Gerald Anderson says working with Piolo Pascual is "dream come true"

Hindi na raw pinagtutuunan ng pansin ni Gerald Anderson ang mga bagay na hindi makakatulong sa kanya bilang isang tao at bilang aktor. Sabi pa niya, “Happy ako sa lahat, sa bawat special sa life ko. Siyempre, you want to be a better person pa, a better actor pa—yun lang ang goal ko.”


Iwas na si Gerald Anderson na pag-usapan ang tungkol sa pagdedepensa niya sa kanyang girlfriend na si Maja Salvador laban sa mga bashers nito.

Sa presscon ng OTJ (On The Job) sa Dolphy Theater kagabi, August 14, maagang pinull-out si Gerald dahil may taping pa ito para sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Nakausap sandali ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor pero hindi na ito ganoong nagkomento tungkol sa isyu ni Maja.

Sabi niya, “Sinagot ko na yun. Kumbaga, wala, e, ayoko nang mag-comment about doon… wala, e, hahaba.

“Bawat artista may bashers, di mawawala yun.”

(Read: Gerald Anderson defends girlfriend Maja Salvador from bashers).

Ayon kay Gerald, sa ilang taon na rin niya sa showbiz, kahit papaano ay nakasanayan at natanggap na niya ang ganitong sistema.

Dagdag niya, “Kailangan, kailangan talaga, e, parte siya.”

Nang hingan ng reaksiyon sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Maja laban naman sa mga bashers niya, ayaw na ring magsalita ni Gerald tungkol dito.

“Kumbaga, ayoko nang mag-comment doon."

Ayaw na raw mag-dwell sa mga negatibong bagay.

Sabi niya, “Happy ako sa lahat, sa bawat special sa life ko.

“Siyempre, you want to be a better person pa, a better actor pa—yun lang ang goal ko.”



COMPLEX ROLE. Tungkol naman sa OTJ, may isang eksena raw rito na walong oras nila kinunan.

Kuwento ni Gerald, “Kasi si Direk [Erik Matti], first time din akong gumawa ng ganoong eksena na eight hours kaming nandoon.

“Iba’t ibang shots, pag napanood ninyo, sobrang beautiful ang kinalabasan.

“Kailangan, napakalaking part yun ng film. Pag wala yun, napakalaking kulang yun.

“Nagtagal lang ng eight hours because of the shot… basta importante siya.’

Isa rin daw ito sa pinakamahirap na proyektong ginawa niya.

“Siyempre yung Budoy, mahirap din sa akin, but iba ito.

“Napaka-complex, napakalalim noong role. Saka iba, iba talaga, hindi ko ma-explain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan ninyong panoorin, kasi siyempre napanood n’yo ang mga dati kong films, mga rom-com [romance-comedy] ang mga yun.

“This is completely different, sobra.”



INPUTS. Masasabing niyakap talaga ni Gerald ang kanyang role sa OTJ dahil siya na mismo ang nag-suggest ng mga pagbabagong gusto niyang makita sa kanya sa pelikula.

Kuwento niya, “Nag-present ako kay Direk kung ano ang gusto kong histura.

“Nagulat siya na gusto kong putulin ang kilay ko, gusto kong tumubo ang balbas ko para ibang-iba ako sa lahat ng soaps na nagawa ko.

“Kahit papaano, feeling ko nagawa ko.”

Hindi ba sila nagkaroon ng sapawan sa mga eskena ng co-star niyang si Piolo Pascual?

Ayon kay Gerald, “Alam mo, makasama ko lang si Piolo sa isang movie, dream come true na yun para sa akin—sobrang saya ko.

“Nag-Star [Magic] ako, seventeen years old ako, Piolo Pascual na ‘yan.

"Now, twenty-four ako, nakakasama ko na siya sa isang film, sa isang film na iba.

“Sobrang proud ako na nakasama ko siya.

“Bilang aktor, ginawa lang namin ang best namin. Pero yung may personal na ano, wala.

“Kumbaga, sobrang suwerte ko lang na nakasama ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN