Ate Gay moves on after Wowowillie

Isiniwalat ni Ate Gay na ang production staff ng Wowowillieang nagdesisyon na huwag na siyang papasukin sa show pagkatapos niyang mag-absent. Sabi niya, "Desisyon nila yun na 'wag na akong papasukin, sila naman ang nagdesisyon. Ako, nag-absent lang ako ng isang araw."


Ikinagulat ng ilan ang paglabas ni Ate Gay sa isang production number sa Sunday All Stars ng GMA-7 noong Linggo, July 14.

Kasama niya sa prod number ang kapwa komedyanteng sina Boobay, Betong, at Gladys Guevarra.

Biniro tuloy siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung lumipat na ba siya ng bakuran matapos niyang magdesisyong umalis sa Wowowillie ng TV5 noong isang buwan.

Sabi ng impersonator ni Superstar Nora Aunor, “Gagah! Raket lang ito, kailangang mabuhay.

“May pang-araw-araw na pangangailangan—basta may mag-invite, go!”

 

 

MISUNDERSTANDING. Matatandaang hindi na nag-report si Ate Gay sa noontime variety show ni Willie para sa regular segment na “Mini-Concert” dahil diumano sa tampo sa production staff.

Napabalitang sinabi ng business unit head ng Wowowillie na si Jay Montelibano na si Ate Gay ang kusang umalis at nagpakita ng unprofessionalism.

(Read: Ate Gay will not return to Wowowillie because of his "tampo" with the production staff)

Pagtatanggol niya sa sarili, “Wala, wala naman. Hindi na lang ako pumasok.

“Ang isyu doon, hindi nila ako sinabihan.

“Siyempre ako, bilang isang pamilya at kapatid, araw-araw naman akong sinasabihan, ba’t noong araw lang yun hindi ako nasabihan?

“Nalungkot lang ako, hindi naman ako umalis.

“Ang sabi ko ay a-absent lang ako kinabukasan dahil masama ang katawan ko at hindi ko kaya.

“Sabi ko, papasok ako ng Sabado.

“Yun, siguro kung anu-ano ang sumbong kay Kuya [Willie Revillame], hindi na ako pinapasok ni Kuya.

“Ni hindi na nga nagpaalam kay Willie, na si Willie ang bait-bait sa akin.

“Wala namang problema doon kundi hindi lang ako pumasok ng Friday. Alam mo naman na love na love ko si Willie."

Dagdag pa niya, “Desisyon nila yun na ‘wag na akong papasukin, sila naman ang nagdesisyon.

“Ako, nag-absent lang ako ng isang araw.”

Nagtampo nga raw si Ate Gay dahil hindi siya ang ginawang finale kundi ang guest co-hosts na sina Cacai Bautista at Joy Viado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isyu pa nga ay lumaki na raw ang kanyang ulo dahil feeling sikat na sikat na siya.

Sabi naman niya, “Hindi. Alam mo naman ang mga tao, di ba?

“Kung hindi mo ako kakilala, yun ang sasabihin mo. Wala akong magagawa kung yun ang nasa isip nila.

“Ako, naniniwala ako sa sarili ko, sa talento ko.

“Pero sana, alam talaga nila ang buong kuwento para maintindihan nila.”

 

 

FORMALITY. Bakit hindi naman siya nagpaalam kay Willie?

Paliwanag ng stand-up comedian, “Hindi na ako nagkaroon ng time kasi ang sabi nila ay ‘wag na daw muna akong pumasok.

“Wala, wala. Pero kahit naman kanino, hindi ko babaliin ang salita na talagang mabait si Wiliie Revillame.

“Hindi ko yun babaliin kasi nakatulong siya sa akin, sa pang-araw-raw na buhay at nagpapasalamat ako sa kanya.

“At mahal ko ang Wowowillie.”

Bakit hindi siya gumawa ng paraan para makausap o makipag-usap sa host ng Wowowillie kung talagang malaki ang respeto niya dito?

Aniya, “Hindi na lang kasi... para wala na lang.

“Alam ko mahal niya ako, e. Ano... nahihiya na rin ako kasi.

“Siguro, kung magku-krus na lang ang landas namin, ‘wag na lang muna ngayon kasi...

“Pag nag-krus ang landas namin, sasabihin ko sa kanya na, ‘Salamat, salamat. Nakatulong ka sa pang-araw-araw kong buhay.’

“Kapag nagigising ako nang maaga para sa Wowowillie, nakikita ko na maganda ang araw—tao akong normal. Yun.”

 

 

FRANK AND HONEST. Kilala si Willie sa pagsasabi nang diretsahan, makasakit man ito ng damdamin o hindi, pero wala naman takot si Ate Gay sa maaaring sabihin sa kanya ng TV host.

Iiling-iling si Ate Gay at sinabing, “A, hindi. Kahit ano ang sabihin niya ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.

“Kung kilala mo siya, hindi ka naman matatakot sa kanya.

“Yung mga salita niya, out of concern lang niya ‘yan sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kapag mahal ka niya, pagsasabihan ka niya nang direkta—walang preno pero mare-realize mo rin na tama pala siya.

“Ganoon siya, tanggap na ng lahat ‘yan.”

Totoo bang hanggang October na lang ang Wowowillie?

Sabi ni Ate Gay, “A, hindi. Hindi ako naniniwala na hanggang October na lang ‘yan.

“Kahit sabihin pa ni Willie na hanggang October na lang, hindi hanggang October na lang ‘yan.

“Magtatagal ‘yan hangga’t nandiyan siya.”

 

 

CORPORATE CRISIS. Dumaraan ngayon sa financial crisis ang TV5, ayon sa mga usap-usapan.

In fact, ang mga show tulad ng Talentadong Pinoy Worldwide, ang Face To Face, at Ang Latest ay nag-final tapings na.

Nagulat si Ate Gay: “Talaga? Ang tatlong yun? Ano ba ‘yan?

“Nanghihinayang ako sa shows na yun kasi pinapanood ko ang mga ‘yan, e.

“Kung may problema ang TV5, hindi ko alam. May mga nagsasabing ganun, deadma lang ako, di ba?

“Wala namang nakakaalam ng totoo kundi sila-sila lang naman.

“Sana, ‘wag na naman kasi, di ba? Marami ang umaasa sa istasyon.”

 

 

FOREIGN TOURS. Kumusta naman ang buhay niya ngayon?

Nangingiting sabi niya, “Ayun, meron akong Embassy Day sa America sa September.

“Meron akong European tour na shows sa Ireland, France, at saka London.

“Kaya yung iniintriga ako na kawalan sa akin ang show na yun [Wowowillie], hindi naman.

“I mean, oo, malaking tulong sa pang-araw-araw kong buhay, pero hindi naman doon nagtatapos ang lahat.

“Basta, go lang nang go sa buhay.”

 

 

DEPRESSION. Si Vice Ganda ay dumaan minsan sa emotional depression dahil sa sobrang pagtatrabaho at marami ring naging kontrobersiya. Napagdaanan din ba ito ni Ate Gay?

Mabilis niyang sagot, “Ay, hindi naman. Ipinagsasalamat ko nga na hindi ako dumaan sa ganyan.

“Kung darating ako sa ganoon? Siguro... hindi, e, hindi.

“Hindi ako puwedeng ma-depress kasi pinaghahandaan ko ang depression.

“Oo, minsan ano... actually, sa maliliit na bagay ako nasasaktan, yung ganoon lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itigil ko na ang pag-inom [ng alak], matagal na.

“Tapos na ang mga baliw-baliwan portion ng buhay ko.

“Mas maganda na sa akin ang nakakapagpasaya ng tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN