Bea Binene on breakup with Jake Vargas: “Hindi lang namin ina-admit na nagsasakalan kami, pero nasasakal kami.”

“Wala po akong pinagsisihan, wala akong pinanghihinayangan. Kung meron mang panghihinayang, yun lang doon sa mga magagandang moments namin,” pahayag ni Bea Binene tungkol sa naging breakup nila ng young actor na si Jake Vargas.


Lalong na-miss ni Bea Binene ang dati niyang sports na wushu nang bumisita siya sa 7th Asian Junior Wushu Championship sa Makati Coliseum.

Ginanap ang tournament mula August 8 hanggang August 11.

Si Bea ang Filipino wushu ambassadress dahil na rin sa background niya dito bago pa siya pumasok sa showbiz.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso young actress, sinabi nitong natigil ang training niya ng wushu.

“Nanghihinayang po talaga ako kasi pag nag-stop ka ng three months to four months, back to zero ka na, kailangan mong mag-umpisa sa simula.

“Nakakapanghinayang lang, kasi halos isang taon ko siya na araw-araw ko siyang trinain [trained], so sayang talaga."

Wala ba siyang balak bumalik sa training?

“Meron, meron po. Saka required ako, saka gusto ko rin talaga, saka gusto ko ring mag-compete uli.

“Lalagyan ko ‘yan ng panahon.

“Saka wala naman na akong ibang taping, M-W-F [Monday, Wednesday, Friday] po ang taping ko,” tukoy niya sa Pepito Manaloto at Vampire Ang Daddy Ko sa GMA-7.



BREAKUP WITH JAKE VARGAS. Wala na bang pressure kaya magagawa na niya iba pang kinalimutan niyang gawin?

Napangiti si Bea sa salitang “pressure” dahil natumbok niya na ang gusto naming tukuyin ay ang dating boiyfriend niya na si Jake Vargas.

“Wala naman talagang pressure,” patay-malisya niyang sagot.

“Saka matagal ko po talagang plan, hindi lang matuloy kasi dahil sa busy schedule.”

Nakapag-move on na ba si Bea breakup nila ni Jake?

“Hindi naman ganoon kabilis, hindi naman po ganoon kabilis,” nangingiti niyang sagot.

May mga times ba na nami-miss niya si Jake?

“Hindi naman po mawawala agad-agad yun, kasi fresh pa, e, dalawang linggo pa lang, e.”

Nagkikita pa rin sina Bea at Jake sa taping ng Pepito Manoloto at sa Sunday All Stars.

Pero aniya, “Hindi naman kami nakapag-usap, nagkamustahan lang kami."

Iniyakan ba niya si Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ngayon, I’m happy, I’m trying to be happy.”

Nag-sink in na ba kay Bea ang nangyari? Paano siya naapektuhan ng breakup nila?

“Hindi po naman kasi makikita yun sa akin na affected ako, basta okay po ako.”



JEALOUSY FACTOR. Nabasa raw ni Bea ang interview ni Jake dito sa PEP kunsaan sinabi ng young actor na maraming restrictions si Bea noong sila pa.

(Read: Jake Vargas reveals reasons for breakup with Bea Binene)

Ipinagtanggol naman ni Bea ang sarili.

Aniya, “Hindi lang naman ako, siya rin naman.

“Kumbaga, nagsakalan kami, nasakal kami pareho.

“Nagsakalan kami in many ways.

“Siguro, at first, hindi lang namin ina-admit na nagsasakalan kami, pero nasasakal kami.”

Sabi ni Jake, selos din ang rason ng pinag-aawayan nilang dalawa.

Tugon ni Bea dito, “Pareho po kaming seloso’t selosa.

“Hindi ko lang ma-pinpoint kung sino ang mas madalas magselos kasi pareho po kami.

“Basta ako, pag nagseselos siya, sinasabi ko po sa kanya na, ’Wala kang dapat ikaselos, kasi wala naman talaga.’"

Pero mas madalas daw nagseselos si Bea dahil marami siyang nakikita.

“Ako po, kapag ako ang nagseselos, alam kong may tamang dahilan,” sabi niya.



RESTRICTIONS. Ayon din kay Jake, pinapakalas o pinahihiwalay ni Bea si Jake sa mga kaibigan nito.

Paliwanag ni Bea, “I didn’t say na kumalas siya. Ang sinabi ko lang po… kasi ganoon ako dahil may rason ako.

“And sinasabi ko yun sa kanya… pilit kong sinasabi sa kanya.

“Ako yung tipo ng tao na iniisip ko lahat yung mararamdaman ng bawat tao na involved sa situation.

“Iniisip ko yung puwedeng mangyari or yung possible na lumabas pagkatapos.

“Kaya nga lagi kong sinasabi sa kanya na, ‘Mag-ingat ka lang. Oo, you only live once, you only live to your age now, pero just know your limitations.’

“Si Jake kasi, sobrang bait na tao, kaya sinasabi ko sa kanya na, ’Just know your limits.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag ni Jake sa interview na hindi niya basta puwedeng kalasan ang kanyang mga kaibigan dahil kasama na niya ang mga ito hindi pa man siya artista.

Reaksiyon naman ni Bea, “Alam ko naman po yun na mas mauna niyang nakilala yung mga yun kaysa sa akin.

“Alam ko po na iba yung feeling kapag friends mo yung kasama mo, alam ko naman po yun and I do understand.”

Lumalabas sa mga statement ni Jake na hinigpitan siya ni Bea sa mga kaibigan niya.

Depense naman ni Bea, “Hinihigpitan ko siya dahil I want him na alagaan niya yung image niya, yung kapakanan niya as a celebrity—for his own good naman po yun.

“Hindi ko naman siya pipigilan kung alam kong hindi naman makakasama sa kanya.

“There’s no reason for me to stop him kung alam kong para sa ikabubuti niya yun.

“Kasi po, nakikita ko, so alam ko rin, ‘Uy, dahan-dahan, matuto ka ring humindi kahit minsan.’”



THIRD PARTY. May mga balita na patuloy pa rin daw nakikipagkita si Jake sa mga babaeng dahilan ng pagseselos ni Bea.

May dalawang babaeng galing sa ibang istasyon na nakakasama ng aktor sa mga Instagram at Twitter photos nito.

Anong reaksiyon ni Bea dito?

“Kung nagkikita-kita pa rin po sila ngayon, I don’t have the right to tell something, kasi wala naman, e.

“He can do whatever he wants to do. Ako naman, I can do whatever I want.”

Nasasaktan ba siya kapag nalalaman niyang may mga kasa-kasamang babae si Jake at parang hindi siya apektado sa breakup nila?

Sabi ni Bea, “I know Jake, sobrang kilala ko po siya.

“Alam ko ang ugali niya… basta darating din naman yung point na… bahala na.

“Kung nasasaktan ako, siguro oo, may konti, pero kasi ngayon, tinatanggap ko na bahala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na po akong karapatan para i-guide siya, bigyan siya ng warning.

“Basta, kung saan siya masaya, e. doon siya—I’ll be happy for him.”



RECONCILIATION? Wala na bang posibilidad na magkabalikan sila?

“Di ba sinabi niyang wala na?” mariing sagot ni Bea.

“Ako, ayoko pong magsabi nang patapos, ayoko pong pangunahan yung mga mangyayari.

“Kung anong gagawin ni Lord para sa akin, yun ang susundin ko."

Patuloy pa ni Bea, “Siyempre, nagulat ako noong sinabi niyang tuldok na, pero sa akin, kung yun ang gusto mo, okay lang.”

Gaano katotoo ang balitang nakikipagbalikan si Bea kay Jake at siya pa ang tumatawag sa aktor?

“No!” mabilis na tanggi ni Bea.

Ngayong “single” na si Bea, magiging bukas na raw siya sa mga taong gustong makipagkaibigan sa kanya.

“Kasi noong times kasi namin, yun rin ang hindi ko ginawa.

“I restricted myself to everyone na gustong makipagkaibigan, kasi alam kong ayaw niya.

“So ngayon, I’m doing what I want—okay lang.

“Hangga’t alam kong makakabuti sa akin at hindi makakasama, okay akong makipag-friends.”

Nanghihinayang ba siya na binigyan niya ng atensiyon at malasakit si Jake?

Sagot ni Bea, “Wala po akong regrets, wala po akong panghihinayang, kasi naging masaya ako.

“Wala po akong pinagsisihan, wala akong pinanghihinayangan.

“Kung meron mang panghihinayang, yun lang po doon sa mga magagandang moments namin.

“Wala akong pinagsisihan, basta happy ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN