Andi Eigenmann vehemently denies causing breakup of Billy Crawford and Nikki Gil

"Kahit naman wala akong kinalaman and I’m not affected in that way, medyo minsan nakaka-hurt. Kasi kahit wala kang ginagawa, nahahanapan ka pa rin ng mali," pahayag ni Andi Eigenmann sa pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil.


Mariing pinabulaanan ni Andi Eigenmann ang pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil.

Ayon sa reports na lumabas, siya raw ang "third party" sa hiwalayan ng dalawa.

Kahit daw makamandag at mapang-akit ang role ni Andi sa bagong show niya sa ABS-CBN na Galema, bilang "babaeng ahas," iginiit niyang hindi siya nang-aahas ng boyfriend ng iba.

Sabi ni Andi sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, “Wala pong katotohanan yun, we work together… we’re part of Oh My Mama Mia.

"So since na nagkatrabaho kami, na-bring up nila yung name ko.

"Bu I have nothing to do with it.”

Dismayado raw si Andi sa pagkakasangkot ng pangalan niya dahil malinaw naman daw ang pahayag ni Billy sa The Buzz noon na walang third party sa hiwalayan nila ni Nikki.

Sabi ng Kapamilya actress, “Of course, I feel bad.

"You know, I have no idea what went on kasi I have nothing to do with their relationship.

"Sana tinanggap n’yo na lang kung ano man yung sinabi niya and you respected his privacy or, like, respected what he said na hindi na nagdagdag ng kung ano pa.”

ON JAKE EJERCITO. Naging emosyunal naman si Andi nang mabanggit ang pangalan ng ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.

Nagkalamat kasi diumano ang relasyon nilang dalawa dahil sa pagkakadawit ng pangalan ng young actress sa breakup nina Billy at Nikki.

Pahayag ni Andi, “I have nothing to do with it, and at the same time, I have no way of proving it because he’s not here.

"And that really sucks because talagang… siyempre gusto ko ring alagaan yung relationship namin.

"I mean, we’re not together as a couple, but ayoko pa ring masira whatever it is that’s left.

"I just really been working hard and yun lang po. Gusto ko lang talagang mag-focus sa work ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So parang gusto ko i-prove yung sarili ko to certain people, so medyo nakaka…

"At the same time, kahit naman wala akong kinalaman and I’m not affected in that way, medyo minsan nakaka-hurt.

"Kasi kahit wala kang ginagawa, nahahanapan ka pa rin ng mali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN