Coleen Garcia denies involvement in Billy Crawford-Nikki Gil breakup

Hindi na raw ikinagulat ni Coleen Garcia ang pagkakadawit niya sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil. Sabi niya, "People wanna know certain answers and they will not get it from me, kasi wala talaga akong alam diyan. It’s part of it, it’s part of the job na rumors come and go. As long as you know yourself, you know the truth and your parents, your family knows the truth, I think you will be fine.”


Pinabulaanan ni Coleen Garcia ang isyung siya diumano ang third party sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil.

Magkasama sina Coleen at Billy sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Coleen kahapon, July 31, sinabi niyang wala silang espesyal na ugnayan ni Billy.

“Ang masasabi ko lang, there’s nothing going on between me and Billy.

“I’m close to him but I’m close to everybody in Showtime.

“Huwag sanang bigyan ng kulay yun saka wala akong kinalaman sa breakup nila.

“I think that’s a very sensitive topic so ayoko talagang makisawsaw dun.”

Ayon pa kay Coleen, agad nakarating sa kanya ang balitang siya ang itinuturong dahilan ng breakup nina Billy at Nikki

“I’m active online, I’m on social media, I have Instagram and I have Twitter.

“Siyempre, may mga nakarating na tweets na... pero hindi naman yung sobrang dami, may mga nakarating lang.”

“Yung rumors, rumors… Di ko na binuksan yung mga link, basta nakikita ko lang.”

Dahil sanay na rin sa kalakaran sa show business, hindi na raw ikinagulat ni Coleen kung i-link man sila ni Billy at gawan sila ng intriga.

“I thought about it, showbiz is full of rumors. Siguro I’m not surprised.

"People wanna know certain answers and they will not get it from me, kasi wala talaga akong alam diyan.

“It’s part of it, it’s part of the job na rumors come and go.

“As long as you know yourself, you know the truth and your parents, your family knows the truth, I think you will be fine.”



INSTAGRAM POST. Ang itinuturong pinagmulan ng pag-uugnay kina Coleen at Billy ay ang larawang ipinost ni Vice Ganda sa kanyang Instagram account.

Nagpahayag kasi ng pagka-miss si Vice Ganda sa kanyang co-hosts sa It’s Showtime, kung saan kasalukuyan siyang naka-leave, at nagkataong hindi kasama sa inilagay niyang larawan sina Coleen at Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay nagbigay agad ng espekulasyon ang ilan na baka si Coleen ang bagong “apple of the eye” ni Billy.

(Read: Billy Crawford cries foul over speculations that he and Coleen Garcia are romantically involved)

Ipinaliwanag naman ni Coleen kung bakit hindi siya kasama sa larawang ipinost ni Vice.

“Well, ako, actually that time, inaaya nila akong umalis, pero I had a meeting kasi sa Star Magic.

“Matagal na na-set yung meeting na yun so di ako nakapunta.

“E, yung lunch, last minute lang yun naplano.

“Ganun yung mga lunch namin, yung mga aya-aya lang sila, pero I was busy that time.

“As Showtime family, kaming lahat magkakasama. Pero yung kaming dalawa lang [ni Billy], no, never.

“I never go out with a guy na kami lang. I never do that.”



BILLY’S APOLOGY. Ikinuwento rin ni Coleen sa PEP na nag-text sa kanya si Billy upang humingi ng dispensa sa pagkakadamay niya sa isyu.

“Well, he apologized na nasama ako dito, so yun lang naman.

“He texted, ‘Sorry ha na nasama ka sa isyu na ito.’

“Sabi ko, ‘It’s okay, I understand naman kasi showbiz nga.’

“I have thought about it… siguro kasi ako lang ang single sa Showtime, so ayun.

“I cannot single him out in Showtime family because, in general, close kaming lahat.”



ANDI-JAKE RECONCILIATON. Nadawit din ang pangalan ni Coleen sa relasyon ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Kaya hindi raw nagkakabalikan sina Andi at Jake ay dahil si Coleen na ang bagong nakabighani sa puso ng binata.

Ano ang reaksiyon dito ni Coleen?

Aniya, “Well, katatapos lang ng Jake-Andi Eigenmann issue, ako na lang lagi ang third party.

“It has proven naman na hindi totoo yun, e—yung Andi and Jake.

“I think if I was able to handle that, I think I can handle this—that’s what my mom said.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s just behind me all the way, she supports me.

“Alam naman niya kung sino ako, yung totoong Coleen.

“Bahala na kung sino ang maniniwala doon, di ba?

“I gave my piece already and, before yung kay Andi and Jake, I clarified myself.

“Yung mga gustong maniwala, maniniwala. Yung ayaw maniwala... yun.”

Sa kabila ng mga isyung naglalabasan sa kanya, hindi naman daw nagagalit o nakakaramdam ng pagkainis si Coleen sa mga taong gumagawa ng ganitong isyu sa kanya.

Saad niya, “I don’t blame you because nagkaroon ng time na wala din naman ako sa showbiz. And when I hear rumors, sometimes I believe.

“I don’t blame people for misjudging me.

“I don’t blame people for assuming kasi nagkaroon naman ng time na wala ako sa showbiz, na wala akong alam sa showbiz, na the things that I hear, I believe.

“Ang sa akin, yun lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN