DSWD expresses interest in alleged domestic violence issue between Daiana Menezes and hubby Benjo Benaldo

Nagbigay ng instructions si DSWD Secretary Dinky Soliman sa regional directors ng National Capital Region at Cagayan de Oro na tulungan si Daiana Menezes sa problema nito. Ito ay sa kabila ng nagkaayos na si Daiana at ang asawa nitong si Benjo Benaldo.


Ipinahahanap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman si Daiana Menezes dahil nakarating sa kanya ang problema na kinasasangkutan ng Brazilian model/actress.

Nagbigay ng instructions si Secretary Soliman sa regional directors ng National Capital Region at Cagayan de Oro na tulungan si Daiana sa problema nito.

Nagkaroon ng interes si Secretary Soliman sa kaso ni Daiana dahil sa mga balita na biktima ito ng pang-aabuso.

Ang regional director ng Cagayan de Oro ang binigyan ng instruction ni Secretary Soliman dahil outgoing house representative ng CDO si Benjo Benaldo, ang asawa ni Daiana.

Ito ay sa kabila na nagkasundo na sina Daiana at Congressman Benaldo, base na rin sa statement na ipinadala ng kongresista sa media kahapon, June 13.

(Read: Politician Benjo Belando addreses alleged domestic violence issue with wife Daiana Menezes)

Ang mga cryptic message ni Daiana sa kanyang Instagram account tungkol sa iba’t ibang klase ng pang-aabuso ang naging dahilan para mabulgar na ikinasal sila ni Congressman Benaldo sa isang civil rites sa Las Vegas noong 2012.

Nakumpirma ng PEP na ikinasal sina Daiana Menezes Alves at Jose Benjamin Abrio Benaldo noong December 7, 2012.

Inirehistro noong December 14, 2012 ang kanilang civil wedding na may marriage certificate number na 201212030000792020.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN