DOJ removes online libel provision on Cybercrime Law

The Department of Justice (DOJ) has decided to remove the online libel provision on Cybercrime Law. DOJ also clarified that the authorities cannot go after those who repost, like, or retweet the complained post.


Inalis na ng Department of Justice (DOJ) sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 o mas kilala na Cybercrime Law, ang probisyon tungkol sa online libel.

Ayon sa report ni Pia Arcangel sa "Unang Balita" segment ng Unang Hirit kaninang umaga, Mayo 24, isang bagong bersyon ng Cybercrime Law ang ilalabas ng Korte Suprema.

Dito sa bagong bersyon ng batas, inalis na ang ilang probisyon sa Cybercrime Law na nakapaloob na sa Revised Penal Code. Ito ay upang maiwasan na malitis ang isang akusado sa parehong asunto.

Binigyang-linaw rin na hindi hindi maaaring kasuhan ang mga taong magre-retweet, magse-share, o magla-like ng mga inirereklamong posts sa Twitter at Facebook.

Ayon kay Assistant Secretary Geronimo Sy, head ng Cybercribe office ng DOJ, mas pagtutuunan ng pansin ng naturang batas ang mga “organized crime” na ginagawa sa Internet.

Tulad na lamang ng “[pagbebenta ng] droga, sa mga trafficking issues, sa gun-running, sa pag-e-exploit ng mga bata.”

BACK STORY. Matatandaan na Hulyo 2012 nang basahin sa Kongreso ang RA 10175 na ginawa ni Senator Edgardo Angara.

Setyembre 12, 2012 ay inaprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang naturang bill, at noong Oktubre 3, 2012 ay naging epektibo na ang Cybercrime Law.

Marami ang umalma sa naturang batas, partikular na sa probisyon ng online libel, dahil sa nilalabag nito ang kalayaan sa pagpapahayag ng mga mamamayan.

Anim na araw matapos maging epektibo ang naturang batas, Oktubre 9, 2012, naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema, at sinabing pag-aaralan nila ang naturang batas dahil na rin sa ilang petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo.

Ihahain daw ng Korte Suprema ang bagong bersyon ng Cybercrime Law sa pagbubukas ng 16thCongress sa Hulyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN