Suicide notes and money found at Congressman Benjo Benaldo’s office, says source

"This is the money for my cremation please cremate... my death is for electoral reform sana mabago na sistema." Ito raw ang bahagi ng nakasaad na suicide note na natagpuan sa mesa ni outgoing Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo, asawa ng Brazilian model-TV personality Daiana Menezes.


May dalawang suicide notes at halagang P100,000 ang diumano’y nakita sa ibabaw ng mesa ng outgoing Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo matapos diumano nitong magtangkang magpakamatay kagabi, June 27, sa opisina nito sa Batasang Pambansa.

Ito ay ayon daw sa isang source mula sa Kongreso na nakausap ng ABS-CBN News.

Ayon sa nakausap nilang empleyado ng Batasang Pambansa, na ayaw magpabanggit ng pangalan, narinig nilang may putok ng baril sa opisina ni Benaldo bandang alas-otso ng gabi na sinundan ng sigawan ng mga staff nito.

Sabi ng source, "Nakita na namin siya duguan. Binuhat siya papalabas ng opisina.

"Minura ng chief of staff niya yung security, sobrang nataranta, di alam gagawin kaya sinakay siya sa sariling sasakyan, umuungol siya."

Ayon pa sa source, natagpuan din ang pera at dalawang suicide notes sa mesa ng kongresista.

Bahagi raw ng nakasulat sa suicide note ang mga sumusunod:

"This is the money for my cremation please cremate... my death is for electoral reform sana mabago na sistema."

Sa kuhang litrato ng Quezon City Police District (QCPD), nakita raw dito ang dugo at mga basyo ng bala mula sa baril na diumano’y tumama sa mambabatas.

Nauna nang napag-alaman na isang 9-mm pistol ang naiwan sa ibabaw ng mesa ni Benaldo.

Kahapon din ay sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte na nalungkot diumano si Benaldo sa pagkatalo nito sa nakaraang eleksiyon.

Sabi rin ni Belmonte sa isang statement, “Benaldo sustained a gunshot wound to the chest, which indicated he attempted to take his own life."

Nauna nang sinabi ng pulisya na walang foul play sa nangyaring insidente sa kongresista.

(Read: Police rule out foul play in Congressman Benjo Benaldo’s shooting incident)

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, lisensiyado naman daw ang baril ni Benaldo pero ang kanyang permit to carry ay napaso na noon pang Marso 22, 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa rin malinaw kung magsasampa ang pulisya ng kaukulang kaso laban kay Benaldo.

Samantala, sinabi naman ni House Sergeant-at-Arms Nicasio Radovan na bawal magdala ng baril sa loob ng Batasang Pambansa.

Aniya, "The congressmen are given the courtesy of not making them pass under the X-ray scanner and being bodily frisked.

"We rely on their being responsible and honorable personalities."

Irerekomenda raw ni Radovan na i-review ang nasabing polisiya tungkol sa prebilihiyong ito ng mga kongresista.

Ipinag-utos na rin ni Speaker Belmonte ang masusing imbestigasyon sa insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN