Cesar Montano’s camp denies marital rape allegation of Sunshine Cruz

Mariing itinanggi ng abugado ni Cesar Montano na si Atty. Joel Ferrer ang paratang ng aktres na ginahasa diumano siya ng asawa noong May 12, 2013, Mother’s Day, sa loob mismo ng kanyang tahanan.


Pinabulaanan ng kampo ni Cesar Montano ang alegasyon ng panggagahasa diumano ng aktor sa misis niyang si Sunshine Cruz.

Sa segment na "Talakayan With Igan" ng programang Unang Hirit ng GMA-7 kaninang umaga, August 14, nagharap ang abugado ni Sunshine na si Atty. Bonifacio Alentajan at ang abugado ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer.

Ayon kay Atty. Ferrer, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng isinampang reklamo ni Sunshine laban kay Cesar—ang paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Naghain ng kanyang reklamo si Sunshine laban kay Cesar kahapon, August 13, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

(Read: Sunshine Cruz claims Cesar Montano "raped" her on Mother’s Day)

Iginiit ng abugado ni Cesar na nasa poder daw ng aktor ang tatlong anak nila ni Sunshine dahil gusto raw ng mga ito na makasama ang kanilang ama.

Sa alegasyon naman ni Sunshine na panghahalay diumano sa kanya ni Cesar noong May 12, 2013, Mother’s Day, sinabi ng abugado na hindi raw pinuwersa ni Cesar ang kanyang misis.

Pahayag ni Atty. Ferrer, “Noong Mother’s Day na tinutukoy, na ginahasa siya, nung araw na yun, nag-text si Shine kay Cesar, inimbita para mag-dinner sila kasama ang mga bata. Nag-dinner ho yung pamilya.

"After dinner, komo’t nag-enjoy naman sila, walang away e sa bahay ni Shine natulog si Cesar at kinabukasan na ho umuwi, umalis si Cesar doon.

"After that, marami pa ho silang exchanges ng texts, sweet nothings... so nagulat si Cesar.”

Tanong naman ni Arnold Clavio, “So, ebidensiya na ho ninyo yung mga text messages?”

Tugon ni Atty. Ferrer, “Meron ho, meron ho kami nun. Kaya nagulat nga ho siya—‘Anong panggagahasa e dun ako natulog?”

Pero nanindigan naman ang abugado ni Sunshine na si Atty. Alentajan na may panghahalay na nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN