Makati court finds Baron Geisler guilty of acts of lasciviousness; Baron’s camp to appeal decision

“We are appealing the decision of the lower court. There is no final decision yet. Under the law, Baron is still presumed innocent,” stated Baron Geisler’s legal representative Atty. Carlo Bonifacio Alentajan about the guilty charge of the lower court on the “acts of lasciviousness” case filed against the actor.


Nagpaplanong iapela ng kampo ni Baron Geisler ang desisyong "guilty" ng Makati City Metropolitan Trial Court sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa aktor ni Patrizha Martinez, anak nina William Martinez at Yayo Aguila.

(Read: Baron Geisler pleads not guilty to acts of lasciviousness)

Lumabas ang balita tungkol sa desisyon ng mababang hukuman ngayong hapon, July 1.

Ayon sa ulat, si Baron ay hinatulan ng korte ng anim hanggang dalawang taong pagkakakulong at pinagmumulta ng P30,000 para sa moral damages.

Samantala, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Baron tungkol sa balitang ito.

Subalit pinayuhan umano si Baron ng kanyang legal counsel na huwag munang magbigay ng anumang statement tungkol dito.

Sa halip, sa isang maikling statement na ibinigay ng legal representative na si Atty. Carlo Bonifacio Alentajan sa PEP, sinabi niya ang susunod na hakbang ng kanilang kampo.

“We are appealing the decision of the lower court. There is no final decision yet,” ani Atty. Alentajan.

Nabanggit din niya na mahabang proseso pa ang maaaring itakbo ng kasong ito.

Sa kabila ng desisyon ng mababang hukuman, idiniin ni Atty. Alentajan, “Under the law, Baron is still presumed innocent.”

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ipalabas ni Patrizha o ng kanyang mga magulang na sina Yayo at William tungkol sa balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN