Arci Muñoz has found her match in Undercover co-star Derek Ramsay: "Magkapareho kasi kami na weirdo."

Magaan ang pakikipagtrabaho ni Arci Muñoz sa co-star niya sa Undercover na si Derek Ramsay dahil magkasundong-magkasundo raw sila. Sabi ni Arci, “He’s so humble and very approachable. Kasi baligtad yun sa impression ko sa kanya before. Kasi ang iniisip ko dati, baka suplado or snubbed. Pero it’s the opposite. Sa lahat ng yun, as in kalog, laidback, sobrang simple. Kaya nga kami magkasundo, e.”


“Baliw” ang paglalarawan ng Kapatid Princess na si Arci Muñoz sa kanyang leading man at bida ng bagong aksyon-serye ng TV5, ang Undercover, na si Derek Ramsay.

“Mas baliw” naman ang paglalarawan ni Derek kay Arci.

Bagamat first time nilang magkatrabaho bilang magkapareha sa isang serye, ganun na raw sila ka-close para tawagin o ilarawan ang isa’t isa nang ganun.

Saad ni Arci, “Si Derek, baliw iyan, e. Magkapareho kasi kami na weirdo. Para siyang bata minsan.

“Feeling ko nga, nakahanap ako ng katapat ko kay Derek pagdating sa kabaliwan kaya siguro nagkakasundo kami.

“First time ko siyang katrabaho, pero sobrang close na namin. Pinag-jive kami agad kasi pareho kaming kalog.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa taping ng Undercover last week.

Una raw silang nagkakilala nang magkatabi sila sa eroplano papunta sa isang provincial show ng TV5.

Lahad ni Arci, “Nagkakuwentuhan kami. Parag lahat nasabi ko na. Parang ang gaan na agad ng pakiramdam ko.

“Pero siyempre, hindi pa kami ganito na nag-aasaran kami, naghahabulan kami.”



READY TO BE LINKED BUT NOT TO BE IN LOVE. Mabait at maalaga raw si Derek bilang leading man.

“Kahit na baliw siya, sasabihin ko na gentleman si Derek. Sobrang maalalay at maalaga,” sabi ni Arci.

Lahat ng nagiging leading lady ni Derek ay nali-link sa hunk actor, siya ba ay handa na sa ganun?

Sagot ng young actress, “Ewan ko sa amin, ha.

“Siguro ako yung kakaiba sa lahat ng leading lady niya. Tanungin n’yo siya.

“Ang dami naming bloopers. May eksena kami nag-kiss tapos…

“Kasi ang eksena, may kama, so parang hihiga pagka-kiss kasi ini-imagine niya ako habang nakakulong siya, e.

“Ang alam ko talaga, nandun yung kama. So, nakapikit nag-kiss, wala pala doon [yung kama], so bumagsak ako!

“Pero sinalo ako ni Derek. O, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang kiss ni Derek?

“Wala lang, kiss lang!” sabay tawa ni Arci.

“Si Derek naman, di ba, universal leading man siya kaya sanay na siya sa ganun?

“Siya talaga ang nagdadala pagka ganun.”

Posible kayang magka-inlaban sila ni Derek dahil magkasundo nga agad sila?

“Ay, hindi po,” sabi ni Arci.

“Kahit po crush niya ako… hindi biro lang po. Sa pangarap ko lang po iyon.

“Ayoko pong magsalita ng tapos, pero sa ngayon po talaga, magbarkada lang ang tinginan namin ni Derek.”

What’s the best thing about Derek?

“He’s so humble and very approachable.

“Kasi baligtad yun sa impression ko sa kanya before. Kasi ang iniisip ko dati, baka suplado or snubbed.

“Pero it’s the opposite. Sa lahat ng yun, as in kalog, laidback, sobrang simple.

“Kaya nga kami magkasundo, e.”



WANTS TO DO ACTION. Action daw ang Undercover pero isang ballet dancer ang role ni Arci bilang si Julia.

Siya ang girlfriend ni Roy Velasco (Derek) at nakatakda na sana silang ikasal pero ipina-kidnap si Roy ng isa sa mga nakabangga nito bilang undercover police at criminal investigator.

Anim na taong mawawala si Roy at dahil sa pag-aakalang patay na ito ay ikakasal si Julia sa kapatid ni Roy na si Alex (Wendell). Kaya naman sa pagbabalik ni Derek ay doon na iiral ang love triangle sa kanilang tatlo.

Bagama’t may love angle daw ang Undercover ay punung-puno raw ito ng aksyon.

Kaya nga umaasa si Arci na magkaroon siya ng action scenes sa serye.

“Gusto ko nga, e. Dati ko pang gusto yung action, di ba? Lalaki ako, e,” biro ni Arci.

Nami-miss na raw kasi niyang gumawa ng mga maaaksyong eksena gaya ng ginawa niya noon sa pinagbidahan niyang seryeng Felina: Reyna ng mga Pusa.



MISSING WILLIE AND WOWOWILLIE. Totoo ba na ang pagiging busy niya sa Undercover ang dahilan kaya iniwan niya ang noontime show na Wowowillie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Arci, “Pinagpaalam naman po nang maayos.

“Kasi may contract ako with TV5, so kung anuman ang sabihin nila, siyempre priority ko yung soap talaga kasi ibang production yung kay Kuya [Willie Revillame].

“Pero siyempre, nami-miss ko kasi masaya ring mag-host, e. Na-miss ko siyempre kasi araw-araw kong ginagawa yun.

“Pero yun nga, bigla akong nagkaroon ng show. Nami-miss ko rin si Kuya Willie.”

Hindi niya raw personal na nakausap si Willie tungkol sa kanyang pag-alis sa show.

“Hindi po, e. Pero dadalawin ko sila kasi nandun pa yung mga gamit ko, e, nasa dressing room pa namin.”

Kung si Arci daw ang masusunod, ayaw niya pang tuluyang iwan ang Wowowillie.

Sabi niya, “Ayoko pa munang umalis, sabi ko. Kung kaya naman, kung kaya pa [bumalik].

“Pero sila ang bahala, sina Tita Annabelle [Rama, her manager], kung ano po ang mapag-usapan nila.

“Inaayos pa po nila yung schedule.”



ATE GAY ISSUE. Wala na raw sa Wowowillie si Arci noong magkaroon ng isyu tungkol sa pag-alis ni Ate Gay, isa sa mga co-host ng show.

Dahil umano ito sa hindi siya sinabihan ng production staff na hindi siya ang finale sa “Mini-Konsiyerto” segment ng show at napunta ang finale sa guest na sina Joy Viado at Cacai Bautista.

(Read: Ate Gay will not return to Wowowillie because of his "tampo" with the production staff)

Sabi ni Arci, “Hindi ko talaga alam na umalis siya. Wala akong alam, hindi po ako nakakapanood, e.”

Pero ano ang naging reaksiyon niya nang makarating sa kanya ang balita?

“Ngayon ko lang nalaman. Siguro wala pa po akong masasabi sa ngayon kasi wala pa naman po akong alam about it.”

Lumalabas kasi sa balita na tila nagkaroon na ng attitude o professionalism problem si Ate Gay. Noong nasa show pa ba siya ay may naranasan siyang ganito kay Ate Gay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman, kasi lahat po kami close, e. Wala namang ganun, e,” sabi ni Arci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN