Marian Rivera happy about positive outcome of her misunderstanding with Mother Lily

Bagamat madaling naayos ang anumang gusot sa pagitan nina Marian Rivera at Mother Lily monteverde, inamin ng aktres na nasaktan siya sa mga batikos na natanggap niya. Sabi ni Marian, “Hindi ko rin kasi alam kung paano ba ako magsisimula. Pero ang importante niyan, anuman ang nangyari sa akin, anuman ang naramdaman ko, ang importante, ngayong araw na ito, naging malinaw ang lahat sa mga tao."


Umpisa pa lang ng presscon ng pelikulang My Lady Boss kaninang tanghali, June 20, sa Imperial Palace Suites, ay sinabi na ni Marian Rivera na sasagutin niya ang lahat ng gustong itanong sa kanya ng mga imbitadong press.

Una na nga rito ang tampo sa kanya ni Mother Lily Monteverde dahil sa diumano’y pagtanggi ni Marian na gawin ang pelikula kasama si Judy Ann Santos para sana sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Naayos naman agad ang gusot na ito nang dumating si Mother Lily sa kalagitnaan ng presscon. Dito ay nagkapaliwanagan ang magkabilang panig at nagyakapan pa sa bandang huli.

(Read: Marian Rivera ends misunderstanding with Mother Lily Monteverde)

Sabi ni Marian tungkol sa pagkakaayos nila ni Mother Lily, “Wala na rin naman akong masasabi kasi naayos na ang lahat. Nalinaw ang lahat.

“At masayang-masaya ako na naliwanagan ang side ko.

“Kasi, mahirap para sa akin. Hindi ko alam kung saan magsasalita.

“At least, hindi na rin sa akin nanggaling.

“Nanggaling na rin kay Mother, kay Miss Roselle [Monteverde-Teo], kay Tito Alfie [Lorenzo].

“At least, maayos nang lahat ngayon.”

Nakakahinga na siya nang maluwag ngayon?

“Oo naman. Kasi ang hirap din ng maraming batikos na hindi ka makasalita.”



HURT BY THE ISSUE. Sa naging isyu sa pagitan nila ni Mother Lily, nasulat na umiyak diumano si Marian. Na-depress ba siya sa naglabasang isyu?

Tugon ni Marian, “Hindi naman na-depress. Na-hurt lang din ako.

“Hindi ko rin kasi alam kung paano ba ako magsisimula.

“Pero ang importante niyan, anuman ang nangyari sa akin, anuman ang naramdaman ko, ang importante, ngayong araw na ito, naging malinaw ang lahat sa mga tao—especially sa side ni Tito Alfie.”

Si Alfie Lorenzo ang talent manager ni Judy Ann Santos. Sinabi ni Alfie sa presscon kanina na si Judy Ann ang tumanggi sa proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At minsan pa ngang nilinaw ni Marian na hindi niya tinanggihan na makasama sa isang pelikula si Judy Ann.

“Hindi, hindi talaga.”

Tinanong din si Marian kung ano ang naging payo sa kanya ng boyfriend na si Dingdong Dantes at kung umiyak ba siya rito.

Sabi ni Marian, “Naku, ayoko nang pag-usapan ‘yang iyak-iyakan na ‘yan. Kasi, pagod na pagod na talaga ako!

“Ayoko nang pag-usapan and importante, maganda ang kinalabasan.

“Alam ko na ang mga tao, sumusuporta talaga sa akin.”

Pero ano ang naging payo sa kanya ni Dingdong?

Nakangiting sabi ni Marian, “Wala, nagdasal lang kaming dalawa na maging malinaw ang lahat at lumabas ang totoo... na yun naman ang nangyari.”



EMBARRASSED. May lumalabas din na tila may nagpapalala lang daw ng isyu sa pagitan nina Marian at Mother Lily. Ano ang masasabi niya rito?

Saad ni Marian, “Ay, siguro nagsalita na si Mother, nagsalita na si Ms. Roselle, si Tito Alfie sa side nila ni Judy Ann, siguro napakalinaw sa salita pang malinaw ang nangyari ngayong araw na ito at wala nang dapat ipaliwanag pa.

“Sana matapos na rin. Kasi, nakakahiya rin kay Ms. Judy Ann na nasasali siya sa promo.

“Hiyang-hiya talaga ako.

“Napakagaling niyang aktres. Tinitingala ko siya at lahat ng tao ay iniidolo siya sa kagalingan niyang umarte.

“Nakakahiya sa kanya na nadadamay siya rito. Parang, hiyang-hiya talaga ako.”

Nabanggit ni Marian na gusto na niyang planuhin ngayon ang mga proyektong gagawin. Saan nanggagaling ang desisyon niyang ito sa kanyang career?

Sabi ng aktres, “Maganda kasi na pinagpaplanuhan mo ang mga bagay-bagay na gagawin mo para maganda ang io-offer mo sa tao.”



FINALLY SHOWING. Sa isang banda, ang pelikulang My Lady Boss na noong April pa sana dapat naipalabas sa mga sinehan ay mapapanood na rin sa wakas sa July 3.

Aminado si Marian na may nerbiyos pa rin silang nararamdaman ngayong ipalalabas na ang pelikula nila ni Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman,” sambit ng Kapuso Primetime Queen.

“Naka-ilang delay nga kami para mapaganda ang pelikua at hindi naman namin ikakaila na napakaraming magagandang pelikula talaga. At meron na naman kaming kasabay ngayon.

“Pero siguro, ipag-pray na lang natin.

“Tulungan din kami ng mga tao na panoorin ang pelikula, siguro ganun na lang.”

Maipagmamalaki naman daw ang pelikulang muli nilang pinagtambalan ni Richard.

Ani Marian, “Oo naman at sigurado naman kami na lahat sila ay kikiligin. Sa trailer pa lang naman, nakikita na nila.”

Ang pagiging “boss” daw niya mismo ang challenge sa kanya sa pelikulang ginawa nila ni Richard.

“Yung pagiging boss at masungit!” natatawang sabi niya.



EAT BULAGA! HOST? Kinumpirma rin ng media kay Marian ang balitang magiging co-host na rin siya ng noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!.

“Hindi ko alam,” nakangiting sagot niya.

“Pero baka sa Saturday, e, mag-host ako kung kaya ko.

“Pero parang nahihiya akong mag-hosting. Testingin ko lang.

“Tingnan ko, hindi ko pa alam… depende.”

Naitanong din kay Marian kung posible bang makagawa rin siya ng pelikula kasama naman si Sarah Geronimo.

“Ay, gusto ko ‘yan!” bulalas niya.

“Gusto kong makatrabaho ang iba’t ibang artista sa ibang network.

“At alam ko na marami akong matututunan. Lalo na kapag magagaling talaga ang mga kasama ko.”



DENNIS AND RAFAEL. Kagagaling lang ni Marian sa U.S. para sa promo ng Temptation of Wife sa GMA Pinoy TV subscribers.

Kuwento ni Marian, “Sobang successful siya. Napakaraming Pinoy na nagpunta do’n.

“Nakakataba ng puso kasi makikita mo kung gaano pala kalawak ang GMA doon.”

Nandoon din sa U.S. sina Dennis Trillo at Rafael Rosell, na co-stars niya sa Temptation of Wife at mga kapatid niya dati sa Luminary.

Maging ang dati niyang manager na si Popoy Caritativo ay kasama rin sa trip na yun, pero balitang hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kumusta sila ng mga dati niyang “kapatid” na sina Dennis at Rafael?

Sabi ni Marian, “Ay, okay naman. Wala namang problema.

“Siguro, kung ano ang nangyari noon, natutuwa ako dahil walang namagitan kung anuman ang naging past.

“Ganoon pa rin sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN