Sarah Lahbati’s lawyer clarifies cases against Atty. Annette Gozon-Abrogar not yet filed; GMA Films president "not open to settlement"

Nilinaw ng abugado ni Sarah Lahbati na si Atty. Marie Glen Abraham na hindi pa nila naisasampa ang mga kasong grave coercion, perjury, at libel laban kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar. Pinasumpaan pa lang daw nila ang mga kasong isasampa ni Sarah sa korte sa Agosto.


Muling umalis ng bansa si Sarah Lahbati noong Martes ng gabi, July 16.

Ito ang kinumpirma ng abugado ni Sarah na si Atty. Marie Glen Abraham sa 24 Oras ng GMA-7 kagabi, July 17.

Ayon kay Atty. Abraham, “She just left last night, I think she had a flight, 10 o’clock last night, so she’s out of the country now.”

Wala raw personal knowledge si Atty. Abraham kung saang bansa pumunta si Sarah, pero sa panayam sa young actress noong Lunes, July 15, ay sinabi nitong hindi siya sa Switzerland pupunta.

(Napag-alaman ng PEP.ph mula sa isang source na sa Los Angeles daw nagpunta si Sarah, kasama ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez at ang ina ng aktor na si Annabelle Rama.)

Ayon pa kay Atty. Abraham, bago lumipad si Sarah ay pinasumpaan sa young actress ang kanyang affidavit para sa pagsasampa ng kasong libel laban kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar at kay Marinel Cruz, entertainment reporter ng Philippine Daily Inquirer.

Ito ay dahil daw sa artikulong lumabas sa nasabing daily broadsheet noong July 8, 2013, kunsaan pinalabas diumano ni Annette na si Sarah ay isang "irresponsible Internet user."

Ayon pa rin sa ulat ng 24 Oras, wala pang nakukuhang kopya si Marinel sa sinasabing libel case kaya hindi pa raw siya maaaring magkomento.



NOT YET FILED. Samantala, nilinaw naman ng abugado ni Sarah na hindi pa nila naisampa ang grave coercion, perjury, at libel cases laban kay Atty. Annette Gozon-Abrogar at iba pang indibidwal, taliwas sa kanilang pahayag sa iba’t ibang media outfits noong Lunes, July 15, sa Quezon City Regional Trial Court.

Bukod sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang istorya ng "pagsasampa" ng mga kaso ni Sarah ay inilathala ng halos lahat ng malalaking media outfits gaya ng GMA News, ABS-CBN News, Philippine Daily Inquirer, at The Philippine Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Sarah Lahbati files criminal case against Atty. Annette Gozon-Abrogar)

Sabi ni Atty. Abraham, pinanumpaan pa lang daw nila kay Sarah ang affidavits na gagamitin sa isasampa pa lang nilang reklamo pagbalik ng StarStruck alumna sa Pilipinas sa Agosto.

Nagkamali lang daw sila ng pag-aanunsiyo.

Pahayag ng abugado ni Sarah, “Medyo nagkamali kasi... kasi ang naano namin dun is we will be filing it.

"So, nung may mga nagtanong na na mga media on the issue of filing, so we just used the lingo of ’filed’ dun sa ’subscribed.’

"Pero yun, we had the intention to clarify it when we were interviewed in Makati, but I believed that we were not... intensively explained that matter.”

Sa Makati Regional Trial Court ginawa ang panunumpa ni Sarah para sa libel case na isasampa niya kay Atty. Gozon-Abrogar.



ANNETTE: "I’M NOT OPEN TO SETTLEMENT." Sa panayam kay Sarah noong Lunes sa Makati Regional Trial Court, sinabi nitong bukas siya sa pakikipag-ayos kay Atty. Gozon-Abrogar.

Aniya, “Siyempre naman, kaya nga po ako umuwi dito para matapos ang problems.

"So, hindi naman ako ganun katigas na tao. Nirerespeto ko pa rin si Miss Annette.

"And I’m grateful to her kasi siyempre kung wala naman ang GMA, wala namang… hindi naman ako makikilala na Sarah Lahbati.

"But, meron ding mga bagay na kailangang ayusin.”

Pero para kay Atty. Gozon-Abrogar, hindi na siya bukas sa pakikipag-ayos kay Sarah.

Sabi ng film and TV executive sa GMA News, “With what I’ve been seeing, I think kaya ni Sarah ang sarili niya and matapang na matapang siya.

"So I think she can face all the consequences of her actions."

Diin pa ni Annette, “I’m not open to settlement. “

Malinaw raw kasi na handa si Sarah na harapin ang mga kaso niya dito sa Pilipinas.

At kung isasampa man daw ni Sarah ang mga kasong ito laban sa kanya, tinitingnan daw ito ni Atty. Gozon-Abrogar na isang paraan para lumabas ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, “I was happy talaga kasi, finally, di ba, babalik siya to face the charges so kahit ang tagal tagal niyang wala, uuwi rin naman pala siya which made me happy so…

"And okay yun for me, because I really wanted [the] truth to come out and yun ang purpose ko in filing my case.

"So if she also files against me, gusto ko rin yun because the truth will even come out more.

"So happy ako with the turn of events.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN