Veteran actress Ama Quiambao passes away at 66

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Amable "Ama" Quiambao kagabi, July 5, isang linggo matapos siyang mag-collapse habang nagtatanghal sa entablado. Siya ay 66.


Pumanaw na ang veteran actress na si Amable "Ama" Quiambao.

Binawian ng buhay ang movie-television-theater actress kagabi, July 5, sa edad na 66.

Kinumpirma ng mismong kapatid ni Ama na si Lui Quiambao-Manansala ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account:

“My sister Ama Quiambao passed away peacefully at 8:09 p.m. on Friday, July 5, 2013. She was surrounded by all members of her family and close relatives. Let us pray for the eternal rest of her soul.

“The wake will be held at Arlington in Araneta Avenue. Details will be announced later. Let us all remember Ama with fondness as a colleague, a mentor and a friend.”

Noong June 28, Biyernes ng hapon, nag-collapse ang beteranang aktres habang nagtatanghal sa entablado para sa dulang Pamamanhikan, isa sa mga entry sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Isinugod si Ama sa San Juan De Dios Hospital, Pasay City, kung saan nalaman na inatake siya sa puso.

Nang mag-stabilize na ang kanyang kundisyon ay inilipat siya sa Intensive Care Unit (ICU) ng Capitol Medical Center, Quezon City.

Ngunit nanatiling comatose ang aktres hanggang sa tuluyan na siyang bawian ng buhay.

(Read: Amable Quiambao’s family asks for prayers and financial help after veteran actress suffered "heart attack")

Mula sa teatro ay ginawa ni Ama ang kauna-unahan niyang pelikula noong 1982, ang Himala ni Ishmael Bernal. Gumanap siya rito bilang isa sa matapat na tagasunod ng faith healer na si Elsa, na ginampanan ng Superstar na si Nora Aunor.

Nagkataon din na ang huling pelikulang natapos ni Ama ay kasama rin niya si Nora, ang Ang Kwento Ni Mabuti. Entry ito sa CineFilipino ngayong taon.

Noong nakaraang taon, 2012, natanggap ni Ama ang kanyang kauna-unahang Best Actress award mula sa Cinemalaya para sa pagganap niya sa indie film na Diablo.

(Read: Veteran actress Ama Quiambao wins her first acting award)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN