Kris Aquino on negative reactions about her political plan: “Ang tagal pa ng three years, ‘no?! Huwag muna sila mag-judge.”

Ipinagkikibit-balikat lamang ni Kris Aquino ang akusasyon na nagbu-vote buying siya dahil sa pagbibigay niya ng tip sa isang driver sa Cebu. Aniya, “Last election nagkaroon din na ako ng kaso. So, sanay na ako sa kaso sa Comelec, walang problema.”


Sunud-sunod ang naging pangangampanya ng TV host-actress na si Kris Aquino para sa kanyang pinsan at senatorial candidate na si Bam Aquino.

Ngayong linggo lamang, nagtungo ang buonsong kapatid ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa iba’t ibang probinsiya katulad ng Davao, Iloilo, Cebu, Ormoc, at Naga para iendorso ang mga kandidato ng Liberal Party.

Dahil dito, ayon kay Kris, “I think after making ikot and seeing na ang bobongga ng mga cities na naikutan ko...

"In particular, tumatak sa akin ang Davao City and Iloilo City, naramdaman ko na I would OJT, on-the-job training with those mayors.

“Binolunteer [Volunteered] ko ang sarili ko talaga kay Mayor [Sara] Duterte [Carpio] and Mayor Jed [Mabilog] ng Iloilo.

"Sabi ko, ‘Puwede bang mag-two weeks, two weeks sa inyo para naman makita ko talaga kung kaya ko.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kris sa ginanap na “Rock the Vote” event sa Lipa, Batangas kagabi, May 8.

Kamakailan lang ay inanunsiyo ni Kris ang kanyang planong tumakbo bilang isang mayor sa 2016.

Aniya, “Unlike PNoy who went straight to Congress, I really like to try to follow my dad’s [the late Benigno "Ninoy" Aquino] footsteps, and be a mayor.”

Pag-iisipan pa raw niya kung saang lungsod siya tatakbo bilang alkalde.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Kris, sa pamamagitan ng pagte-train sa mga lokal na lungsod, malalaman niya kung hanggang saan ang kanyang kakayahan sa pamumuno.

“I’ll try that,” sabi ng Kris TV host.

“Kailangan ko sigurong makita kung kaya ko and if I have what it takes to become a public servant.”



DO NOT JUDGE. Samantala, natanong muli si Kris tungkol sa naging pakiusap ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na huwag na siyang tumakbo bilang delicadeza.

Matatandaan na sa isang press statement, sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Family and Life executive secretary Fr. Melvin Castro, “Without prejudging her intentions and capability, however, I do believe simple delicadeza dictates that the family carrying the surname that was catapulted into power by a political revolution should set an example of not perpetuating themselves in power.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din sa statement na, “The Aquinos should be the first ones not to create a political dynasty.”

Hindi naman nagbigay ng direktang sagot tungkol dito si Kris.

Sa halip, nakangiting sinabi niya sa media, “Ang tagal pa ng three years, ‘no?!

“Hindi nga tayo sure kung buhay pa ako in three years so, huwag muna sila mag-judge.”

ISSUE ON VOTE-BUYING. Samantala, kibit-balikat naman ang Kapamilya host sa umano’y posibilidad na makasuhan siya ng vote-buying.

Sa kanyang pangangampanya sa Cebu kasi ay naikuwento ni Kris sa media na hiningi niya ang suporta ng driver ng rent-a-car na nasakyan niya para sa mga senatorial candidate na sina Grace Poe, Francis “Chiz” Escudero, at Bam Aquino.

Pagkatapos nito, hindi na raw niya kinuha ang sukli sa P1,000 na ibinayad niya, na maaaring makitang motibo para sa vote-buying.

Pero tila hindi ito masyadong iniintindi ni Kris dahil ang tanging nasabi na lamang niya, “Last election nagkaroon din na ako ng kaso. So, sanay na ako sa kaso sa Comelec, walang problema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN