Enchong Dee rides the MRT to make it to Tuhog premiere

Upang makaaboot sa premiere ng pelikula niyang Tuhog kagabi, July 15, ay sumakay ng MRT ang Kapamilya actor na si Enchong Dee. Dahil bihira niyang maranasan ito ay nag-post si Enchong ng ilang larawang kuha mula sa karanasan niyang ito sa kanyang Instagram at Twitter accounts


Kung naranasan ni Julia Montes na sumakay sa tatlong klaseng pampublikong sasakyan huwag lang ma-late sa kanyang commitments kahapon, July 15, ang kanya namang co-star sa Muling Buksan Ang Puso na si Enchong Dee ay sumakay ng MRT (Metro Rail Transit) kinagabihan para makahabol sa premiere night ng pelikula nitong Tuhog sa Gateway Cinema, Cubao, Quezon City.

Dahil daw sa sobrang traffic, pinili ng Kapamilya young actor na sumakay mula Santolan station ng MRT patungong Cubao station.

Sa kanyang Twitter account na @enchongdee777, sinabi ni Enchong na: “Thank you @EthelMEspiritu and @micodelrosario and @starcinema for making me reach the #tuhog screening.”

Kasama dito ang isang Twitter pic na nakaupo si Enchong sa Santolan Station signage ng MRT.

May isa pang litrato si Enchong sa loob ng MRT kung saan nakatayo ito sa loob ng tren kasama ang ilang pasahero na nagpalitrato kasama siya.

Naka-post sa kanyang Instagram account ang naturang larawan at nakasaad dito, “Sometimes we do things because the people around us are so fun to be with that you forget you’re working…”

Sa panayam naman ng ABS-CBN News kay Enchong, sinabi nitong sobra niyang sinusuportahan ang Tuhog kaya pinilit niyang makarating sa oras.

Saad niya, “I think hindi ko gagawin yung ginawa ko ngayong gabi, yung pag-MRT mula sa taping at babalik sa taping kung hindi ako 100 percent supportive sa pelikula."

Sinabi rin ni Enchong na ang kanyang karanasan sa pagsakay ng MRT ay sumasalamin sa istorya ng Tuhog.

Sabi niya, “May realization how to value their life, katulad ng nakita ko sa MRT—ang dami-daming tao na araw-araw ay nagpupunta sa trabaho, nagbibiyahe.

"Hindi mo alam kung ano ang puwede mong kaharapin, mananakawan ka or minsan maaksidente ka.

"Kumbaga, every second of our, life let’s value it kasi hindi mo alam kung ano ang susunod.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN