Kris Bernal explains why she is not yet ready to commit to Carl Guevara

Kris Bernal on Carl Guevara: “Friendship is going strong, but hindi naman ako parang sasabihin ko na walang something sa amin ni Carl… special siya sa akin. But I’m not saying also na we’re committed. It’s just that I enjoy the friendship. I enjoy the company."


Consistent sa pagsasabi si Kris Bernal na wala pa silang relasyon ng nali-link sa kanyang aktor na si Carl Guevara.

“Happy naman ako,” maiksi niyang sagot nang kamustahin ang kanilang “pagkakaibigan.”

Dagdag ni Kris, “Friendship is going strong, but hindi naman ako parang sasabihin ko na walang something sa amin ni Carl… special siya sa akin.

“But I’m not saying also na we’re committed.

“It’s just that I enjoy the friendship. I enjoy the company.

“Siya yung parang labasan ko ng sama ng loob.

“I think every person needs that na nandiyan para sa ‘yo.”

Samantala, very vocal naman si Carl sa pagsasabing mahal na niya ang dalaga.

(Read: Carl Guevara cites reasons why he fell in love with Kris Bernal)

Ayaw ba ni Kris na mag-commit dahil hindi pa siya ready?

Sagot niya, “Para kasing ang cliché nang masyado ng ‘I’m not ready yet.’

"Pero masasabi ko it’s not yet the right time and gusto kong subukan, pero sa dami ng iniisip ko... ang dami ng priorities ko kasi.

“Siyempre, you also have responsibilities—in my family, may responsibilidad ako sa trabaho ko.

“Kahit wala akong soap, I take workshops, I do the groceries, I do the household chores.

“Andami kong iniisip, so ganun.

"Siguro yun ang focus ko talaga.

Dagdag pa ng StarStruck 4 winner, “Marami akong nakalimutan, marami akong napabayaan.

“Ngayon, I wanna focus on myself and yung mga taong nandiyan para sa akin.”

ON WEIGHT LOSS. Marami ang nakakapansin sa muling pagpayat ni Kris.

Pero paglilinaw niya, hindi siya nagpapayat at hindi rin daw pagod ang dahilan.

“Sa totoo nga, hindi naman masyadong busy ang schedule ko.

“Wala pa naman akong soap; hindi pa naman nag-i-start.”

Ang susunod na TV project ni Kris ay ang Prinsesa ng Masa na nakatakdang ipalabas ngayong Setyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Kris sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, “Sa totoo lang, maniwala man sila o hindi, ang lakas ko talagang kumain.

“Yung mga friends ko, si Aljur [Abrenica], mga witnesses ko ‘yan.

"Malakas talaga akong kumain, wala talaga akong restrictions.

“I don’t go to gym, I don’t have a regular exercise.

"So I guess yun lang talaga ang frame ng katawan ko—I really don’t get fat.

“Maybe because my mom is also skinny, parang genes na lang.”

Dahil nga marami ang nakakapansin sa kapayatan niya, tinanong ng PEP si Kris kung hindi ba siya nababahala.

Sagot niya, “Bothered ako kasi I really wanna gain weight, kasi yung waist ko ang liit. It’s ranging from 22 [inches] to something.

“Kumakain na lang ako nang kumakain.

“Titingnan ko kung nag-gain [ako ng weight].

“Nag-gym nga ako dati for weight gain, pero it didn’t work also.

"So, yun lang, parang wala ganito na talaga.”

Dagdag pa ni Kris, hindi siya mahilig sa gulay at madalas ay karne—gaya ng pork at beef—ang madalas niyang kainin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN