Vilma Santos on winning her first Cinemalaya Best Actress award: “Talagang puwede akong maging ekstra at masaya ako maging ekstra.”

Vilma Santos says she never thought about the awards that she might get when she accepted Ekstra. For her, the movie was, “More of fulfillment ko as an artist, e. Ano yung pwede kong gawin na iba ang at the same time may meaning at saka may kaunting conrtribution sa mga ekstra na nakasama ko dati."


Maagang nagsimula sa showbiz ang tinaguriang Star for All Seasons, pero di gaya ng ibang artista, hindi pinagdaanan ni Vilma Santos ang maging ekstra.

Mula sa pagiging child actress hanggang sa maging award-winning actress ay puro lead roles ang ginampanan niya.

Kaya naman aminado ang aktres na nakaramdam siya ng kaba habang ginagawa ang una niyang indie film na Ekstra.

“Ang pinaka-challenging is masiguro ko lang na puwede ako maging ekstra,” sabi ng multi-award-winning actress sa press conference na inihanda ng Star Cinema para sa cast ng pelikula kahapon, August 8.

Patuloy ni Ate Vi, “Kapag tiningnan mo ako, hindi Vilma Santos kundi yung extra role na ginagampanan ko, as Loida Malabanan, ‘yon ang very challenging.”

Isa raw sa mga paraan na ginawa ng movie producer na si Atty. Joji Alonso at ng direktor na si Jeffrey Jeturian ay ang pagpapakilala kay Vilma sa iba pang gaganap na ekstra sa pelikula.

“First day pa lang ng test shots ko, kasama ko na sila.

“Ipinakilala na lahat sa akin para wala nang starstruck sa set, para magamayan ako at magamayan ko rin sila.

“Even the first shooting day, noong nakasakay kami sa jeep, pinaupo muna kami sa isang hilera, nagkukuwentuhan, pero di pa kami nagte-take.”

Kaugnay nito, sinabi rin ni Ate Vi, “Hindi ako pupuwedeng umangat. It’s very challenging na ma-deglamorized ka.

“Hanggang sa si Direk, gusto niya maluluwag yung T-shirt.

“Kung kailangang magulo ang buhok, kailangang magulo ang buhok.

“Even yung klase ng pag-deliver ng lines, hindi ka dapat humiwalay sa totoo.”

Dahil sa mga ito, sobrang tuwa ang naramdaman ng batikang aktres nang makuha niya ang kauna-unahang Best Actress award niya mula sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Hindi nakadalo si Ate Vi sa awards night noong Linggo, August 4, kaya kahapon lamang niya natanggap nang personal ang nasabing parangal mula sa Cinemalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Vilma Santos wins her first Cinemalaya Best Actress; Transit, Sana Dati named Best Films)

Ani Ate Vi, “Kung siguro nabigyan ako ng pagkilala ng Cinemalaya, kahit papaano I was able to deliver yung role ni Loida Malabanan.

“Talagang puwede akong maging ekstra at masaya ako maging ekstra.”

Ngayong ipalalabas na ang Ekstra sa mainstream cinemas, simula August 14, muli raw nakaramdam ng kaba si Ate Vi.

“Natatakot na naman ako. Akala ko tapos na yung takot ko sa Cinemalaya, e!” natatawang sabi ni Ate Vi sa press.

“Ngayon natatakot na naman ako kasi iha-handle ng Star Cinema ang pagpapalabas nito sa mainstream, which means pag-uusapan na rin ito ng buong Pilipinas!”



INTERNATIONAL AWARDS. Dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Ekstra, may ilang nagsasabi na maaring makakuha rin ang pelikula ng mga pagkilala sa international scene.

Katulad ng nakaraang 2011 Cinemalaya entry na Ang Babae Sa Septic Tank, may posibilidad din na mapili ang Ekstra bilang opisyal na entry ng Pilipinas sa Foreign Film category ng Academy Awards o Oscars.

Bagamat posible, hindi naman ito masyadong iniisip ng producer, direktor, at lalung-lalo na ng lead actress ng Ekstra.

“Hindi namin iniisip ang awards,” ani Batangas Governor Vilma Santos.

“Maski noong pinag-uusapan namin ito, ino-offer ni Atty. Joji, ‘yon ang unang-una kong sinabi.

“Unang-una, kabado na ako sa indie film.

“Pangalawa, sinabi ko kay Atty. Joji, hindi pinag-uusapan dito ang awards and, to be honest, hindi pinag-uusapan ang pera.

“It’s just that I want the role, I love the script, and mangyari sa akin ang makuhang ekstra.”

Ayon kay Ate Vi, ginawa niya ang pelikula upang mabigyan ng importansiya ang mga ekstrang nakakasama niya madalas sa pelikula.

“In more than 50 years ko sa industriya, in my own little way, itong script na ‘to ay mayroon akong contribution sa mga ekstra ng pelikulang Pilipino, na gaganap akong ekstra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ang tingin nila sa akin ay parang hindi ako puwedeng ma-deglamorized, hindi ako puwedeng gumawa ng pelikula na hindi ako babayaran.”

Dagdag pa sa huli ni Ate Vi, “It’s more of fulfillment ko as an artist, e.

“Ano yung pwede kong gawin na iba and, at the same time, may meaning at saka may kaunting conrtribution sa mga ekstra na nakasama ko dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN