Daiana Menezes disappointed with husband Benjo Benaldo for making her look “stupid”; admits she cannot control her emotions anymore

"He apologized to me personally, and he released a statement to the public. But when we aired our side together, in front of the public and everything, there was like no apologies at all. And that made me feel like I was the one who had the problem," reklamo ni Daiana Menezes tungkol sa interview nila ng mister niyang si Benjo Benaldo sa The Buzz nung Linggo.


Isang emosyunal na Daiana Menezes ang humarap sa panayam ni Ginger Conejero ng ABS-CBN News kahapon, June 18.

Naiiyak na sinabi ng Brazilian model na pinagmukha raw siyang “stupid” ng kanyang mister na si outgoing Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo sa interview nila sa The Buzz nung nakaraang Linggo, June 16.

“Sana, ma-realize niya na ginawa ko ’yan para sa ’yo. Pwede mo naman i-air out, e. Wala namang mali na magsabi na nagkamali ako. Nagkamali lang tayong dalawa. Pero huwag naman dumating sa punto na ako yung mukhang stupid, tanga o napakadaling mag-forgive,” ani Daiana.

Sa nasabing panayam sa The Buzz, mahigpit na pinabulaanan ng mag-asawa na may insidente ng domestic violence sa pagitan nilang dalawa. Humingi pa ng paumanhin si Daiana kaugnay ng mga nakakaalarma niyang Instagram posts.

(READ: Daiana Menezes admits controversial Instagram posts were uploaded just to get attention of husband Benjo Benaldo)

Sa interview naman ni Daiana kahapon, dismayado raw siya na hindi raw umaayon sa inilabas na statement ng asawa ang mga pinagsasabi nito sa The Buzz interview nila.

Ang tinutukoy na ni Daiana na statement ni Benjo ay ang public apology nito kung saan sinabi nitong nagkaayos na sila. Kinumpirma rin ng natalong congressman ng Cagayan de Oro na ikinasal na sila ni Daiana sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., nung December 2012.

(READ: Politician Benjo Benaldo addresses alleged domestic violence issue with wife Daiana Menezes)

Sabi pa ni Daiana, “I was very disappointed, because I exposed myself to the point na from Instagram post, into the whole interview thing, and all I wanted was the statement given by my partner would be consistent to what we saw on the camera and in the interview itself by Tito Boy [Abunda].

“It didn’t happen. A person was just beside me, blank, letting me come out matapang and giving the impression to the public that what I said was unreliable when in fact he already said sorry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLANK. Dagdag pa ni Daiana, “Wala man lang concern. I’m exposing myself to that and then wala, blank…”

"He apologized to me personally, and he released a statement to the public. But when we aired our side together, in front of the public and everything, there was like no apologies at all. And that made me feel like I was the one who had the problem.”

Patuloy sa pag-iyak si Daiana habang ibinubuhos ang sama ng loob sa kanyang panayam.

“I am just going through a phase that I cannot even control my emotions anymore. Because if my partner cannot support me on cam but just behind the camera, it will be really hard for me to move forward.”

Aminado si Daiana na nakakadama siya ngayon ng kaunting galit sa asawa dahil sa mga nangyari.

Lahad pa nito, “Whenever I get teary-eyed, at the end of the day, tama ba na ako pa yung mali? It happened na, e. I cover you up from the fight.

At katulad ng mga nauna niyang statement, hindi raw siya puwedeng magbigay ng detalye tungkol sa away nila ni Benjo.

“No matter what happened, I can never get into details, kasi ayoko na madamay yung tao dahil mahal ko siya. Pero gusto ko sana maintindihan ng mga tao na hindi lang ako gumagawa ng issue.”

A VICTIM OF ABUSE? “To clarify, I’m not the girl who cried wolf.”

Itinanggi kasi ni Daiana sa The Buzz interview nila ni Benjo na nakakaranas siya ng pang-aabuso. Ito ay sa kabila ng mga na-post niyang nakababahalang larawan na may mga salitang “no to violence against women,” “no to rape,” at isang kuha ng braso niya na may sugat pa siya.

Katuwiran niya tungkol sa mga na-post niyang mga larawan, “I was emotionally unstable at that time, and too depressed to express my feelings.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang isa siyang “biktima” sa isyung ito?

“I consider myself...puwede... Ayoko naman magsabi ng words na ’victim.’ Hindi, e. Parang ang hirap...

“Wala, it’s just really, really tough right now.

“It’s not something that involves just me and Benjo and my mom. It’s the public, it’s everyone bashing. It’s everything, e,” paghihimutok pa ni Daiana.

Kasama ni Daiana habang kinakapanayam siya, ang kanyang ina na si Adriana Alves.

Galing pa itong Brazil at pumarito sa Pilipinas para damayan siya sa problema nila ni Benjo.

Ani Daiana, ang ina raw niya ang labis na nasasaktan sa nangyayari sa kanya.

“She’s very hurt na parang, ’Bakit ganoon? Anak ko ’yan, e.’

“It’s just so hard for her din to accept because I’m the only child, and then she came over from the other side of the world, and then at the end of the day, [I’m] only 25, ’Bakit?’”

FILING FOR DIVORCE? Inamin naman ni Daiana na nagsisisi siya sa nangyaring pagkakaroon ng lamat sa relasyon nila ng asawa, kaya naman pinag-iisipan na raw niya ngayon ang pagpa-file ng divorce.

Lahad niya, “It’s one of the options, to divorce. Pero we were planning the [church] wedding, e. Parang napaka-contradicting sa isip mo na you’re planning to get married.

“So, I’m torn... Will I get into a divorce because of this fight and what people are telling me to do, or follow my heart? Yun ang hindi ko talaga mapi-figure out until binigyan nyo po kami ng space, ng time siguro.”

Paliwanag pa niya kung bakit nais pa rin niyang makasama ang asawa, “It’s just talagang love. Patawarin nyo ako kung in love ako. Sorry, blind siguro. Sorry, that’s life. It happens.”

Agad namang nagpaabot ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay dating Congressman Benjo Benaldo upang mahingi ang panig nito hinggil sa panayam na ito ni Daiana. Agad na ilalathala ng PEP ang pahayag ni Benaldo sa sandaling dumating na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN