Jason Francisco admits to worrying about showbiz career after rift with John Prats

“Hindi ko kasi akalain na [magkaroon ulit ng project] dahil nakagawa ako ng ganung kasalanan. E, may contract pa naman ako hanggang December. Hindi ko na alam pagkatapos no’n,” says Jason Franscisco about his showbiz career after physical encounter with John Prats.


Inamin ni Jason Francisco na dahil sa insidenteng pisikalan sa pagitan nila ni John Prats, nag-isip na siya ng maaaring gawing hanapbuhay bukod sa pag-aartista.

(Read: Jason Francisco on attacking John Prats: "Alam natin sa isa’t isa bakit nagawa ko ‘yan.")

Sa katunayan, umabot na raw sa punto na naisip niyang magtungo sa Michigan, USA, para magtrabaho sa isang kamag-anak.

“’Yon ay fallback ba,” sabi ni Jason nang bumista ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng bago niyang TV project, ang Wansapanataym, kahapon, July 29.

Sabi pa ng dating Pinoy Big Brother Double Up housemate, “Kasi, dahil doon sa nangyari, akala ko wala na akong [project].

“Siyempre, kung wala nang maibigay, maghahanap ka ng paraan para mag-abroad.”

Kaya naman ikinatuwa niya na muli siyang nabigyan ng proyekto bilang aktor sa pamamagitan ng weekend series na Wansapanataym.

Nakangiti pa si Jason nang sabihin niya sa press, “Hindi ko kasi akalain na [magkaroon ulit ng project] dahil nakagawa ako ng ganung kasalanan.

“E, may contract pa naman ako hanggang December. Hindi ko na alam pagkatapos nun.”

Ang huling teleserye ni Jason ay ang afternoon drama na Angelito: Ang Bagong Yugto, kung saan kasama rin sa cast si John.

Pagkatapos nito ay lumalabas paminsan-minsan si Jason bilang guest host sa morning talk show na Kris TV, kasama ang kanyang girlfriend na si Melai Cantiveros.



TALK WITH JOHN. May nakarating daw kay Jason na sinabi umano ni John sa isang interview na pinatawad na niya ang dating kasamahan sa Banana Split.

(Read: John Prats denies bullying allegation by Jason Francisco)

Pero tila ayaw munang maniwala ni Jason dito hanggang hindi niya naririnig mismo kay John.

Kuwento ng 25-year-old comedian, “Nabalitaan ko, na-interview siya na pinatawad na raw niya ako.

“Sabi niya raw po ‘yon, na napatawad na niya ako.

“Pero mas maganda po kasi kung personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi ko naman po siya tine-text, pero hindi naman nagre-reply. Every day nga, napagod na nga po ako, four months na.”

Kung siya ang tatanungin, ani Jason, “Siyempre, gusto kong magkausap kami kung bakit nangyari yung ganun.”

Bagamat dati siyang kasama sa comedy show na Banana Split, hindi raw niya magawang bumisita nang personal para makausap si John dahil “parang naisip ko naman na baka parang hindi pa time.”

Dagdag pa ni Jason, “Hindi ko rin alam na baka magpunta ako roon, ma-[misinterpret] na naman siya.”

Gayunpaman, hanggang maaari sana, ani Jason, “Gusto ko na magkaayos kasi kami ay nasa isang bubong lamang.

“Siyempre, gusto ko lang din na mas maganda sa personal. Siyempre, mas maganda yung totoo at hindi showbiz.”



NOT HOT-TEMPERED PERSON. Kaugnay ng engkuwentro sa pagitan nila ni John, muling nilinaw ni Jason ang mga naglabasang balita na madaling uminit ang ulo niya.

Para sa kanya, natural lamang daw ang naging reaksiyon niya noong araw na nagkapisikalan sila ng dancer-actor.

“Ako nga’y natatawa diyan,” ani Jason.

“Alam mo yung pag-aartista, porke nakasuntok ka lang, akala mo naman hot-tempered agad.

“Kumbaga, sa normal na tao, ‘Naaaway po ang anak n’yo.’ ‘A, ganun, pauuwiin.’ Ganun lang.

“Dito, hot-tempered na agad, may sira na ang ulo, nakakatawa naman.

“Hindi naman ganyan ang ipinakita ko sa TV.”

Sa huli, muling inulit ni Jason ang kanyang intensiyong makausap nang personal si John.

“Ayaw ko na magsalita. Ako lang, gusto ko siyang makausap nang personal para hindi na ito maiparating sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN