Ynna Asistio transfers to ABS-CBN

“Thank you kasi simula pa lang, ang saya-saya na at sobrang busy na, so thank you po talaga sa ABS-CBN,” says former GMA-7 contract artist Ynna Asistio about her transfer to ABS-CBN.


Ilang manonood marahil ng daily morning game show na Minute To Win It ang nagulat nang makita nila bilang celebrity contestant si Ynna Asistio.

Sa episode ng programa kahapon, August 15, inanunisyo ng host na si Luis Manzano ang paglipat sa ABS-CBN ng dalagang anak ni Nadia Montenegro at ni dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio Jr.

"Nakakapanibago seeing you here. Welcome to ABS-CBN, and you’re now part of the Star Magic family," sabi ni Luis matapos maipakilala si Ynna.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, itatampok ang 21-year-old actress sa isang episode ng weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Bukod kay Ynna, napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bahagi na rin ng talent arm ng ABS-CBN ang nakababata niyang kapatid na si Yana.

Bilang bagong Kapamilya, sabi ni Ynna, “Sobra yung pagtanggap nila sa amin. We didn’t expect na magiging gano’n.

“Thank you kasi simula pa lang, ang saya-saya na at sobrang busy na, so thank you po talaga sa ABS-CBN."

GOODBYE, GMA-7. Two weeks ago, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ay nagpasalamat si Ynna sa dati niyang home network. ang GMA-7, na nagbukas raw ng maraming oportunidad sa kanya.

Sabi niya, “If it wasn’t for GMA other doors would have not opened for me. In light to this, I would like to take this opportunity to express my heartfelt thanks to you for giving me the opportunity to be who I wanted to be. I certainly learned a lot from you and I will carry that in my heart forever. I wish GMA continued success. And you will always be a part of me…J Its time for me to move on and spread my wings to be able to learn even more thank you GMA..’)”

Naka-caption sa naturang post ang mga salitang: “Thank you thank you thank you I love you all… We came into this world with nothing, we will part from this world with nothing. Be thankful for what you experience each day. It’s all part of God’s plan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga larawan din siyang ni-repost kung saan winelcome sila ng kapatid niya sa Star Magic.

Ilan sa mga programang kinabilangan niya sa Kapuso network ay Who’s Your Daddy Now (2007), Mga Mata ni Anghelita (2007), La Vendetta (2007), at Party Pilipinas.

Una rin siyang naging talent ng Royale Era Management na pinamumunuan ni Annabelle Rama.

Subalit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Annabelle at Nadia noong nakaraang taon na humantong pa sa pagsasampa ng kasong child abuse ng huli.

(Read: Nadia Montenegro and daughter Ynna Asistio release statements on Annabelle Rama child-abuse case)

Nagkabati ang dalawa taon nang magkita sila sa hearing ng kaso sa Cebu noong Hunyo.

(Read: Annabelle Rama ends rift with Nadia Montenegro)

Ilang linggo pa lamang ang nakararaan ay nakipag-break na si Ynna sa kanyang longtime boyfriend na si Mark Herras.

With additional report from Arniel C. Serato


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN