Sam Milby open to accepting gay roles without kissing scenes

Sam Milby on dating: “Ako, if I don’t feel like it, I’m not gonna push through with it kasi some people are like, ’okay, let’s see’”


Natutuwa si Sam Milby ngayon sa magandang reviews ng kanilang primetime drama na Huwag Ka Lang Mawawala kung saan kasama niya ang ABS-CBN Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.

Gumaganap ngayon si Sam bilang si Eros, ang dating mapagmahal na ngayo’y naging mapang-abusong asawa ng karakter na ginagampanan ni Juday. Ito ang unang beses na gumanap si Sam bilang kontrabida sa isang teleserye.

READ: Sam Milby shoots rape scene with Judy Ann Santos in Huwag Ka Lang Mawawala

Kahapon, July 18, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang Kapamilya Heartthrob sa Ultimate Fitness Gym sa Metrowalk, Pasig City.

Sa aming panayam, ipinagpapasalamat ni Sam ang magagandang reviews mula sa mga manonood ng kanilang programa lalo na sa kanyang pagganap bilang si Eros.

Aniya, “I’m very happy. It’s something that I’ve been working harder for naman.

“I’ve been working hard for this and konting push lang naman talaga.

“And I know that I can still do better but I’m really happy sa people na napansin yung improvement ko sa acting pati sa Tagalog.

“I know there are a lot of things I need to work on but at least there’s a gradual improvement so I’m very happy.

“And I’m happy na maraming naiinis sa akin, I mean siyempre effective yung acting ko.”

Dagdag pa ng Star Magic talent, “It’s a different role for me and I’m happy sa reviews namin and everyone’s getting good feedback.”

Ipinagpapasalamat din ng Sam na naging maganda ang takbo ng kanyang career ngayong taon ngunit inamin niya na marami pa siyang dapat matutunan bilang isang aktor.

Ani Sam, “You know, you have to make an effort para sa lahat—yung craft, sa acting.

“Kailangan talagang mag-improve sa acting, yung sa Tagalog and it helped me push myself more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m happy that, you know, my desire for work, my desire to improve myself—where I am now.

“And yeah, for the things that happened this year, happy din ako for reactions and yung comments sa Huwag Ka Lang Mawawala and ito naman yung movie na gagawin.”

GAY ROLES. Ngayong unti-unti nang umaalis si Sam sa kanyang “comfort zone” bilang isang aktor, bukas naman kaya siyang tumanggap ng gay-themed roles?

Sagot ng Kapamilya actor, “Ako, it depends on the material.

“It depends on how much of an acting piece it is.

“Ako, I think if it goes too torrid with kissing parang ganun, I don’t think I can do that.

“Parang it’s something na I can’t act out.

“Pero in terms of doing a gay role and doing something that could be an acting piece, I’d be open to that but it depends on the material.”

ANNE-SAM LOVE TEAM. Muli ring mapapanood sa silver screen ang love team nina Sam at ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis. Huling napanood ang dalawa sa romantic comedy film na Babe, I Love You.

READ: Sam Milby will reunite with ex-girlfriend Anne Curtis in a movie

Kuwento ni Sam, isang romantic comedy daw muli ang tema ng gagawin nilang pelikula ngunit wala pang ibang detalye tungkol sa magiging takbo ng istorya nito.

Aniya, “I wish I could but wala pa ako masyadong alam.

“There will be another leading lady in the cast, I don’t know who it will be. It will be under Viva Films, actually.

“From what I know, but pag dating sa story, I can’t give you a hint or a gist of the story kasi wala pa akong script or story conference, wala.”

Hindi naman kaya siya mailang ngayong makakatrabaho niyang muli ang dating karelasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sam, “I would say it would’ve been awkward if we did it two years ago.

“We were together—we were together for a long time, yes.

“And we’ve broken up for a long time also so, you know parang parehas kaming naka-move on.

“Ako, yeah, you know—it wouldn’t have been okay talaga.”

Kuwento pa ni Sam, “Actually, that’s what happened. We did break-up and we did a movie and it was… it was rough on the set, sobra.

“But ngayon, I’m sure we’re fine.

“We’re, you know, both okay na and I think it’ll be fine.”

ZERO LOVE LIFE. Sabi nga nila, kung maganda ang career mo ngayon, malamang bagsak naman ang love life mo. Kaya naman inamin din ni Sam na wala siyang dine-date ngayon ngunit hindi raw niya kagustuhan ito.

Kuwento ni Sam, “It’s not a personal choice.

“A lot of times the girls the I’ve met are like, you know, laging may boyfriend.

“Seems like it always happens to me and… wala, e.

“I don’t wanna say I’m picky but I’m at a point in my life where I am a bit picky.

“Like ako, if I don’t feel like, ’okay, sige just go.’

“If I start dating and hanging out and them I’m like, ’Hindi e, I’m not feeling it.’

“Ako, if I don’t feel like it, I’m not gonna push through with it kasi some people are like, ’okay, let’s see.’

“Ako, I wanna feel that excitement. I wanna feel like, ’I wanna see this girl, I can’t wait to see her.’

“You know, that’s how I want it.”

Ano nga ba ang hinahanap niya sa isang babae?

“Simple is the best way to explain it. Simple, hindi maarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ng 29-year-old actor, “I like a girl na hindi nagme-make-up, I like a girl na sporty.

“She doesn’t need to be sporty but yung not afraid like… not afraid to like just be... I mean ako if I’m like, ’hey, let’s go wakeboarding,’ game siya.

“Parang ganun… adventurous, just leaning to, you know, a bit sporty.

Dagdag pa ni Sam, “Simple yung damit, hindi kailangang nakaporma lagi.

“I like a simple girl in nice simple t-shirt and jeans.

“I find that… that’s hot and no make-up.

“Not that walang ayos talaga na parang yung buhok na parang you’d look like a... you know.

“Effortless beauty, I love natural beauty, ganun. I know how to appreciate that,” pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN