Bong Revilla, Jinggoy Estrada, three other senators allegedly involved in pork-barrel scam

Kabilang sa mga diumano’y ginamit ang kanilang pork barrel sa bogus projects ay sina (mula kanan) Senators Ramon “Bong" Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., at Gringo Honasan.


Limang senador at 23 kongresista ang diumano’y naglagak ng kani-kanilang pork-barrel funds sa sinasabing ghost projects ng dummy non-government organizations, na umabot sa halagang P10 bilyon sa nakalipas na 10 taon.

Ito ay ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong araw, July 15.

Ang impormasyong ito ay galing daw sa dokumentong isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa dokumento, si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ang nangunguna sa listahan ng mga mambabatas na ginamit diumano ang kanilang pork barrel sa nasabing scheme na ibinunyag umano ni Janet Lim-Napoles, president at chief executive officer ng JLN Corp., isang trading firm.

Ibinigay raw ni Revilla ang access sa kanyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel nang 22 beses sa nasabing firm na dummy NGOs na binuo ni Napoles at nakarehistro sa Securities and Exchange Commission.

Sumunod kay Revilla sina Senator Juan Ponce Enrile (21 beses); Senator Jinggoy Estrada (18 beses); Senator Ferdinand "Bongbong
Marcos Jr, (apat na beses); at Senator Gringo Honasan (isang beses sa maliit na halaga).

Ayon sa pangunahing whistle-blower na si Benhur Luy, dating empleyado ni Napoles, hindi kabilang si Senator Loren Legarda sa nasabing scam taliwas sa mga naunang report.

“There was an attempt, but I heard she was dropped because she scrutinized it and she was very keen on receipts,” sabi ni Luy.

Iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero ang pagkakasangkot nina Senators Revilla, Estrada, at Enrile sa paggasta ng kanilang pork barrel sa bogus organizations.

(Read: COA says Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, and Bong Revilla used pork barrel for bogus organization)

Ang pork barrel o PDAF ay ang pondong ibinibigay sa mga mambabatas na galing sa buwis ng mga mamamayan, na siya namang ginagamit ng mga mambabatas para sa government projects.

Gayunpaman, gaya ng mga nakalipas na taon, patuloy pa rin ang pagiging kontrobersiyal ng pork barrel dahil ito umano ang nagiging ugat ng korapsiyon sa mga mambabatas; na sa halip na ilaan ang pondo sa pagsasagawa ng mga government projects ay ibinubulsa umano ang malaking bahagi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isang senador ay may P200 milyon para sa kanyang pork barrel kada taon.


SENATORS’ REACTIONS. Bilang reaksiyon sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa diumano’y scam, sinabi ni Senator Estrada na magbibigay siya ng komento kapag napag-aralan na niya ang affidavits na nasa pangangalaga ng NBI at pagkatapos niyang pag-aralan ang sitwasyon.

Nanawagan naman si Estrada na paimbestigahan ang nasabing isyu upang alamin kung sinu-sino ang mga nakinabang.

Hindi naman nakunan ng pahayag sina Enrile at Revilla nitong weekend, subalit inaasahan na magbibigay sila ng kanilang panig hinggil sa isyu.

Nauna nang sinabi ng tatlong senador na naglabas sila ng kani-kanilang pork barrel funds para sa agriculture projects, subalit itinanggi nila na may alam sila na bogus organization ang humawak ng proyekto.

Nanawagan din ang tatlong mambabatas sa Department of Agriculture na idetalye kung paano ginastos ang nasabing PDAF funds mula 2009 hanggang 2010.


23 HOUSE REPRESENTATIVES. Bukod sa limang senador, 23 kongresista rin ang diumano’y sangkot sa pork-barrel scam.

Nangunguna sa mga ito si Rizalina Seachon-Lanete ng third district ng Masbate, na 13 beses umanong hinayaang magamit ang kanyang pork barrel; sumunod si Conrado Estrella III ng 6th district ng Pangasinan at Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur (parehong siyam na beses); at Samuel Dangwa ng Benguet (walong beses).

Kung P200 milyon kada taon ang budget ng bawat senador para sa kanilang pork barrel, may P70 milyon kada taon namang pondo ang bawat kongresista.

Subalit ang mga “favored senators and congressmen” ay nakatanggap umano ng mas malaking halaga noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakasaad din umano sa batas na nasa discretion ng mambabatas kung paano niya gagastusin ang pondo niya sa pork barrel.

Sa dokumentong nakalap ng Inquirer ay nag-"download" umano si Enrile ng P111 milyon ng kanyang pork barrel fund sa tatlong dummy NGOs sa loob ng isang araw. Sa nasabing pondo, P35 milyon umano rito ang napunta sa Napoles NGOs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa listahan ng whistle-blower, umaabot umano sa P3 bilyon ang nagastos na pondo mula 2006-2011.

Ang mga ahensiyang namahala umano sa nabanggit na pondo ay ang National Livelihood Development Crop at Technology Resource Center.

Bukod pa sa 20 dummy organizations makikita sa listahan na 30 local government units ang nakinabang umano sa pork barrel.

Gayunpaman, sinabi ng whistle-blowers na may mga LGUs na hindi nakinabang sa mga pondo kahit isang sentimo.

Sa ulat, binanggit din ng whistle-blower kung saang bangko idineposito ng mga bogus NGOs ang nakuha nilang pondo.

Narito ang listahan:

– Metrobank, Magdalena branch in Binondo, Manila—Bukirin Tanglaw Foundation, Social Development Program for Farmers Foundation, Gintong Pangkabuhayan Foundation, Kasaganahan para sa Magsasaka Foundation, Tanglaw para sa Magbubukid Foundation, Ginintuang Alay para sa Magsasaka Foundation, Micro-Agri Business Citizens Initiative Foundation, Karangyaan para sa Magsasaka Foundation and Saganang Buhay Foundation.

– Metrobank, Jose Abad Santos branch—Philippine Agri and Social Economic Development Foundation.

– LandBank, Greenhills branch—Social Development Program for Farmers Foundation, Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation and People’s Organization for Progress and Development Foundation.

– LandBank, Department of Education branch in Pasig City—Countrywide Agri and Rural Economic Development Foundation, Agri and Economic Program for Farmers Foundation, Agrikultura para sa Magbubukid Foundation, Kasaganahan para sa Magsasaka Foundation and Dalampansang Amon Utod Foundation.

– Metrobank, Ortigas Center branch—Kaupdanan para sa Mangunguma Foundation and Abundant Harvest for People Foundation.



PROPERTIES AND BANK ACCOUNTS. Ayon din kay Luy, nagbukas siya ng bank accounts sa pangalan ni Napoles kung saan niya idineposito ang perang nakuha mula sa NGO accounts.

Idinagdag din ni Luy na ang ilang bahagi ng illegally acquired funds ay idineposito sa accounts ng iba’t ibang taong nakakuha ng interest dahil sa pakikipagsabwatan sa Air Materiel Wings Savings and Loan Association Inc. (SMWSLAI).

Ayon pa sa isang whistle-blower, “There are existing accounts of other people with AMWSLAI where she put the money and withdraw them through the help of some officials there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She can deposit and withdraw money from someone else’s accounts without the knowledge of that person that his account is being used by Napoles.”

Sinabi rin ng whistle-blower na sa mga ilegal na transaksiyong ito ni Napoles ay nagkaroon siya ng mga ari-ariang mga bahay at lupa, mga condo units,at mga mamahaling sasakyan na tinatayang 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN