Mother Lily to Marian Rivera: “Past is past. Let’s be together. Let’s work in harmony.”

Mother Lily (right) to Marian Rivera (center): “Marian, you are my daughter and I don’t want to rock the boat. Past is past. Let’s be together. Let’s work in harmony.”

Marian and Mother Lily was photographed here with Roselle Monteverde (left).


Nagbigay ng pahayag si Mother Lily Monteverde sa napabalitang hindi nila pagkakaunawaan ng contract artist ng Regal Entertainment na si Marian Rivera.

Kahapon, June 19, naibalita rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagtatampo ang Regal matriarch sa Kapuso actress dahil tumanggi umano itong gawin ang movie offer sa kanya ng Regal. Ang nasabing pelikula ay ilalahok sana sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

(Read: Mother Lily puts blame on Marian Rivera for not having MMFF entry this year)

Nang lumabas ang balitang ito, ani Mother Lily, “All the writers, they were calling me and saying, ‘Mother, bakit wala ka sa festival?’

“So, I was so depressed and I was so emotional, na I might as well just reveal and tell the truth.”

Aniya pa, dahil walang official entry ang Regal Entertainment sa 2013 MMFF, “Masyado akong nasaktan. I feel so depressed and I feel so sad.”

Nakipag-co-produce lamang ang Regal Films sa pelikulang Pagpag ng ABS-CBN Productions para sa taunang movie festival.

Kaninang tanghali, June 20, ay nagtagpo sina Mother Lily at Marian sa press conference ng pelikula ng aktres kasama si Richard Gutierrez, ang My Lady Boss. Sa pag-aari ni Mother Lily na Imperial Palace Suites ginanap ang presscon.

Co-produced naman ng GMA Films at Regal ang pelikula.

Dito ay naayos na ang problema sa pagitan nina Mother Lily at Marian

(Read: Marian Rivera and Mother Lily end misunderstanding)



SUPPORT REGAL’S MOVIE. Sa presscon ay binigyan ng pagkakataon si Mother Lily na ihayag ang kanyang nararamdaman.

Bukod sa paglalarawan ng kanyang damdamin, inihayag din ni Mother Lily ang kanyang matinding suporta para sa local movie industry.

Nakiusap pa siya sa entertainment media na suportahan na lamang ang My Lady Boss na ipalalabas na sa July 3.

Dagdag niya, “You know naman, things are hard now.

“Regal is like a roller coaster, ups and down, ganito-ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to survive that’s why sometimes I may issue post-dated checks.

“I’m a great pretender. I pretend that I am rich, but because I love the industry.”

Sa bandang huli ng kanyang pahayag, muling ibinaling ni Mother Lily ang atensiyon kay Marian upang tapusin na ang anumang di nila pagkakaunawaan.

Sabi ng film producer sa aktres, “Marian, you are my daughter and I don’t want to rock the boat.

“Past is past. Let’s be together. Let’s work in harmony.”



IT WAS JUDAY WHO DECLINED. Samantala, sa kalagitnaan ng press conference, nagsalita naman ang talent manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo.

Gamit ang mikropono, sinabi niya na ang kanyang alaga ang umayaw sa pelikulang pagbibidahan sana nila ni Marian.

Kuwento ni Alfiie, “Hinihingi namin ni Juday yung script. Gusto mabasa ni Juday yung script.

“Actually, si Juday yung tumanggi dahil wala yung script.

“Ikukuwento na lang daw, pero ayaw ni Juday.

“Gusto niya mabasa yung script para malaman niya kung ano ang ginawa niya kay Marian.

“Kasi, magkahawig doon sa Huwag Ka Lang Mawawala yung istorya nung gagawin sana nila.

“Sabi ni Juday, tingnan ko muna ang script.

“E, hindi maibigay ni Roselle [Monteverde-Teo, Mother Lily’s daughter], ang tagal ng script.

“Sabi ni Jun Lana, okay, ibibigay.

“Sabi naman ni Mother, kausapin na lang ni Jun Lana si Juday.”

Pagkatapos ay tinanong niya si Roselle na nasa tabi niya, “O, nasaan ang script?”

Dito ay hindi na naiwasan ni Roselle na ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari.

Aniya, “Actually, during the time when we talked with Judy Ann, she’d like to know whether Marian wants to do it.

“Actually, the one representing Marian was Rams David.

“They requested for another material na she like another solo star.

“’Yon lang naman, nothing against Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That statement came from [them], I really don’t know whether it came from Marian.”

Bilang pagtatapos sa isyu, nilinaw ni Alfie, “A, gusto ni Marian ng solo sa next project. Hindi naman pala binanggit ang project ni Judy Ann.”



MOTHER LILY’S FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ni Mother Lily kanina:

“What’s really important in my life is peace of mind. You know me, I’m a cancer patient.

“All these years that I’ve been... this is a series in my life because I’m also a movie fan and talagang mahal na mahal ko ang movie industry, especially the entertainment press.

“Sobrang mahal na mahal ko kayo plus, of course, even Marian and all my stars.

“This is the journey that I went through.

“Of course, there were ups and downs, parang round the clock going up and going down.

“But for me, ‘What am I doing here?’

“Feeling ko, I have to do something because my life, I don’t know when will I end my life.

“That’s why I also want to have a peace of mind, to be with everybody.

“Mahal ko kayong lahat.

“I don’t take opportunity to hurt people.

“This is just something that I feel in my heart, na mahal na mahal ko kayo.

“With this, what happened to this festival, masyado akong nasaktan. I feel so depressed and I feel so sad.

“All the writers, they were calling me and saying, ‘Mother, bakit wala ka sa festival?’

“So, I was so depressed and I was so emotional, na I might as well just reveal and tell the truth.

“I know that my movie is showing, you know that.

“Of course, please naman, don’t take this opportunity that when I say something, I mean well.

“Suportahan n’yo lang ‘tong pelikula ko because, you know naman, things are hard now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Regal is like a roller coaster, ups and down, ganito-ganito.

“I want to survive that’s why sometimes I may issue post-dated checks.

“I’m a great pretender. I pretend that I am rich, but because I love the industry.

“Then, all this series that I have the understanding with you, Marian, you are my daughter and I don’t want to rock the vote.

“Past is past. Let’s be together. Let’s work in harmony.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN