New mom Kyla goes back to work; helps team Instagang snatch victory at Sunday All-Stars contest

Sabi ni Kyla tungkol sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos na manganak: “Kasi nasanay na ako na nasa bahay at nag-aalaga ng baby… ’Tapos parang na-miss ko yung nag-aaral ako ng mga songs. Na-miss ko yung nagda-download ng mga kanta.”


Back to work na naman si Kyla.

Matagal-tagal din siyang nagpahinga mula nang makapanganak siya.

Matatandaang Marso pa lang ay nag-leave of absence na ang Pinay R&B Princess mula sa show na kinabibilangan pa niya noon na Party Pilipinas.

(READ: Kyla takes leave of absence from Party Pilipinas to prepare for her delivery)

Noong May 5 ay nagsilang na siya ng isang malusog na baby boy na pinangalan nila ng mister niyang si Rich Alvarez ng Toby Elsiah.

Natutuwa naman daw ang Kapuso singer for the warm welcome na ibinigay sa kanya sa Sunday All-Stars (SAS) kahapon, July 21.

“Very excited ako na, ‘Yes, finally I’m going back to work!’” masiglang bungad nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung araw na iyon.

“Yehey! Ang tagal kong hinintay ito. Para akong mantika na nabuhusan ng mainit na tubig at nagigising ulit,” sabay tawa niya.

“Parang gano’n. So, sobrang happy ako.

“Happy… Very happy.”

May paghahanda ba siyang ginawa bago ang kanyang pagbabalik-trabaho?

Sagot muna ni Kyla, “Kasi nasanay na ako na nasa bahay at nag-aalaga ng baby.

“Oo, siyempre. ’Tapos parang na-miss ko yung nag-aaral ako ng mga songs. Na-miss ko yung nagda-download ng mga kanta.”

INSTAGANG’S NEWEST MEMBER. Kumpara sa Party Pilipinas noon, iba ang format ng SAS.

May labanan na ng mga production numbers na bukod sa pressure ng pag-iisip ng concept linggu-linggo ay sobrang stressful din at nakakapagod ang rehearsal para rito.

“Member ako ng Instagang,” pagtukoy niya sa grupo na unang pinamunuan ni Christian Bautista, na ngayo’y pinamumunuan naman ni Glaiza de Castro.

“Ni-request ko na sa Instagang ako maging miyembro. Kasi nalaman ko na hindi pa sila nananalo kaya kailangan nila ako… Wow!” natawang biro ni Kyla.

At nanalo naman nga ang grupo nila sa kauna-unahang pagkakataon simula nang umere ang SAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga. Ang saya-saya!

“Pero na-pressure ako nang slight. Kasi hindi ko nasubaybayan yung mga winners every week. So, hindi ko alam na hindi pa pala sila nananalo.

“So, nung pagdating ko kahapon [Saturday, July 20, sa rehearsal nila), sabi ng group members sa akin, ‘Hindi pa kami nananalo, ha!’

“Parang na-pressure ako! Ha-ha-ha!

“Pero masaya, masaya.

“Sa meeting namin, wala pa akong mai-suggest masyado. Kasi naninibago pa talaga ako.

“Pero prepared na ako na mangarag at ma-stress.

“Kaso lahat naman sila, very ano, e…determined to win.

“Intense nga ang labanan, di ba? Ramdam na ramdam sa studio. Nakaka-lurks!” tawa na naman niya.

“Pero ‘ayun, ready naman ako to practice at maki-join sa kanila.”

Bukod sa SAS, ano pa ang ibang aabangan ng kanyang fans na na-miss siya?

“Magri-record ako ulit. Kasi naudlot yung pagri-record ko dahil kasi, di ba, buntis ako?

“So, ‘ayun, itutuloy ko ulit ang recording para sa bago kong album under PolyEast Records.”

BABY TOBY ELSIAH. Ngayong active ulit siya sa kanyang career, paano na ang duties niya bilang mommy kay Toby Elsiah?

“Well, kasi first week ko pa lang ito na nagwu-work ako, nahihirapan akong mag-adjust.

“Pero kapag nasa work ako, si Rich yung nag-aalaga, gano’n. Since Sunday, wala naman siyang work.

“But kapag may practice o meron siyang basketball game, kapag may work din ako, sa in-laws yung baby or sa parents ko.

“Naku, pag-aagawan pa siya kung sino ang mag-aalaga!” tawa ulit ni Kyla.

“So, maraming pag-iiwanan sa baby.

Yung pagiging mommy niya ba ang kanyang priority?

“Of course. Priority talaga namin ngayon yung baby namin.

“Kasi kumbaga, very fragile pa siya. Mahirap pa siyang iwanan. Parang nagi-guilty ako na iniiwan ko siya. Kasi nagbi-breastfeed ako.

“So, minsan parang nakaka-guilty na magbobote siya ngayon,” ani Kyla tungkol sa bottle feeding kay Baby Toby habang wala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Two months pa lang siya, pero nakakatuwa kasi nagma-mumble na siya. Nagta-try na siyang magsalita.

“Nakikipagdaldalan na. Iyon ang nakakatuwa,” bida ng Kapuso singer.

“’Tapos, ngumingiti na siya. Yung gano’n.

“Tuwang-tuwa ako. Kasi ngumingiti, walang ngipin. Ang saya!” tawa ulit niya.

LIFE NOW AS A MOMMY. Ano ang nararanasan niyang pinakamahirap sa pagiging mommy?

“Siguro yung ano…sleep-deprived talaga.

“Kasi like yung tulog niya, on-and-off.

“Although sinasabi nila na sabayan mong matulog. Pero you can’t really say that.

“Kasi like in the morning or during the day, parang you’re using that time to do whatever you have to do.

“’Tapos sa gabi naman, do’n naman yung gising siya nang gising. Na talagang every 30 minutes, nagugutom siya. Yung gano’n.

“And then ang mahirap, yung first three weeks. Kasi talaga…walang tulog.

“Pero alam mo…masaya. Masaya na nandiyan na siya. May inaalagaan ka.”

SUPPORTIVE FANS. Natutuwa raw si Kyla na sa panahong wala siya sa limelight hanggang sa pagka-comeback niya, patuloy ang pagpaparamdam ng kanyang fans ng suporta sa kanya.

“Tinu-tweet nila ako. Pati sa Instagram also na, ‘Welcome back, we miss you!’

“Siyempre gusto kong magpasalamat sa kanila. Sa support nila. ‘Tapos for giving me na parang binu-boost nila yung confidence ko ulit.

“Kasi parang… di ba? Matagal akong nawala. Na medyo parang nag-uumpisa ulit.

“Pero medyo okey na ngayon. I’m happy that I’m back to work,” nangiting huling nasabi ni Kyla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN