Chito Miranda submits affidavit to NBI to track down video uploader

Muling nagpunta si Chito Miranda sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, August 13, upang magsumite ng affidavit kaugnay ng pagkalat ng private video nila ng kanyang kasintahan na si Neri Naig.


Muling bumalik sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda ngayong araw, August 13, upang magsumite ng kanyang affidavit sa Cybercrime Division ng naturang ahensiya.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kumakalat na private video nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.

Kahapon, August 12, pumunta na rin si Chito sa naturang ahensiya pero hindi siya nagbigay ng anumang pahayag.

Sa kanyang pagbalik sa NBI kanina, nagpaunlak na si Chito ng panayam sa media.

Sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN, sinabi ni Chito na noong August 2 pa lang ay may nakapagsabi na sa kanyang may kumakalat silang sex video ni Neri, pero hindi raw niya ito sineryoso.

Naniwala lang daw siya nang ipadala sa kanya ang link ng naturang video kinabukasan, August 3.

Matatandaang noong August 3 rin nagbigay ng pahayag si Chito sa kanyang Instagram account na meron nga silang private video ng girlfriend at humingi siya ng paumanhin sa kanilang mga pamilya dahil sa itinuturing niyang "unfortunate incident."

Kumusta na sila ngayon ng kanyang girlfriend?

Sagot ni Chito, “Si Neri? She is okay. Ayos pa rin, nood DVD.”

Hindi pa rin daw maipaliwanag ni Chito kung paano na-upload sa Internet ang naturang video mula sa kanyang hard drive, pero kampante siya na mahuhuli ang may pakana nito sa tulong ng NBI.

Tanggap na rin daw ni Chito ang pagkalat ng kanilang video sa Internet.

Aniya, “Trip nila ’yan, e, so wala akong magagawa about that.

"So this is what I’m doing on my part. And on their part, they could do whatever they want kasi problema…

"I can’t… you can’t stop them what they want to do, they want to do it… let the… NBI na bahala sa kanila.”



NO MOTIVES? Ayon naman sa NBI, bukod sa mga nagbebenta ng DVD ng sex video, iimbestigahan nila kung sino-sino ang nag-upload at nagsi-share ng naturang video sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawal daw kasi ito sa ilalim ng Anti-Voyeurism Act.

Inaalam na rin ng NBI kung ano ang motibo sa pag-upload ng video dahil wala naman daw nanghingi ng pera kina Chito at Neri bago pa ito kumalat.

ON MARRYING NERI. Sari-sari ring opinyon ang mga mababasa sa blogs at Internet sites, pati na sa mga social media, tungkol sa pagkalat ng private video nina Chito at Neri.

Ang ilan pa nga rito ay nagsasabing mas mabuting pakasalan na ni Chito si Neri para maisalba ang nobya sa kontrobersiya.

Sa hiwalay na ulat ng Aksyon ng TV5, sinabi ng Parokya ni Edgar frontman na hindi sila matitibag ni Neri dahil sa isyu.

Sa tanong naman kung may balak na ba silang magpakasal ni Neri, sagot ni Chito, “Yeah, hopefully, we will.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN