”

(CLICK HERE for related article)

Kasama ni Heart si Chiz sa panayam sa kanya ng YES! magazine noong April 9, at dito’y nabigyan ng pagkakataon ang senador na linawin ang ilang alegasyon sa kanya ng mga magulang ng aktres.

Una ay ang paninigaw umano niya kay Heart.

Si Heart ang sumagot para sa kanyang nobyo. Aniya, ang tanging pagkakataon na naririnig niyang sumigaw ang senador ay kapag sinasaway nito ang kanyang mga aso.

Si Senador Chiz naman mismo ang sumagot sa isyung “alcoholic” siya. “I drink,” pag-amin niya, pero kung papipiliin ay mas gusto niya raw uminom ng “coke zero.”

Hindi naman daw dahil kaibigan niya si Executive Secretary Pacquito “Jojo” Ochoa Jr., na sinasabing mayroong drinking issues, ay ganoon na rin siya.

“Dahil magkaibigan kami, therefore gano’n din ako?” balik-tanong ng senador.

Itinanggi rin nito na gusto niyang maging manager ni Heart.

Aniya, “Sorry, ma’am, I’m busy as it is with my work. It’s not my cup of tea. Sa dami ng problema ko sa buhay, ayoko nang dagdagan.”

Habang ang nobya naman niya ang sumagot sa isyung ginagamit nito ang kanyang Mercedez Benz.

Sinabi nitong mayroong sariling sasakyan si Chiz, at hindi rin niya kailangan gastusan ang pagpapa-gas nito.

“I never had to swipe my card for anything with him,” nangingiting sinabi ng aktres.

“I mean, I’ll probably insult him.”

Ang pahayag naman ni Chiz sa mga kasong isasampa laban sa kanya ng mga Ongpauco: “Ako yata ‘yong tinawag na lasenggo, barumbado, bastos…

“Sorry, hindi ho yata gano’n ‘yon. I was the one who was called names. I didn’t call them names.”

Pero ganoon man, wala naman daw balak ang senador na sampahan ng kaso ang mga magulang ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pa ang maaaring mangyari ngayong hindi pa nagkakaayos ang kampo ng magkasintahang Chiz at Heart, at ng mag-asawang Ongpauco.

Ngunit ang pinanghahawakan na lamang daw ni Heart sa ngayon ay ang pag-asang “One day,— if they’re not ready to see me even from afar— one day they’ll be proud of me.

“I’ll make sure of that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN