Billy Crawford cries foul over speculations that he and Coleen Garcia are romantically involved

Hindi na napigilan ni Billy Crawford ang sarili na maglabas ng sama ng loob sa online users na nag-i-insinuate na si Coleen Garcia ang dahilan diumano ng breakup nila ni Nikki Gil.


“Punta kayo sa ABS harapin n’yo ako.”

Ito ang hamon ni Billy Crawford sa ilang netizens na nagbigay ng kulay sa picture na ipinost ni Vice Ganda sa kanyang Instagram account na @praybeytbenjamin kahapon, July 29.

Sa nasabing picture ay nag-caption si Vice ng: “I missed my Showtime sibs a lot. Great to be back.”

Ang It’s Showtime ang kinabibilangang daily noontime show ni Vice sa ABS-CBN, ngunit kasalukuyan siyang naka-leave mula sa programa.

Kasama rin sa programa si Billy.

Bumuhos ang maraming comments mula sa mga tagasuporta ni Vice, at kabilang sa mga komentong iyon ay ang pagkakapansin ng ilan na wala sa picture ang ilang co-hosts ng It’s Showtime.

Ang barkadang nasa larawan ay binubuo nina Vice, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta.

Sina Karylle, Kim Atienza, Coleen Garcia, at Billy ang mga co-host na hindi kasama sa larawan.

Sa pagdami ng comments, may ilang nagtanong kung may namamagitan ba kina kina Billy at Coleen.

Ayon sa isang @cherrylannmanalo: “@patriciaannesanchez san makikita about kay coleen and billy? San sa twitter?”

Ginatungan pa ito ng iba at nagtanong kung may katotohanan nga ba ang balitang ito.

Nang i-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang account ng @patriciaannesanchez, naka-private ito at hindi makita kung ano ang comment niya na nagbunsod sa iba upang magtanong kung may namamagitan ba kina Billy at Coleen.

Sa komento rin ng iba ay tila pinag-isipan nilang si Coleen ang naging dahilan ng breakup ni Billy sa singer-TV host na si Nikki Gil.



BILLY REACTS. Sa sunud-sunod na komento ng netizens sa hinalang ito, hindi tuloy napigilan ni Billy na mag-react sa thread at inilabas niya ang kanyang inis sa mga taong nagbibigay ng malisya sa ugnayan nila ni Coleen.

Ipinagtanggol ni Billy si Coleen at sinabihan ang ilang followers niya na huwag mandamay ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinamon din niya ang mga nagbibintang na harapin siya.

Narito ang kabuuang mensahe ni Billy sa thread:

“What the hell is wrong with you people? There is nothing about me and Coleen! You guys are just so wrong man. May problema kayo sakin ako na Lang. Wang Nyong I damay manga taong walang kinalaman sa hiwalay naming ni Nikki. Punta kayo sa Abs harapin Nyo ako. Lakas Nyo magsalita tunkol sa kung anong ng yayari eh. Pero wala kayong alam!!! As much as im lost and unhappy. You guys got major problems with your lives. Narrow minded people! Open your eyes and look in the mirror and ask your self. Are you content with your life talking about others? Of course not, you guys are perfect! May God bless you all!!! Not even being sarcastic. Bless you all.”

Pagkatapos ng mensaheng iyon ni Billy ay sunud-sunod ang mga komentong nagpapakita ng suporta sa kanya.

Bagamat may ilan ding nangutya sa pahayag ng singer-TV host, mas marami ang nanawagan na bigyan siya ng privacy at respeto.

Pati ang kanyang co-host at kaibigang si Vice ay nagkomento rin bilang pagsuporta kay Billy.

Ayon kay Vice: “Hope u guys who are busy meddling in Billy/Nikki issue found REAL HAPPINESS with what youre doing. God bless!”

Noong July 28, Sunday, nagsalita si Billy sa The Buzz upang kumpirmahin ang breakup nila ni Nikki.

Ani Billy, iyon daw ang una at huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa paghihiwalay nila ng singer-TV host.

(Read: Billy Crawford on breakup with Nikki Gil: "It all boils down to me.")


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN