Raquel Pempengco admits she used to be a lesbian: "Pero nagbago ako."

“Gusto ko lang po i-clear na matagal ko na pong natanggap [si Charice]. Nagsalita po ako kasi hindi ko na kaya ‘yong hinuhusgahan ako na bakit hindi ko matanggap, anak ko ‘yon,” says Raquel about the real sexual orientation of her singer daughter Charice.


Bago pa man aminin na Charice na isa siyang tomboy, alam na raw ito ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang inang si Raquel Pempengco.

Kaya naman nang lumabas ang interview ng 21-year-old singer noong Linggo, June 2, sa The Buzz, “lumuha” na lamang daw ang kanyang ina.

(Read: Charice: "Opo, tomboy po ako.")

“Lumuha lang po ako kasi alam ko na po’yan, matagal na,” sabi ni Raquel sa press conference na ipinatawag niya kanina, June 7, sa dati nilang bahay sa Rancho Estate, Marikina City.

Sa unang bahagi, binasa ni Raquel ang isang open letter para sa kanyang anak na si Charice. Nakapaloob dito ang kanyang nararamdaman tungkol sa mga isyu sa pamilya nila ngayon.

(Read: Raquel Pempengco: “Ang pakiramdam po namin ay itinakwil na kami ni Charice.”)

Marami ang nag-iisip na hindi tanggap ni Raquel ang sexual orientation ng kanyang anak dahil naging tahimik siya sa kabila ng sunud-sunod na paglabas ng mga balita tungkol dito bago umamin si Charice.

“Gusto ko lang po i-clear na matagal ko na pong natanggap,” sabi ni Raquel.

“Nagsalita po ako kasi hindi ko na kaya yung hinuhusgahan ako na bakit hindi ko matanggap—anak ko ‘yon.

“Kung sinuman ang unang nakakaalam no’n, ako ‘yon.

“Pero nakita n’yo ‘yon, ilang taon kong itinago dahil ayaw ko siyang masira.

“Pero ngayon, siya na ang nagsabi, itinulo na lang ng luha ko dahil naramdaman kong hindi ako importante sa anak ko.”



“ITAGO MUNA.” Inamin ni Raquel na kahit alam na niyang tomboy si Charice, pinakiusap pa rin niyang itago muna ito.

Sabi niya, “Ang pinakiusap ko lang sa kanya, ‘Alam ko ang nararamdaman mo, kung puwede sana itago mo dahil may pangalan kang iniingatan.

“’Hindi mo naman kailangan na ipakita sa buong mundo ang katayuan mo sa pamamagitan ng pag-iibang anyo. Napakarami nang lesbian diyan na hindi nagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Kailangan pa ba na ilahad mo na, ‘Ito ako, lalaki ako. Ito na ako ngayon. Lalaki na ako ngayon kasi marami na akong tattoo.’"

“Pinakiusapan ko na siya, kay Courtney [Blooding, dating manager ni Charice] pa lang, pinakiusapan ko siya na, ‘Itago n’yo muna hanggang sa maitatago ninyo.’”



“FREE AS A BIRD.” Samantala sa pag-“come out” ni Charice, sinabi niyang “free as a bird” na siya ngayon.

(Read: Charice on "coming out": "I have come to accept the real me.")

Ipinagtaka naman ito ni Raquel.

Sabi pa niya, “Para kay Charice, huwag mong sasabihing hindi ka naging masaya sa amin, sa loob ng twenty-one years.

“Huwag mong sabihin na hindi ka nakakakilos sa loob ng twenty-one years sa gusto mong ikilos.

“Si Charice lang po ang makakaalam niyan na naging open ako sa bahay namin.

“Si Charice lang din po ang makakapagsabi, hindi man niya aaminin in public, na lahat ng gusto nilang gawin sa buhay nila, nasusunod nila.”



“MALAKI ANG NAGBAGO.” Simula nang tumuntong sa edad na 18 si Charice, ayon sa ina niyang si Raquel, ay malaki na ang pinagbago nito.

Sa katunayan, nang tanungin tungkol sa pag-alis ni Charice sa kanilang bahay at sa relasyon nito sa dating X Factor contestant na si Alyssa Quijano, mariing sinabi ni Raquel, “Basta ito lang sasabihin ko: Hindi ko kilala ang anak ko ngayon.”

Anu-ano ang mga nabago kay Charice?

Sagot ni Raquel, “Malaki. Marami.

“Siguro yung iba nga, naaano nila ’yon, e... napupuna nila kung ano ang pag-uugali ni Charice noon na kasama ako at ngayon na hindi ako kasama.

“Siyempre yung mga image niya sa mga tao na malalapit sa kanya. Yung image niya sa mga kaibigan niya noon.

"Kasi ang mga kaibigan niya noon, hindi iyon at iyon din, e. Iba-iba ang nakakasalamuha niya.

“So, sa ugali, malaki din ang pag-uugali na nagbago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati, pag nasa Amerika siya, ‘O, Mommy, nandito na po ako.’ Ina-update niya ’ko.

“Pero mula nang mag-eighteen siya, wala. Kahit email mo, kahit tatawagan mo, hindi siya sasagot.”



NOT CONVINCED WITH APOLOGY. Kasabay ng paglantad ni Charice, humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang ina at nakababatang kapatid na si Carl.

Aniya, “Sorry Mommy, Carl... pero ito ako. Proud ako sa sarili ko.

“Mahal ko ang sarili ko kaya ko po ginagawa ito.”

Pero sa kabila ng "sorry" na ito sa telebisyon, hindi naman daw ito nasabi ni Charice nang personal sa kanyang ina at kapatid.

Ayon kay Raquel, “Di siya hihingi ng sorry dahil alam niya na matagal na naming alam.

“Kaya nga nagulat ako bakit siya hihingi ng sorry in public e matagal na naming alam.”

Sabi pa ng ina ni Charice, “Tanggap na tanggap namin siya, ng pamilya namin.

“Para sabihin niya na humihingi siya ng pasensiya sa mga tao, naiintindihan ko kung saan nanggagaling yung sorry niya.

“Yung sinasabi niya na, ‘Sorry kasi eto na ’ko,’ ibig sabihin wala na kaming magagawa. Eto na siya, e.

“Pero hindi totoo ’yon. Matagal na naming alam, bago pa kayong lahat. Matagal na naming alam.

“Para sabihin niyang humingi siya sa ’min ng sorry, para bang ang gusto kong maramdaman yung, ‘Mommy, sorry kasi nasaktan kita dahil ito na ang gusto ko talaga. Ito na kung tanggap mo ’ko, pero sana alisin mo na yung sakit ng kalooban mo.’

“Hindi e. ‘Sorry kasi eto na ’ko.’”



ON ALYSSA QUIJANO. Sa naging takbo ng Q&A part ng press conference, kapansin-pansin na hindi boto si Raquel kay Alyssa para kay Charice.

(Read: Charice on rumored girlfriend Alyssa Quijano: “She’s like my everything.” )

Matatandaan na naibalita noon na “nagtanan” daw sina Charice at Alyssa.

(Read: Did Charice elope with X Factor finalist Alyssa Quijano?)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito kinumpirma o pinabulaanan ni Charice sa kanyang nakaraang interview sa The Buzz.

Pero inamin niyang umalis siya sa kanilang bahay.

Sabi pa ni Charice, “Alam ko po na parang alam din naman ni Mommy noon, na doon din darating sa point na yun.

“Umalis po ako dahil hindi ayoko na doon, umalis ako dahil yun yung kailangan kong gawin.”

Sa ngayon ay nakikituloy si Charice sa isang pamilyang dati na niyang kakilala sa Cabuyao, Laguna.

Sa pagkakatanda umano ni Raquel, dati ay ayaw ni Charice na makasama si Alyssa, ang dating kakumpitensiya nito sa mga singing contest.

Kuwento ni Raquel sa press, “Si Alyssa ay isang kakumpitensya niya sa pagkanta. Alam ni Charice ’yan.

“Kahit si Charice ’yan, kung maibabalik yung panahon, ayaw niyang makasama yung mga tao na ’yon.

“Pero ang kinahinanakit ko lang, bakit ngayon, ’yon ang ipinagmamalaki niya—na dun siya masaya?

“Sinabi ko kay Charice, ‘Maraming babae. Marami kang mapipili kung gugustuhin mo. Pero ayoko kay Alyssa.’

Nang tanungin kung ano ang kailangang gawin ni Alyssa para matanggap niya, sagot ni Raquel, “Hindi ko siya matatanggap kahit kailan.”

Sinubukan ng media na alamin ang tunay na dahilan ng pagtutol ni Raquel kay Alyssa, subalit nanatiling tikom ang bibig ng una.

Sa halip, sinabi na lamang niya sa media, “May personal akong dahilan at hindi ko na sasabihin.”


IT’S IN THE BLOOD. Sa hiwalay na panayam sa lola ni Charice na si Tess Relucio, isiniwalat nito na may isa pang tomboy sa pamilya nila bukod sa singer—walang iba kundi ang ina ni Charice na si Raquel.

(Read: Charice’s grandmother reveals Raquel Pempengco also had lesbian affair)

Hindi naman ito itinanggi ni Raquel nang matanong sa presscon kanina.

"Hindi nanligaw... ako yung tomboy," paglilinaw pa ng ina ni Charice sa tanong kung may nanligaw raw sa kanyang tomboy noong kabataan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Pero sinunod ko nanay ko...

"Nasasaktan pa ako noon ng nanay ko, ’Magpakababae ka.’"

Eighteen years old daw noon si Raquel.

Patuloy niya, "Hanggang sa nireto ako ng nanay ko sa asawa ko, sa daddy nila [Charice at Carl].

"Kasi walang nanliligaw sa akin, puro mga babae kasama ko. Hindi ako nagpa-palda, hindi ako nagdadamit-babae...

"Kaya nga sabi, ’Mana lang sa ’yo ang anak mo.’"

Sa side daw ng ama ni Raquel maraming tomboy.

Hindi raw siya nagsabi noon sa kanyang ina na tomboy siya, pero ipinakikita naman daw ni Raquel ang pagiging tomboy niya.

"Yun ang sinasabi ko, hindi ko naramdaman si Charice na ganyan noon pa.

"Si Nanay, ramdam ni Nanay na ganun ako.

"Ramdam ng nanay ko noon."

Dagdag niya, "Sinabi ko naman ’yon kay Charice, ’Na-experience ko na rin naman ’yan.’

"Pero nagbago ako. Kaya ko, e.

"Kinaya ko kasi nanay ko, e. Ayokong masaktan, ayokong masaktan nanay ko.

"Kasi pakiramdam naman yun, e, puwedeng baguhin kung gugustuhin mo lang.

"Naniniwala akong kayang-kaya niyang baguhin kung gusto niya."

Ito raw ang dahilan kaya naiintindihan ni Raquel si Charice dahil napagdaanan na niya ang pinagdadaanan ng anak.

"Kaya sabi ko, sa umpisa pa lang ’yan, ’Oo, hindi kita pipigilan dahil ’yan ang nararamdaman mo, pero magbabago pa ’yan kung gugustuhin mo.’

"Sinabi ko ’yan nung time ni Courtney," pagtukoy ni Raquel sa dating manager ni Charice na si Courtney Blooding.

Kasama na rin daw inaalala ni Raquel ang career ni Charice nang umamin ang anak sa tunay niyang sekswalidad.

"Siyempre, pangalan niya na rin. May itinatayo siyang pangalan. Yun lang ang field na alam niyang work... sayang.

"Bata pa siya, wala siyang alam.

"Ang iniisip ko naman sa kanya yung kinabukasan niya, hindi ang kinabukasan ko. Dahil ako, may edad na."

(Watch: Raquel Pempengco used to be a lesbian)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN