Maricar Reyes says husband Richard Poon makes her feel "important" and that she’s "worth a lot”

Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Maricar Reyes ay nakatagpo pa rin siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya, at ito ay sa katauhan ng napangasawa niyang si Richard Poon. Sabi ng aktres, "You know, you can set your standards high, and trust that God will give you that standard.”


Nagsimula ang relasyon nina Richard Poon at Maricar Reyes sa isang music video na ginawa ng crooner kung saan naging leading lady niya ang aktres.

Sa panayam ni Korina Sanchez sa bagong kasal sa TV Patrol kanina, June 10, tinanong sina Richard at Maricar kung sa shoot pa lang daw ba ay "Nag-fireworks ba, love at first sight."

Sagot ni Richard, “Ako ata, crush at first sight.

"I saw Maricar in Betty La Fea and being Taiwanese… [after the shoot] I called her to say thank you.

"And that one call to say ’thank you’ lasted for forty-five minutes.”

Ayon naman kay Maricar, “After he thanked me, I think during that time nga, I was ano, e…taping when he called.

"It was a break during taping, pero okay pa rin, e, parang lagi siyang merong topic na nabi-bring up na, ’Uy, okay ’tong pag-usapan, a.’”

Tanong ni Korina: “Kung siya instant sa ’yo [Richard], ikaw [Maricar], kailan ka talaga na parang nagustuhan mo na rin siya?”

Tugon ni Maricar, “Ako naman kasi, basta nakukuha mo ako with conversation, parang napapaisip ako, ‘Puwede ’to, e.’

"Pero yun muna kasi I’m very guarded. I’ve become very guarded.”

Isang taon daw lumayo si Richard kay Maricar matapos noon dahil gusto muna niyang makasiguro sa kanyang damdamin para sa actress-model.

Tanong ni Korina kay Richard: “So what made you be sure?”

Sagot ng singer, “After one year, wala akong ibang…walang nag-trigger ng heart ko the way na pag nakikita ko siya.

"I knew that siya na.”

At noong nakaraang taon, 2012, hiningi na raw ni Richard ang mga kamay ni Maricar sa mga magulang nito.

Pero kaunti lang daw ang nakakalaam na engaged na sila.

Kasunod nito, plinano na raw nila ang isang simple at private Christian wedding na naganap nga kahapon, June 9, sa Bellevue Hotel, Alabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Richard Poon and Maricar Reyes are married!)

Tanong ni Korina: “Ano ang napaparamdam sa ’yo ni Richard?"

Seryosong sagot ni Maricar, “Importante ako. And I’m worth a lot.”

Sa kasunod na sagot ni Maricar ay naiyak na ito nang tuluyan.

Sabi niya, “Kasi it’s a nice in anything and something na dapat ma-grasp na lahat ng babae na yun yung dapat hanapin nila—yung someone that they’re… they want to end up with.

“Kasi ako, it’s nice to end up… a, alam ko kasi, parang dati hindi ko naisip na baka wala nang guys na ganun, so it’s nice to know na meron pala.

"You know, you can set your standards high, and trust that God will give you that standard.”

Sa huli kinantahan naman ni Richard ang asawa ng ilang linya mula sa awitin nitong “I’ll Take Care of You”:

“I’ll take care of you, don’t be sad, don’t be blue. Just count on me your whole life through, And I’ll take care of you.”

Plano raw ng dalawa na tumulak ng Taiwan para sa kanilang honeymoon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN