Vivian Velez on passing her throne as Miss Body Beautiful: "Una, dapat hindi gawa ang boobs. Kailangan, lahat original. So, kailangan imbestigahan. I mean, lahat..."

Hindi raw maikumpara ni Vivian Velez ang mga kabataang artista ngayon noong panahon nila. Sabi ni Vivian, “Malayo! Kasi pasaway kami noong araw, di ba? Yung individual... you know, it wasn’t important for us yung individuality namin noon. Siyempre, studio and network ano na sila, so they get whipped, everyone. And then, sa amin noon, hindi gano’n. Walang nagbabawal sa amin. At saka pag pasaway ka, mas sikat ka!"


Pagkatapos magbalik sa pag-arte ni Vivian Velez noong 2011 sa pamamagitan ng ABS-CBN primetime series na Imortal, topbilled by John Lloyd Cruz and Angel Locsin, mapapanood naman siya ngayon sa mini-series ng TV5 na Misibis Bay.

Makakasama ni Vivian dito sina Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Vin Abrenica, Andrea del Rosario, Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Malak So Shdifat, Luke Jickain, at Ritz Azul.

Ano ang nagpakumbinsi sa aktres na tanggapin ang proyektong ito ng TV5?

Sagot niya, “First of all, I wanna work with TV5. Kasi this is my first.

“Tapos the project, Misibis Bay, the story I mean and yung lugar.

"Kasi nung tiningnan ko yung Misibis Bay, oh, my god! Ang ganda-ganda ng lugar, di ba?

"Just the place alone, talagang ang ganda niya.”

Ang Misibis Bay ay isang world-class beach resort na matatagpuan sa isla ng Cagraray sa Bacacay, Albay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Vivian sa presscon ng Misibis Bay na ginanap sa Midas Hotel noong Martes ng gabi, June 25.

NO CONFLICT. Bukod sa Misibis Bay, may ginagawa ring teleserye ngayon sa ABS-CBN si Vivian—ang Pinoy remake ng Mexican telenovela na Maria Mercedes na pagbibidahan ni Jessy Mendiola.

Hindi ba magkakaroon ng conflict ang paglabas niya sa dalawang serye ng magkalabang istasyon?

“Wala naman,” mabilis niyang sagot.

“I mean, the conflict with the schedules, I’m communicating naman with ABS. So, they understood.

"Wala namang greed ang ABS.”

Magtatapat ba ang Misibis Bay at ang Maria Mercedes?

“Hindi... hindi siya magtatapat.

"Actually, we’re just starting to do the pilot [of Maria Mercedes]. Pilot pa lang siya, so hindi siya magtatapat.

“Saka definitely, matatapos ito [Misibis Bay]... six weeks lang ito.

"By the time na matapos ito..." papasok naman daw ang show niya sa ABS-CBN.

Dagdag ni Vivian, “Saka ang layo ng character ko e. Ang layo talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Chito [Roño, direktor ng Maria Mercedes] made sure na talagang it’s totally different.”

Marami ang natuwa sa pagbabalik ni Vivian sa pag-arte dahil nang masubukan niya uli ang magtrabaho sa harap ng kamera ay nagtuluy-tuloy na raw siya.

Paliwanag ng aktres, “Yun na nga… yeah, yeah.

"Pero nag-spacing pa rin ako. Meron pa rin akong spacing, like Imortal, hindi muna ako tumanggap [pagkatapos].

“Pero this year, mas active. Mas active ako.”

RITZ AZUL. Bilang magkasama sila ni Ritz Azul sa buong taping sa Misibis Bay, kinumusta ng PEP kay Vivian ang pakikipagtrabaho niya sa young actress. Nakita ba niya ang kaseksihan niya noong kabataan niya sa tinaguriang TV5 Princess?

Noong gawin niya kasi ang Imortal ay buong-ningning na sinabi ni Vivian sa harap ng press na nakikita niya ang kanyang kaseksihan noong araw kay Angel Locsin.

(Read: Vivian Velez all praises for Angel Locsin, disses Marian Rivera’s acting)

Sabi ni Vivian, “Hindi, idol ko pa rin naman si Angel.

“Number one ko si Angel. You know, acting-wise, beauty-wise, and everything, di ba?

“Si Ritz kasi, I mean, is just starting, di ba? Trying to get her footing muna.

“Si Angel, medyo malayo na.”

Ano ang nakikita niya kay Ritz na medyo may pagkakahawig sa kanya?

“Well… not more on attitude kasi si Ritz, medyo mas coy, mas mahinhin and all of that.

"Ako naman kasi, galing ako sa States and all of that—medyo aggressive, di ba?

“Pero yung nakikita kong mga roles na ibinibigay sa kanya, siya yun, nagiging sexy.

"Yung genre, di ba? Yung ginagawa niya ngayon.”

Ano ang masasabi niya sa young stars na katrabaho niya sa Misibis Bay?

“Lahat sila, you know, lahat ng mga young stars na nakakatrabaho ko, napaka-disciplined nila,” sagot ni Vivian.

Malayo ba sa kanila nung time nila?

“Malayo! Kasi pasaway kami noong araw, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung individual... you know, it wasn’t important for us yung individuality namin noon.

“Siyempre, studio and network ano na sila, so they get whipped, everyone. And then, sa amin noon, hindi gano’n.

“Walang nagbabawal sa amin. At saka pag pasaway ka, mas sikat ka!

“’Uy, nagawa niya yun?’ Mga gano’n!” natatawang pag-aalala ni Vivian sa kanyang nakaraan.

Binibigyan niya ba ng advice o pointers si Ritz kung paano nito iha-handle ang kanyang career?

Ayon kay Vivian, “Hindi kami nagkakausap Kasi, talagang... my god, ang dami naming scenes sa Misibis! Talagang punung-puno.

"I mean, the writers really work on the script. Talagang punung-puno.

"Wala kaming time, wala kaming pahinga.

“Si Ritz, grabe! Kumbaga, no complaint.

"Basta, shoot lang siya nang shoot hanggang madaling-araw.”

BOYET DE LEON. Sa ipinalabas na trailer ng Misibis Bay, may isang eksena na sinabunutan at inilublob ni Vivian si Ritz sa tubig.

Sinaktan ba niya talaga ito?

Sabi ng aktres, “May secret kami. Sabi niya, ’Ay, Ms. V, naalala ko pa nga na sinasabi mo, isa pa, isa pa...’ mga gano’n.

“I mean, may mga trick kami para hindi kami masaktan.

“Pero si Dan [Daniel Matsunaga], nasaktan nung brawl nila nung ano... nasaktan siya talaga, sugat siya.”

Kitang-kita naman sa trailer ang paggalaw ng mukha ni Christopher de Leon dahil sa lakas ng sampal ni Vivian.

Paliwanag naman ng award-winning actress tungkol dito, “Tinanong ko muna si Boyet [palayaw ng aktor], ’Ano, Boyet, gusto mong totohanin ito o hindi? ’

"’E, gusto kong magising!’

"’Puwes, sasampalin talaga kita!’ Yun, sampal kong buwelong gano’n.”

Pangalawang beses pa lang daw nilang pagsasama ni Boyet ang Misibis Bay. Ang una ay sa pelikulang Sampung Ahas ni Eva noong 1984 pa.

Natatawang kuwento ni Vivian, “Tapos, nagbilang kami kung sinu-sino na ang namamatay.

"Bilangan mo kung sino ang namatay sa sampu [leading men niya]... tatlo na lang ang natitira—si Juan Rodrigo tapos si Fanny Serrano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga bakla, matagal mamatay!” nagbibirong tukoy ni Vivian kay Fanny.

Bukod kasi kina Boyet, Juan, at Fanny, yumao na ang iba pa nilang kasama sa Sampung Ahas Ni Eva: Jay Ilagan, Johnny Delgado, Celso Ad. Castillo, George Estregan, Tony Santos Sr., Rodolfo "Boy" Garcia, at Paquito Diaz.

Nitong nakaraang eleksyon ay hindi pinalad na manalo si Boyet bilang congressman sa isang distrito ng Batangas.

Ramdam ba ni Vivian ay nadala ni Boyet sa taping nila ang hindi nito pagkapanalo?

Sabi niya, “After the election, eto na ang ginawa niya, e… wala, wala.

"Kasi yung lugar naman, Misibis... Sabi niya, ’Viv, ang suwerte naman natin, we’re not working.’

"E, totoo naman. Kasi, parang it’s a paid vacation, ha! Kumbaga, binayaran kami para magbakasyon.”

MISS BODY BEAUTIFUL. Bagamat nagsuot din ng bathing suit si Vivian sa ilang eksena sa Misibis Bay, hindi raw niya ibinigay nang todo ang kanyang kaseksihan.

“Puwede pa naman, pero baka kasi matalbugan ko si Ritz! Kailangan siya na lang muna!” natatawang biro niya.

Puwede pa bang mag-two piece ang isang Vivian Velez?

“Puwede pa naman, wala pa naman akong stretchmarks,” nakangiti sabi niya.

Pero parang wala pang ibang puwedeng pagbigyan ng titulong susunod na "Miss Body Beautiful"?

Umayon naman dito si Vivian at sinabing, “Oo nga, e, suwerte ko naman.”

Wala pa bang puwedeng pagbigyan nito? Wala pa bang mapili?

“Gusto ko na nga, e. Yun namang mga press ang nagbigay sa akin nun, e. E, di kayo lang ang puwedeng mag-transfer ng trono, di ba?

“Press lang ang puwedeng magbigay nun dahil kayo lang ang nagbigay nun,” sabi niya.

Kung siya ang papiliin?

“Well, marami akong criteria. Una, dapat hindi gawa ang boobs. Kailangan lahat original.

"So, kailangan imbestigahan. I mean, lahat...

"Saka yung sensuality. I mean, you know, body is body. Pero the way you move your head...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon ba siyang nakikitang pasok kahit sa dalawang criteria na binanggit niya?

“Hindi ko ano... mahirap magsalita.”

Paano niya name-maintain ang kanyang katawan?

“Wala naman... I mean, I’m overweight, definitely, ” pag-amin niya sa kanyang pangangatawan ngayon.

“Pero sa age namin, I think mas appropriate yun kaysa yung masyadong payat, di ba?

"Mas mukhang hindi ka mayaman, parang hindi contented.

"Kailangan nasa on the plump side, deliciously plump.”

Mahirap bang i-maintain ang taglay niyang stature, gaya ng kailangan palaging sexy at ma-appeal?

“E, kung ia-acting mo. E, hindi ko naman ina-acting, di ba?

"Kung ia-acting mo, nakakapagod. Pero kung hindi mo naman talaga in-acting..

“It’ s me!” bulalas niya na ang gusto niyang tukuyin ang pagiging natural na sexy at appealing sa mga lalaki.

LOVE INTEREST. Ang love interest ni Vivian sa Misibis Bay ay ang model turned actor na si Luke Jickain.

Gagampanan ni Luke ang role ng isang lifeguard sa resort na may lihim na relasyon kay Vivian.

Ikinatutuwa ni Vivian ang mga narinig na papuri sa kanya ni Luke noong nagsama sila sa Imortal.

Ayon sa model-actor, wala raw sa edad ni Vivian ang hitsura at karisma nito.

Sa tuwing dumarating nga raw ito sa set ay hindi puwedeng hindi mapansin ng lahat dahil sa lakas ng dating ng aktres.

Pinuri naman ni Vivian ang naobserbahan niyang qualities ng kapareha.

“Alam mo si Luke, sa lahat din sa kanila... although si Vin [Abrenica], meron din kaming mga eksena, with Luke din, of course... napaka-sensitive actor niya.

“I mean, giving him a chance, he will be one of those na talagang magaling siya, e.

"Nakikita ko siya, e, parang unconventional siya na parang si Johnny Depp na ganong tipo.

"Ganun ang nakikita kong deepness niya.”

Nabanggit ni Vivian sa presscon proper na may sexy scenes siya with Luke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw niya, “Well, suggestive. Alam mo naman nasa TV tayo kaya ayun.”

Itinanggi ni Vivian na na-intimidate sa kanya ang baguhang aktor. Biro pa nga niya, siya ang mas na-intimidate dahil sa pagiging "dalagang Filipina" niya.

Sinabi naman ni Luke sa interview ng press sa kanya sa story conference ng Misibis Bay noon na papasa pa rin sa kanyang standard ang beauty ni Vivian kahit malaki ang agwat ng edad nila.

Tanong naman ng PEP kay Vivian: Okey lang ba sa kanya na matawag na "cougar"?

Sagot niya, “Why not? Di ba? Ganun naman na talaga.

"At least, desirable pa rin, di ba? Who doesn’t wanna be desirable?

"Plastik naman kung sasabihin kong hindi.”

HAPPINESS. Masaya ba si Vivian sa kanyang personal life ngayon?

Tugon niya, “I’m happy. Everything, I’m happy.

"Yun nga ang sinasabi ko kanina, at least I’m still working.

"Nakukuha ko pa yung mga roles na gusto ko. Yun lang naman.”

Kailangan niya pa bang magtrabaho? Saan niya pa ba ilalagay ang kanyang mga pera?

“Naku, dalawa ang boys ko!" bulalas ni Vivian.

"Yung dalawang lalaki, kailangan may kotse.

"E, di ba, ang babae puwedeng walang kotse? Pero ang lalaki, kailangan may kotse.”

Ang dalawang anak ni Vivian ay sina Patrick, 18, at Daniel, 17.

Sa isang international school nag-aaral ang bunso niya at yung panganay naman ay kumukuha ng pre-med course sa isang unibersidad.

Wala raw planong pasukin ng mga anak niya ang showbiz, ayon kay Vivian, dahil hindi marunong mag-Tagalog ang mga ito.

Ito ay sa kabila na dito na sa Pilipinas lumaki ang mga anak niya.

Paliwanag ng aktres, “Talagang pinili kong dito. Kasi, ibang foundation ng Philippines, yung culture.

"Siyempre, mother doesn’t wanna let go.”

PARADISE INN REMAKE. Samantala, nabanggit ni Vivian sa interview ng PEP sa kanya noong magsisimula pa lang ang serye niya sa Kapamilya network na gusto niyang magdirek sa pelikula o sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya naiinggit sa mga baguhang direktor?

Sagot agad niya, “Soon! Soon... tinataymingan ko lang.

"Kasi nag-e-enjoy pa ako, e.

"Ang dami ko pang… plus may business ako, yung aircraft. So, marami pa.

“E, kasi, pag directing, hindi ka makakaupo, hindi ka makakahiga, di ba?”

Nabanggit din ng PEP kay Vivian ang pelikulang ginawa noong 1985 na nagbigay sa kanya ng acting award, ang Paradise Inn.

Dito ay nakasama niya ang beterana at mahusay na aktres na si Lolita Rodriguez, na ngayon ay naninirahan na sa Amerika. Idinirek ito ng yumao nang si Celso Ad. Castillo.

Napangiti si Vivian at saka kinumpirmang gagawan ng remake ang Paradise Inn, na iprinodyus niya noon.

Pagbibigay detalye niya, “TV5 is thinking about it... pinag-uusapan lang namin ngayon, e. Wala pang ano, e.”

Malaki ang posibilidad na si Vivian na ang gaganap sa papel ni Lolita Rodriguez, at ang napupusuan niyang magdirek ng proyekto ay ang anak ni Celso na si Chris Ad. Castillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN