PEP EXCLUSIVE Maxene Magalona on breakup with Renz Fernandez: "This is the healthiest breakup I ever had."

Hindi alintana ni Maxene Magalona ang sinasabi ng ilan na mabilis siyang magpalit ng boyfriends. Saad niya, “Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga tao, e. Kasi for me, it’s my life, it’s my decision. And if anong consequences ng mga desisyon ko, tatanggapin ko yun. And if kung ano yung sinasabi ng mga tao, tinatanggap ko at nirerespeto ko ang opinyon nila, pero sana respetuhin din nila ako—na ito yung mga desisyon na ginagawa ko.”


Marami ang nagulat sa maagang pagtatapos ng relasyon nina Maxene Magalona at Renz Fernandez.

Kahit last year pa napabalitang may espesyal na namamagitan sa kanila, kamakailan lang sila umamin na sila na nga.

Pero pagkatapos ng ilang buwan ay napabalita namang break na sila.

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay kinumpirma ng ina ni Renz na si Lorna Tolentino na break na nga ang kanyang anak at si Maxene.

(CLICK HERE to read related story.)

Noong Martes, April 30, sa media launch ng Make Your Own Havainas 2013 sa Rockwell Tent, Powerplant Mall, Makati, isa sa invited celebrities si Maxene.

Atubili man, nilapitan siya ng PEP para makapanayam at nagpaunlak naman ang Kapuso actress-TV host ng isang exclusive interview.

Ang una naming napansin kay Maxene ay ang kanyang bagong hairstyle, kung saan may bangs na ang kanyang buhok.

Sabi niya tungkol dito, “Kailangan kong magbago ng hitsura e, alam mo yun?

"I can’t just can’t keep looking the same way, paulit-ulit, hindi puwedeng paulit-ulit ang hitsura ko.

"Hindi rin puwedeng paulit-ulit na lang ang ginagawa ko sa buhay ko, so dapat may changes.”

SHORT-LIVED RELATIONSHIP WITH RENZ. Pagkatapos nito ay kinumusta namin si Maxene pagkatapos ng breakup nila ni Renz.

Sagot niya, “Okay naman ako ngayon and I’m very, very okay.

"I’m keeping myself busy, uhm, working out, gano’n.

"Basta ang bottomline is I’m just really happy.”

Bakit tila napakabilis ng kanilang relasyon?

Sabi ni Maxene, “Alam mo… kami naman ni Dom [Dominic Roco] mabilis rin; kami naman ng non-showbiz ko, six years.

"So ang point ko is, kahit gaano pa kayo kabilis o katagal, it’s all the same.

"If it doesn’t work out, it won’t work out. Yun lang yun.

"So for me, in a relationship, it’s just not the fault of one person, it’s just… hindi lang talaga kayo magkatagpo or magkatugma. Yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, okay naman daw sila ni Renz at sa ina nitong si Lorna Tolentino.

Kuwento pa ni Maxene, “Okay kami. Tita Lorna, we still play games on our iPhones.

"We still keep in touch, nagti-text pa ako minsan sa kanya, and in Instagram, she still likes my photos, ganun.

"Kumbaga, this is the healthiest breakup I ever had.”

Sa isang panayam, sinabi ni Lorna na baka balang-araw ay sina Maxene at Renz pa rin ang magkatuluyan.

Ano ang reaksiyon dito ni Maxene?

“Oo, si Tita Lorna, she’s a very open-minded person.

"Pareho kami, you know, like, hindi kami makitid ang utak na parang, ‘Break na sila ni Maxene, hindi ko na siya papansinin,’ hindi siya ganun.

"Sabi ni Tita Lorna sa akin, ’No matter what happens, you will always be my friend and you will always be family to us.’"

POSITIVE OUTLOOK. Sa kabila ng mga kabiguan, bakit ganito na lang kapositibo ang kanyang mga pananaw sa buhay?

Paliwanag ni Maxene, “No kasi, I can’t… life has to go on.

"Life has…the show must go on and I can’t just be sad.

"Look at how blessed I am, yun lang yun, di ba?

“Not because a relationship doesn’t work, hindi ibig sabihin na kailangan ko nang malungkot.

"Because I’ve already lost the most important man of my life—my dad [Francis Magalona].

"So lahat ng lalaki na nakilala, nakasama ko, minahal ko, hindi man kami mag-work out, I do not regret it.

"But I thank them for all the lessons that I’ve learned.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa mga taong nagsasabing ang bilis niyang magpalit ng boyfriend?

Sagot ni Maxene, “Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga tao, e.

"Kasi for me, it’s my life, it’s my decision.

"And if anong consequences ng mga desisyon ko, tatanggapin ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And if kung ano yung sinasabi ng mga tao, tinatanggap ko at nirerespeto ko ang opinyon nila, pero sana respetuhin din nila ako—na ito yung mga desisyon na ginagawa ko.”

HAPPY FOR EX-BOYFRIENDS. Balitang may bago nang nililigawan si Renz, sa katauhan ng Kapamilya actress-TV host na si Coleen Garcia.

Ano ang masasabi niya dito?

Sabi ni Maxene, “Oo, okay lang sa akin, I’m really happy. Si Coleen ba?

"I’m really happy and I want him to be happy, that’s all.”

Pero hindi naman kaya na kahit sila pa noon ay nililigawan na ni Renz si Coleen?

Pagtatanggol ni Maxene sa dating kasintahan, “A, hindi, hindi... Renz is not the type.

“Renz is not the type na manakit ng babae, mag-cheat, magganyan.

"Kilala ko si Renz, he’s a very a good guy.

"And if ever man na magkatuluyan sila ni Coleen, I wish them all the best and sana talaga maging masaya si Renz.

"Kasi yun lang ang gusto ko—na maging masaya siya.”

Kumusta naman ang pakikitungo ni Mexene kay Bela Padilla, ang girlfriend ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Neil Arce.

Sagot nito, “Okay kami ni Bela. We are not close but when we see each other, ‘Hi, hello,’ ganun lang.”

Sila ni Neil?

“’Hi hello, hi hello.’ For me kasi, once na mag-break na kami nung ex ko, tapos na yun.

"So, bakit pa ako magagalit? Bakit pa kailangang mag away, di ba?

“Kasi break na tayo, e, wala na dapat ganun.

"So for me, I wish Bela and Neil the best. I wish Renz and Coleen the best.

"And I’m just happy on my own life right now, and I don’t look for love because love will find me.”

WISH TO BE SINGLE FOR A YEAR. Sa ngayon, may mga manliligaw naman daw kay Maxene pero hindi pa raw siya handa sa panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “May mga nagti-text-text pero ayoko pa talagang magka-boyfriend muna, e.

"I want to be single for a year. I’ve never been single.

“Ang longest time na naging single ako was five months.

"So now, I want to be single for a long time and I want to love myself.”

Umaasa ba siya na yung next na makilala niya ay "the one" na talaga?

Sagot ni Maxene, “Hindi, kasi ayokong umasa.

"Kung siya na yun, siya na yun, pero hindi ako mag-i-expect.

"Mapi-feel ko na lang yun basta.”

Pero siya ba ang "marrying type"?

Sabi ni Maxene, “Oo naman, I’m a very hopeless romantic person.

“Gusto ko talaga sweet, and that’s my weakness. ’Yan ang quote ko—sweetness is my weakness.

"I just want the guy na lalambingin ako, a guy who can make me laugh, and who likes listening to hip-hop, and gusto ko ng matangkad.”

NO HAPPY BREAKUPS. Kaninong hiwalayan kaya siya labis na nasaktan?

Ani Maxene, “Lahat naman ng breakup masakit, e.

"There’s no easy breakup, there are no happy breakups.

"All breakups are painful.

“But once you get over it, the pleasure that you feel after the pain, sobrang sarap.”

Dagdag pa niya, “And I like going through painful breakups, because the lessons that I learn from it and the pleasure that I get after I gotten over that breakup, ibang klase yung feeling, sobrang saya.”

Sa huli, nagpaabot ng mensahe si Maxene kina Renz at Lorna.

Sabi niya, “[For Renz] I miss you, and thank you for all the good memories, and I wish you all the best in life.

“Kay Tita Lorna, I miss you so much, Tita. Thank you so much for the love, thank you so much for the understanding, thank you for the patience.

"Mahal na mahal ko po kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN