Mocha Uson "proud" of Charice; encourages other closet gays in showbiz to come out as well

Ayon kay Mocha Uson, dapat daw maging "wake-up call" sa ibang mga celebrity na "nagpapanggap" pa rin hanggang ngayon ang pag-amin ni Charice na siya ay isang tomboy.


Isa sa mga nagpahayag ng labis na katuwaan sa pag-amin ni Charice na isa siyang tomboy ay ang lead singer ng grupong Mocha Girls na si Mocha Uson.

Tweet ni Mocha last June 2: “Go Charice! It’s time for the other celebrities to stop pretending & just be proud of who they really are! #TEAMCHARICE”

(Read: Charice gets outpour of support from fellow celebrities on Twitter)

Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 si Mocha last June 4 sa kanyang condo unit sa Mandaluyong, sinabi nitong proud siya sa katapangan ng international singing sensation.

Saad niya, “Ayun, proud ako kay Charice.

“Kasi, una pa lang, hinahangaan ko na siya sa talent niya.

"At nung nag-out siya, nung nagpakatotoo siya, mas lalo ko siyang hinangaan.”

Isang proud bisexual si Mocha. Paano niya idi-differentiate ang sarili niya sa sexual preference ni Charice?

Sagot ni Mocha, “Tulad nang ginawa ni Charice, naalala ko nga ‘yan noong una akong umamin sa tao na ‘I’m bisexual, nagkakagusto ako sa girls, tsaka sa guys…’

“Kaya noong narinig ko yun, napanood ko siya galing sa kanyang sariling bibig na ‘tomboy po ako,’ sobrang natuwa po ako kasi alam niya kung sino siya at pinanindigan niya.”

Ano ba ang pakiramdam kapag hindi ka nagtatago, yung tipong wala nang tinatanong yung tao sa ‘yo?

Tugon ni Mocha, “A, masaya, kasi ano, e, malaya ka, e.

“Kaya nga sana maging wake-up call sa iba pang mga celebrity na nagpapanggap na…

“Kasi ano, hindi lang naman nila niloloko ang sarili nila, e, kundi pati yung fans nila.

“At ito naman yung paraan para yung ibang celebrities na nagtatago pa, nagpapanggap pa [na umamin na].”

May mensahe ba siya doon sa mga nagpapanggap?

Aniya, “Ang message ko sa mga nagpapanggap, ano, magpakatotoo na kayo kasi kayo din ang nahihirapan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Niloloko n’yo lang yung sarili n’yo, yung fans n’yo, hindi rin kayo masaya.

“Kaya tularan n’yo si Charice.

“Kilala siya internationally, pero hindi siya natakot na ipakita kung ano talaga siya, kung sino siya.

“At ngayon, di ba, mas masaya pa siya lalo?”



MGA ALAALA NG TAG-ULAN. Excited naman si Mocha sa kanyang bagong indie film para sa Cine Filipino, ang Mga Alaala ng Tag-ulan.

Makakasama niya rito bilang leading man ang Artista Academy runner-up na si Akihiro Blanco.

Ang pelikula ay kuwento raw ng “awakening” ng isang teenager na gagampanan ni Akihiro.

Saad ni Mocha, “Sobrang excited kami sa pelikulang ito, kami ni Akihiro Blanco, kasi magandang-maganda yung pelikula sa direksiyon ni Ato Bautista.

“At napakasarap na katrabaho ni Akihiro at ng iba ko pang mga co-stars dun, so kailangang talagang abangan nila ito.”

Noong Huwebes, June 6, ay nakunan na ang sexy scene nila ni Akihiro.

Sabi ni Mocha tungkol dito, “Kasi we save the best for last.

“Kaya mga ilang shooting days na naging comfortable na kami sa isa’t isa, so yung ano, maselang eksena, kumportable na kaming gawin.”

Ano ba ang masasabi niya kay Akihiro as leading man?

Sagot ni Mocha, “Grabe yung batang yun, very professional.

“So ako naman, hinahangaan ko siya dahil doon.

“Ito nga, inaabangan namin sa pelikula kung paano namin ito magagawa at paano namin ito maitatawid,” pagtukoy ni Mocha sa sexy scene nila ni Akihiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN