John "Sweet" Lapus understands Vice Ganda’s depression

May theory si John Lapus kung bakit madaling tamaan ng depression ang mga bakla na tulad niya: "Kasi tayong mga beki, nasanay na tayo na tayo ang nag-e-entertain, di ba? Ang nangyayari, bigay tayo nang bigay ng positive energy pero walang pumapasok sa atin. Kaya nadi-depress tayo agad. Ang bakla, walang mga angels, walang dyowa [boyfriend]. Minsan nga may dyowa na, e, nadi-depress pa. Tayong mga bakla, malapit tayo sa family. So, kadalasan, tayo ang naatasan na to take care of our


Naiintindahan ni John “Sweet” Lapus ang pinagdaanang depression ng kaibigan at kapwa niya komedyante na si Vice Ganda

Maging siya man daw ay pinagdaanan ito, lalo na noong panahong wala siyang trabaho at hindi niya alam kung ano ang kanyang patutunguhan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet sa taping ng Talentadong Pinoy sa Broadway Centrum kahapon, July 9, ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa pinagdaanan ng kanyang kaibigan.

(Read: Vice Ganda reveals going through depression)

Ayon kay Sweet, "Totoo yun. Lalo na si Vice, nasa late 30s na siya, normal na pagdaanan niya ang depression.

"Sabi ko nga sa kanya, pinagdaanan ko na rin’yan. Tapos, lilipas din ’yan.

"Sabi ko nga sa kanya, ’Mabuti ka pa nga nung panahon na nadi-depress ka, ikaw ay financially stable. So, marami kang puwedeng gawin para maka-move on ka sa depression mo.’

"Di ba, sa case niya, nakipag-bonding siya sa pamilya niya, sa lolo niya? Nag-out of town sila ng buong pamilya. Dinala niya lahat ng kaibigan at pamilya niya sa Boracay.

"Ako, noong na-depress ako, nakakulong lang ako sa bahay… sumagi na sa isip ang mag-suicide. Yung mga ganun.

"E, ano ang gagawin mo?

“At the end of the day, sa tulad kong nadi-depress, pero walang financial means to help you fight your depression, dasal lang talaga ang katapat.

"Libre lang ang pagdadasal at humingi ng guidance sa Panginoon."

Tama nga raw ang naging aksiyon ni Vice na ipunin ang pamilya at mga kaibigan nito at magpakasaya para maibsan ang kanyang sobrang kalungkutan.

Sabi pa ni Sweet, "Tama yung ginawa ni Vice—ang bigyan ng oras ang mga taong he loves so much and love him back as well.

“Yun ang importante.

"Ang nangyayari kasi, pinalilibutan natin ang ating sarili ng mga taong mahal natin pero hindi natin alam na hindi pala tayo mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka kailangan lang tayo dahil nililibre natin ng bakasyon o ng hapunan… hindi natin alam, di ba?

“So, yun lang naman yung disadvantage."



DEPRESSION AMONG GAYS. Ibinahagi rin ni Sweet ang kanyang opinyon kung bakit madaling tamaan ng depresyon ang mga bakla.

Sabi niya, "Kasi tayong mga beki, nasanay na tayo na tayo ang nag-e-entertain, di ba?

"Ang nangyayari, bigay tayo nang bigay ng positive energy pero walang pumapasok sa atin. Kaya nadi-depress tayo agad.

"Ang bakla, walang mga angels, walang dyowa [boyfriend]. Minsan nga may dyowa na, e, nadi-depress pa.

"Tayong mga bakla, malapit tayo sa family. So, kadalasan, tayo ang naatasan to take care of our family—mga kapatid, pamangkin.

"Dahil dito, parang napi-pressure ang mga bading, nabi-burden ang iba.

“Kaya kahit si Vice, pinagdaanan nga ’yan.

"Kahit ako, ang maganda sa akin kasi, number one, maaga kong pinagdaanan ’yan.

“Number two, kahit hindi ako financially stable nang mangyari yun, mayaman naman ako sa kaibigan."

Nagkuwento rin si Sweet sa karanasan niya noon tulad sa pinagdaanan ni Vice lately.

"Dyusko, almost twenty years old ako nang atakihin ng depression! College ako noon.

"Tapos, nasa 30s ako ang sumunod. Seven years ago yun kasi naging jobless ako, di ba?

"Yun ang phases sa buhay ko na nalusutan ko naman.

“Ilang beses na rin akong na-depress kaya sabi ko, ’Kung mag-strike three pa, tama na.’

"Ipinagdarasal din kasi ’yan.

“Kasi ako, ilang beses ko na ngang pinagdaanan kaya mas matibay na ako ngayon."

Nabanggit din ng PEP kay Sweet ang kagustuhan ni Vice na mag-lie low sa trabaho niya next year. Ito raw ay para bigyan ng panahon ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay.

(Read: Vice Ganda plans to “slow down” next year)

Pagsang-ayon ni Sweet, "Tama naman yun.

“Sa case niya kasi, sa dami niyang work ay hindi na niya naa-appreciate ang mga perang kinikita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To be with his friends… Si Vice kasi, ang mga kaibigan niya ay mga staff rin niya.

“Paano naman yung iba pa niyang mga kaibigan?

"Tulad ko, puwede naman niya akong dalhin sa Boracay, okay naman ako, lalo na ngayon na mas nakakaluwag-luwag siya sa akin," pagbibiro pa niya.



ASKED FOR HIS BLESSING. Nalaman din ng PEP mula kay Sweet na nagkita sila ni Vice sa White Party ng LGBT community sa Malate noong July 6.

Ang White Party ay isang free street party para sa miyembro ng LGBT na laganap sa buong mundo.

Kuwento ni Sweet, "Ay, oo. Hiningi niya sa akin yung blessing ng movie niya na pang-Metro Manila Film Festival ‘ata.

“Kasi, originally ay ako yun.”

Ang tinutukoy ni Sweet ay ang MMFF entry this year na Girl Boy Bakla Tomboy.

"Sabi ko sa kanya, ’I’m not only giving my blessing but I’m willing to be a part of it.’

“Kinausap ko talaga si Direk Wenn [Deramas] at sabi ko na willing akong maging kontrabida ni Vice.

"Ako, I’m willing to give my love and support to Vice para matigil na yung mga taong nang-iintriga sa amin."



LESSON LEARNED. Isa pa raw dahilan ng depression ni Vice ay ang sunud-sunod na intriga sa kanya na may kinalaman sa naging pahayag o biro niya kina Senator-elect Nancy Binay at newscaster Jessica Soho.

Pahayag ni Sweet, "Sabi ko nga, dumaraan talaga ‘yan.

“Ang sabi ko nga sa kanya, ’With great power comes great responsibility.’

"Siguro, yung nangyari kay Vice, kung yung concert niya [I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta] ginawa lang sa maliit na venue, siguro paki naman ni Jessica Soho.

"Ang problema, sa Araneta [Coliseum] ginawa, merong pay-per-view, kaya sobrang dami ang nakapanood.

“Siguro kung sa maliit na venue, care naman nila.

"But at least, he has learned his lesson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, alam na niya kung saan ang puwede... when to stop.

“Matalinong tao si Vice.

"Masyado lang siyang nao-overwhelmed and I’m pretty sure na wala naman sa intensiyon niyang i-discredit si Jessica Soho.

"Kasi nga, minsan pinapansin ko rin sa Punchline [comedy bar] ang weight niya [Jessica], pero yung sa kanya [Vice] kasi, na-overwhelmed lang talaga.

"Kasi kaming mga bakla ay ginagawa din namin ’yan sa set namin, e.

“Pero kasi kung kami, kami kunyari ang ginahasa."

Si Sweet ay dumaan din daw sa ganitong butas ng kontrobersiya.

Pagbabalik-tanaw niya, "Ako noon, na-Jessica Soho din ako.

“Remember yung kay Lyn Ching [GMA-7 host]? Noong nasa Cristy Per Minute pa kami?

"Di ba, naging favorite ko si Lyn Ching coz of her weight to the point na si Lyn Ching, umiiyak.

"At yung common friends namin, sinasabihan na ako na tigilan ko na raw.

“E, sa akin, trabaho lang naman yun.

"Siyempre, yung segment ko ay ’Prangkahan,’ so dapat prangka ako diyan na hindi ko na naiisip na si Lyn Ching pala is also a human being—meron siyang puso at damdamin at meron siyang pamilya na nasasaktan din at the same time.

"Yung mga ganung bagay, to the point that si Lyn Ching ay gumanti siya at sa segment niyang ’ETChing,’ ang ginawa naman nila, fineature [featured] naman nila lahat ng inokray ko.

"Na parang pinalabas nila na isa akong masamang bakla… mapanlait akong tao.

"At least, si Vice, nag-apologize; ako, hindi ako nag-apologize nung mga panahon na yun.

“Nag-resign na lang ako—that’s what I did."

Lesson learned din naman ito sa kanya.

Sabi ni Sweet, “Ay, siyempre. Kasi parang ang feeling ko no’n, lahat ng tao ay galit sa akin.

“Na-realize ko din naman na kailangan pala maging… alam mo yun, yung kailangan maging sensitive din talaga tayo sa feeling ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi porke’t trabaho at magpapasaya sa maraming tao, sige lang nang sige.

“Kailangan din talaga na maging concerned din tayo sa magiging reaksiyon ng mga taong nagmamahal sa kanya at sa damdamin niya mismo.

"Minsan, nakakalusot pa din ako sa mga biro ko, lalo na sa shows ko, pero I make sure na medyo-medyo na lang.

“Yung matatawa na lang siya at hindi nila pagtatawanan o maging katatawa-tawa na makaka-offend ka talaga.

“Magkaiba kasi yun, di ba?

"Siyempre, nag-mature na rin ako. Mas subtle, mas less na yung pang-aano ko.

“Pero nandun pa rin yung entertainment value."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN