Charice’s struggles before coming out and her love affair with Alyssa Quijano to be featured in Magpakailanman

Isasadula sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman ang bahagi ng buhay ni Charice tungkol sa kanyang paghihirap bago siya umamin na isa siyang tomboy at ang pag-iibigan nila ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano.


Tampok sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman ang "The Charice Pempengco Story" sa August 10, Sabado.

Si Charice mismo ang gaganap sa kanyang sarili, at kakaibang challenge daw ito sa kanya dahil ang daming mahihirap na eksenang kailangan niyang balikan sa alaala at iaarte pa niya ito.

Sabi ng international singing sensation sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ginagawa ko yung isang scene na sobrang mabigat yung pain para sa akin.

"Although, siyempre better para sa scenes yung acting, pero ang hirap.

“Yun yung pinaka-challenging kasi talagang ang sakit.

"Alam mo yung ia-act ko and then after nun, panonoorin ko yung sarili ko kung ano yung ginawa ko. Bumabalik, e, nasasaktan.

“Parang ang sakit, pinapanood ko yung sarili ko.

"Yun din isa sa mga reason na gusto ko rin makita ng mga tao na... parang gusto kong ipakita sa kanila na ito yung nararamdaman ko nung time na ang dami-daming bumabatikos sa akin, nung time na dyina-judge nila ako.

"I want… parang gusto kong ipakita na yun yung kalagayan ko.”

Ang tinutukoy ni Charice ay ang paglantad niya sa publiko na isa siyang tomboy o lesbian.

NO NEED FOR HER FAMILY’S PERMISSION. Nilinaw rin ni Charice na kaya siya pumayag na isadula sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay niya ay hindi para kalabanin ang pamilya niya, kundi gusto lang niyang ipakita sa lahat ang mga pinagdaanan niya magmula nung mag-out siya, at kung ano rin ang hirap na pinagdaanan nila ng karelasyon niyang si Alyssa Quijano.

“Wala naman kaming intensiyon na kumbaga… may ilabas na kahit anong magiging controversy or anything.

"Basta lahat ng ilalabas namin dito sa Magpakailanman, totoo.

“Siyempre, although there are still kumbaga parte ng buhay ko na sobrang private na hindi pa namin dapat ilabas, pero most of it, totoo.

"Yung mga masi-share ko, na-share ko,” sabi ni Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw ipinaalam ni Charice sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina na si Raquel Pempengco, na gagawin ito ng Magpakailanman.

Pawang katotohanan naman daw kasi ang ilalahad niya, at ang ibang hindi pa raw alam ng mga tao ay mari-reveal din sa naturang drama anthology ng Kapuso network.

Ani Charice, “I’m pretty sure na medyo may sasabihin sila about this, pero you know it’s not that.

“Kumbaga, it’s not that pinalabas ko sila na masama or anything.

"Gusto ko lang na, again, totoo yung story. Lahat ng side namin balanced, and nalabas namin yung totoong nararamdaman ni Mommy and everything as a mother.

"Wala naman pong... siyempre ang hirap magpaalam because I know she’ll say no.

"But I know it will be fine. She’ll understand. She’ll understand."

THE LOVE AFFAIR. Dito raw sa Magpakailanman mas malalaman ng mga tao ang pinagdaanan ng love affair nila ni Alyssa.

Ayon kay Charice, “Actually, meron pong mga intense na part pero marami ring kilig na part.

“Actually, yes, medyo mapu-focus din ito sa love story namin ni Alyssa, so para maiba naman, di ba?

"Although, siyempre nandun pa rin yung journey ko as an artist, sa career and everything.

"Pero excited din akong makita ng fans ko, especially ngayon yung mga fans naming dalawa.

"I’m excited kasi curious sila sa naging story namin. Excited ako na dito nila makikita sa Magpakailanman,” pahayag nito.

PERFORMING IN THE U.S. Nakatakdang umalis papuntang Amerika si Charice dahil kakanta siya ng "Star Spangled Banner" sa 2013 Major League Baseball Beacon Awards Luncheon sa Chicago, Illinois.

Medyo kinakabahan na raw siya dahil muli siyang kakanta sa napakaraming tao at mati-televise daw ito.

Bukod pa dito, iyon daw ang first time niyang mag-perform sa Amerika pagkatapos niyang ilantad ang tunay niyang pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, if ever, iyon yung first time na magpe-perform ako sa U.S. since nung nag-come out ako.

"First time kong mag-appear na iti-televise nila.

“Kinakabahan ako kasi milyun-milyon yng manonood. Got to sing the American national anthem, parang lahat ng pressure nasa ‘yo.

“Kinakabahan, pero bahala na,” nakangiti niyang pahayag.

HOTTEST LESBIAN. Nakadagdag-pressure din daw sa kanya nang nalaman niyang siya ang nanguna sa talaan ng "hottest lesbians" in the world.

“Oo nga, e. Ipinakita ko lang yung tattoo ko e biglang ganun…di, joke lang!” natatawa niyang sabi.

Pero dagdag ni Charice, “Siyempre, thankful ako, thankful ako especially to the website, to the group who posted it.

“I’m glad na for them, kumbaga, hindi nila sinukat sa looks lang. For them, hottest means personality, everything.

“Out of one hundred, hinahanap ko, yun pala number one ako.

"To think na ang dami-daming... nakita ko sa list, ang dami-daming mas feeling ko mas deserving maging number one, but they chose me.

"So very thankful. Very blessed.

"Thank you sa mga supporters and fans."

CORY MONTEITH. Hiningan na rin ng PEP ng reaksiyon si Charice sa pagkamatay ng Hollywood actor na si Cory Monteith, na nakatrabaho ng Pinay singer nang mag-guest siya noon sa Glee.

Sabi niya, “Sa una, hindi ako naniniwala, e, kasi usung-uso yung mga minsan jokes na ganyan.

“Nung nalaman kong totoo, siyempre parang ano, e, nalungkot ako... na-share ko sa Twitter.

“I’ve heard an article sa CNN and I shared my story about Cory na isa siya sa mga taong he made me feel better nung nag-iisa ako nung birthday ko dun, nagsu-shoot kami ng Glee.

“That’s why I got very sad kasi hindi lang dahil sa family niya, pero kay Lea Michele din kasi grabe, di ba?

"As a couple… tapos biglang ganun, nagpa-plan magpakasal... I know it’s very painful for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN